Weeeewooo!!!weewoo!!!
St.Michael general hospital..
Mabilis ang pangyayari,. Nakadama ng pag aalala si Roland para sa asawa. Ikaw ba naman ang makakita ng duguang nakahandusay sa banyo ay sigurado ang kaba at takot na madarama mo.
Palakad lakad siya, paroo't parito sa labas ng emergency room nang dumating sina dencio at ang kanyang mama.
"What happen??" Nag aalalang tanong ni dencio.
"H-hindi ko pa po alam papa, hindi pa lumalabas ang doktor.."garalgal ang boses nito habang ang mga kamay ay nanginginig..
"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Anita habang inaakay ang anak na umupo sa waiting area at kumalma.
"Nauna na po akong natulog dahil sobrang pagod ko, nagpaalam pa nga po ako Kay papa,, suddenly nakarinig na lang ako ng malakas na kalabog,,,tapos yun na,,si Sally,,"
"Nagpaalam si sally sa akin na susunod sayo dahil masakit daw ulo niya..oh,God!! Wag nmn sana..." Sambit ni dencio nang bigla ay my naalalang kaparehas na insidente.
"Ano yon kumpadre!?"
Sasagot sana siya nang lumabas na ang doktor.
"Sino po ang kamag anak?"
"Asawa ko po ang pasyente. Kamusta po?"
"Nagkahead trauma po ang misis nio dulot ng pagkabagok sa sahig. We need to operate her para maalis ang namuong dugo...during our procedure,, nagkaroon ng slight heart attack si Mrs.Mendoza.. May history po ba si Mrs. Ng heart attack?"
Walang naisagot si Roland dahil wala nmn siyang alam, c dencio ang sumagot.
"Yes doc. My wife died while giving birth to her... You mean,,namana ng anak ko ang...." Tila biglang sumakit ang ulo at bahagyang nawalan ng balanse si dencio sa posibilidad na naiisip.
"Posible po yun. Pero posible rin po na may kinikimkim na sama ng loob ang pasyente sa matagal na panahon at ayaw niyang ilabas kya naipon which cause the patient to have a heart attack." Paliwanag ng doktor.
Na naging palaisipan nmn kay dencio. At nagbigay nmn ng idea kay Roland.Room127
Private room.
"May problema ba kayong mag asawa na hindi ko nalalaman?" Kompronta ni dencio Kay Roland na nkatayo lang at pinagmamasdan ang tulog na asawa, may benda sa ulo dulot ng operasyon.
"Wala po!" Agad niyang tanggi sa ama ng kanyang asawa, to the rescue naman si Anita sa anak na lalaki.
"Kumpadre naman, sinisiguro ko sayo na maayos silang dalawa,, hinala lang naman ng doktor yung sinabi niyang dahilan..hindi ba anak?" Tumingin ito Kay Roland na parang pinandidilatan at tila iniuutos ng tingin ni Anita na sumang ayon siya sa sinasabi ng ina.
Pero pinili niya ang tumahimik na lang habang nakatingin sa nahihimbing na asawa. Totoo niyan,naguiguilty xa sa nangyare,. Pakiramdam niya ay may kasalanan siya sa sinapit ng asawa.
"Sana nga Roland, walang issue sa inyo. You know how much I care and love my child. Siya na lang ang natitirang alaala ng aking asawa,and I will do all the best just to please her.." Wika ni dencio habang hawak ang kamay ng kanyang prinsesa.Pasimpleng inaya ni Anita ang anak sa labas ng kwarto,nais niyang makasiguro sa totoong nangyare.
"Sabihin mo nga sakin, ano bang nangyare? Bakit nagkaganon c Sally?" Mahina pero may inis na tanong ni Anita.
Ngunit tahimik lang si Roland, ayaw niyang makipag argumento sa ina.
"Sinasabi ko sayo Roland, sa oras na malaman ni dencio na ikaw ang dahilan bakit nagkaganyan c Sally, lahat ng meron tayo ngayon mawawala! Tigilan mo na ang pag iisip sa babaeng haliparot na yun!"
Doon na sumagot si Roland
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...