Doon na kumibo si Roland, nang marinig ang salitang HALIPAROT.
"Ano bang kasalanan ni Eunice sa inyo? Bakit ayaw nio xang tigilan!?" May kataasan ang boses nitong sagot sa ina.
"Pwede ba, hinaan mo yang boses mo!? Ilang silid lang ang layo natin sa silid ni Sally,. Gusto mo bang marinig tayo ni dencio?"
"Wala akong paki! Mabuti nga yun, dahil pagod na akong makisama! Tama na ang ilang taon Kong pagtitiis para lang sa kasalanang kayo naman ang may gawa!"
Pak!
Isang malakas na sampal ang inabot ni Roland mula sa kanyang ina. Namula ito habang namanhid nmn ang kamay ni Anita na pinangsampal sa anak.
Nanginginig sa galit si Anita,. Alam niyang masama ang loob ng kanyang anak pero di niya inakala na hanggang ngyon,sa paglipas ng panahon, ang sama ng loob na iyon ay lumalaki pala.
"Nasasaktan ka sa pagtawag ko na haliparot ang babaeng yun? Ano ba ang tawag mo sa babaeng nagtungo sa Japan at nagtrabaho bilang taga aliw?! At pag balik ay my asawa ng hapon!? Hindi ba HALIPAROT? Nagtataka ka siguro bakit ko alam...."
"Hindi nakapagtataka iyon, magkapit bahay cla ni Ate, malamang xa ang nagsabi sayo.. Ganon pa man, wala akong pakialam! Ang alam ko lang mas naging totoo xa kaysa sa inyo na kamag anak ko!" Muling sagot nito sa ina habang pigil ang mga luha.
Akma pa sanang sasampalin xa ng ina subalit pinigil niya ang kamay nito.
"Kahit paulit ulit nio pa akong sampalin, wala ng magbabago.. Handa akong magdildil ng asin, magsumikap ng husto kaysa umasa sa yaman ng ibang tao kapalit ng huwad na pagmamahal,. Hindi ako ang nag ubos ng pinagyamang lupa ni papa para sa sugal kya bakit ako ang dapat magdusa? Kaylan nio ba inisip ni ate zeny ang kalagayan ko?,, walang ibang nagmahal at umintindi sa akin ng totoo kundi ang babaeng haliparot na sinasabi nio!" Matapos iyon ay umalis na ito, lakad takbo ang ginawa niya makalayo lang sa ina.
Naiwan si anita na naluluha, nasasaktan sa mga binitiwang salita ng anak.
Lingid sa kanilang kaalaman ay narinig ni dencio ang lahat. Kuyom ang palad na bumalik ito sa silid ni sally. Minasdan ang anak na patuloy na nahihimbing.
"Bakit kasi sa dinami rami ng mga manliligaw mo, si roland pa ang napili mo;si roland na batid nating dalawa na sa simula pa ay walang pagtingin sayo.. " tila sermon nito sa anak.
Nagkukunwari lang siya na walang alam sa issue ng mag asawa..pero matagal na xang may hinala,sadyang magaling lang sa negosyo si roland kaya niya ito naibigan,. Sinagot niya ang danyos ni anita kapalit ng kasal dahil yun ang nais ni sally,labag man sa kalooban ay ginawa niya. Pero sa narinig niya, hindi niya alam kung paano ipaliliwanag sa anak ang lahat kapag ito ay nagising na..Dumiretso si roland sa bahay upang kumuha ng ilang gamit niya, isang sports bag na kinuha nya sa closet at pinuno iyon ng mga damit niya,. Mga personal niyang dokumento at cash na nakatago sa vault.
Napatingin pa xa sa wedding photo nila ni sally na nkasabit sa gilid ng pinto.
Halata ang saya sa mukha ni sally sa larawang iyon habang xa ay hindi.
"Im sorry, kahit konti naman ay nakaramdam ako ng pagmamahal sayo, pero sadyang hindi ko kayang tumanda na kasama ka. Xa pa rin ang matimbang sa puso at isip ko.. Paalam.." Wika nito sa larawan ng asawa.
Handa na siyang harapin ang mundo ng siya lang. Ng walang iniisip na sinuman. Maliban sa kanyang mahal.
Si eunice.
![](https://img.wattpad.com/cover/75535956-288-k547635.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...