"Sir..." May kahinaang tawag ni Roland sa loob ng opisina ng kanilang manager,isang hapon bago ang uwian ng mga empleyado.
"Come in.." Tugon ng baritonong tinig na nagmula sa isang swivel chair na nakaharap sa wall to ceiling window. Umikot ito nang tuluyang pumasok si Roland, paharap sa kanya.
Sa halip na ang manager nila ang makikita niya,. Ang kanilang CEO na si Mr. Sy ang nakaupo roon.Nakadama agad siya ng kaba at panlalamig ng pawis. Dagling pumasok sa kanya ang samut saring katanungan,.
May kasalanang nagawa ba siya?
Terminated na ba siya dahil sa paminsan minsan niyang pagkalate?Tila naramdaman ng 70years old na si Mr. Sy ang alinlangan ng kaharap.
"Relax..have a seat." He offered.
"Ah...s-sir..." Pakiwari niya ay nasa hotseat siya for a deepest interview from TIME MAGAZINE's MAN OF THE YEAR AWARDEE..
"....m-may nagawa po ba akong mali?""Mali?"
"Opo...kung meron man ho, humihingi po ako ng paumanhin.. Huwag nio lang po sana akong iterminate,.." Pakiusap niya ng buong puso sa amo.
Nagulat siya nang tumawa si Mr. Sy..
Hindi tawang nanghahamak,pagkat iyon ay tawa ng tunay na natutuwa sa isang simpleng pakiusap,na ipinagtaka naman ni Roland.."Sir??"
"I'm sorry..."biglang naisip ni Mr. Sy na bigyan ng tricky question ang tauhang kaharap. "If ever I'll terminate you today.. What would be happen? According to your files,your single,..so,its OK if I do that.."
"Sir! Wag po naman! Kawawa naman po ang pamilya ko!" Parang sinasakal ang puso ni Roland sa mga litanya ng boss.
"Pamilya?? I thought your..."
"Yun din po ang buong akala ko,sir.."
Bigla ay naging malamya ang tugon nito sa boss na kaharap, ramdam ni mr. Sy ang lungkot na dala ni roland habang kanya itong minamasdan.
Nabuhay ang interes ni Mr. Sy na pakinggan ang kwento ng kanyang tauhan."Can you tell me about this?,, don't worry, I had a feeling na itinatago mo ito sa iyong mga kasamahan,. I'm not asking you to tell me this because I am your boss,but I felt, you need someone to lend an ear.. And I'm willing to.."
Napatingin siya sa amo,. Mabait si Mr. Sy kaya naman lahat ng empleyado ay nagtatagal, iilan buwan pa lang siya sa kumpanya,pero puro magagandang katangian na ni Mr. Sy ang ibinibida ng mga katrabaho niyang may edad na. Hindi siya nag dalawang isip na ihayag sa amo ang buong istorya ng kanyang buhay,hanggang sa makarating ang kwento sa pamilyang sinasabi niya kanina.
"...so this girl you used to love until now, didn't know any of your hardships?"
"Natatakot po akong sabihin dahil baka isipin niyang kaya ako lumalapit muli ay dahil batid kong nagbunga ang aming kamalian..."
"Let me tell you this, a piece of advice iho.. Ang mga babae, natural lang na reaksyon nila yan,lalo yung mga nasaktan ng sobra.. We have our own ego.. Pero,kung minamahal mo ang tao, anuman ang sabihin ng kahit na sino,. Balewala makamit mo lang ang nais mo.. Nabanggit mo na dala ng takot na makasuhan ang mama mo kaya sumunod ka sa nais niya,, since teenage days,talagang itinatangi mo na siya,pero dahil sa takot, pinigil mo ang iyong sarili at lumayo, itinuon sa iba ang pag ibig ngunit ikaw ay nabigo...
Iho, harapin mo siya ng walang takot. Harapin mo siya hindi dahil may dapat kang panagutan sa kanya,. Humarap ka dahil sa minamahal mo siya. Ang hindi mo nagawa noon, itama mo, idaan sa tamang proseso.."Nakadama ng pag asa si Roland sa mga sinabing iyon ng kanyang amo.
Pakiramdam niya ay isang ama ang kausap niya. Agad ay nadagdagan ang kumpiyansa niya sa sarili at nanindigang gagawin ang nasa isip niya ng buong tapang."Maraming salamat po sir,sa payo ninyo.. Ora mismo ay gagawin ko yan!" Nakangiti niyang sabi.
Nawala na sa isip niya ang biro ng amo na iteterminate siya dahil sa pananabik na magawa ang nasa isip niya.
Magpapaalam na sana siya nang pigilan siya ni Mr. Sy."How about your termination?"
Napatigil si Roland, nawala ang abot tengang ngiti. Muling sumilay ang malungkot na mukha,kaya agad na binawi ni Mr. Sy ang biro.
"I'm only just kidding.."
"Sir?"
"Actually,I called you to gave you this.."
Iniabot nito sa kanya ang folder, nakasulat roon na promoted siya bilang assistant supervisor at maiaassign siya sa Batangas branch.
Halos maluha sa sobrang galak si Roland. Tila isang biyaya ang kanyang natamo, pero tila may alinlangan dahil bago lamang siya, ilang buwan pa lang,pero promoted agad.
"Sir...parang mahirap po tanggapin..nagpapasalamat po ako ng sobra sa tiwalang ito pero po kasi..."
"Dahil wala ka pang isang taon dito? Hindi ko sinusukat ang tagal ng tauhan ko sa kumpanya para itaas ko ang antas niya, I based on your performance. I've always here without your knowledge, tanging ang manager nio lang ang may alam.
You started as a clerk, aside from that a company driver,until recently, you decided to switch as a full time driver.. And your favorite spot is Batangas,.. Masipag ka, masigasig,so you deserved it..just accept it."Hindi niya napigilang maluha habang yakap ang boss..nag uumapaw ang kanyang saya.
Promoted na siya,mapapalapit pa siya sa kanyang mag ina."Maraming salamat po sir!"
"Congratulations,and may God bless your journey."
"Hindi ko po kayo bibiguin sir.."
"Update me also about your one true love okey?"
Napangiti lang si Roland na sumang ayon sa amo.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...