chapter 34(the truth)

18 0 0
                                    

"Oh,iho? Napasyal ka?"
Napatayo si Roland sa biglang pagpasok ng doktor. Hawak pa rin nito ang chart.
"Bakit hawak mo yan?"
Napatingin siya sa chart at biglang inilapag sa mesa ang hawak.
"S-sorry po dok. Napatingin lang." Muli siyang naupo, gayon din ang doktor.
Iniligpit ang chart sa tabi.
"Ok ka lang ba iho? Parang noong pumasok ako,balisa ka? May problema ba?"
"Wala naman po dok.. Ayos lang. May iniisip lang po ako.. Ah, dumaan lang po ako dito para mag update ng orders.." Nag aalangan man ay tinanong na din niya ang doktor ukol sa pasyente nitong si Maurice Yamamoto.

"Bakit naman nagkainteres ka bigla sa sanggol na yun?" Napasandal sa inuupuan nitong swivel chair ang doktor habang nanunuring nakatingin kay Roland.

Saglit na nag isip ng irarason si Roland upang hindi mahalatang nais niya malaman ang totoo, naniniwala siya kay Gloria na iyun ang bunga, pero nais niyang makasiguro.
"....wala naman po dok, curious lang ako, ngayon lang kasi ako nakaalam ng sanggol na wala pa sa sapat na buwan ay lumabas na.."
Batid ni Roland na palakwento ang doktor na iyon lalo at sa katulad niya na naging malapit na dito sa maigsing panahon pa lang. Magiliw kasi siya makipag usap.
"Hindi mo naman kilala yun, at pinagkakatiwalaan naman kitang di ito makakalabas ano?" Pasiguro ng doktor.
"..opo naman!" Itinaas nito ang kanang kamay at gumuhit ng krus sa kanyang dibdib tanda ng pangako.
"Kung ganoon...."









Hanggang makauwe siya sa tinutuluyan niyang apartment ay di pa rin niya maubos na maisip kung anong krus ang ipinapasan niya sa taong minahal. Hindi siya makapaniwalang kinaya nito na pasanin ang krus na iyon ng mag isa.
Nabyuda ito ng maaga dahil sa kapusukan nila.
May nagsasabing bahagi ng utak niyang magdiwang siya dahil may pagkakataon na siya.
May bahagi rin na dumidiktang tumigil na siya.
Sapo ang ulong napaupo siya sa kama. Hindi niya alam ang dapat gawin. Hanggang maalala niya si Rowena.
"Hello?"....


Pinili ni Roland na personal na makipag usap sa pamangkin, na huli nakita niya ay noong lamay ng kanyang ina. Nagkita sila sa isang resto sa Pasay malapit sa workplace ni Rowena bilang manager ng isang sikat na banko.
"Kamusta ka naman sa inuupahan mo?" Tanong ni Rowena habang kapwa nila inaantay ang order.
"Mabuti naman. S-si ate.." Tila nahihiya siyang itanong rito kung kamusta na ang kanyang kapatid. Na hanggang ngayon ay dama niyang may hinanakit pa sa kanya.
Bago pa sumagot si Rowena ay dumating na ang order nilang tig isang slice ng cake at coffee.
Matapos maka alis ng server ay saka nagsalita si Rowena.
"Dalawang buwan nalang at isang taon na ang bilang ng tampuhan ninyo ni mama.. Tito, wala ka bang planong lapitan ng kusa si mama para matapos na ang issue?" May sarkastikong tanong ni Rowena sa tiyuhin.
"Alam mong nais ko na rin matapos ito,pero nakita mo naman kung paano ako pinagtabuyan ng mama mo,. Naniniwala siyang ang patuloy kong pagkahumaling kay Eunice ang dahilan ng pagkamatay ni mama."
"Hindi nga ba?" Nanunuri ang tingin ni Rowena sa tiyuhin.
"Pati ba naman ikaw Rowena?"
Napabuntong hininga si Rowena, at bahagyang tumikhim ng kape.
"Sorry tito. Pasensya na,pagod lang ako sa dami ng trabaho."
"Best friend mo si Eunice,hindi ba? Hindi mo man lang ba naisip na kamustahin siya?"
"Best friend ko pa rin naman siya tito, pero ang di ko lang sigurado ay kung iyon pa rin ang trato niya sa akin. Mula ng ikasal ka, inutos ni mama na iwasan ko si Eunice. Kaya nga mula nn kasal mo, di na ako umalis sa poder ni Lola, dumadalaw dalaw lang si mama sa akin kapag nakababa na si papa ng barko.
Sandali!? Bakit namn nasali ako sa usapan? At bakit ba kung saan saan na napunta ang usapang ito? Ano ba kasi at bigla mo Kong kinontak? Makikipag ayos ka na ba Kay mama?" Biglang magkakasunod na tanong ni Rowena.

"Darating tayo riyan. Pero ang totoo kaya kita pinatawag kasi kaylangan ko ng makakausap. Parang sasabog na ang dibdib ko kung hindi ko masabi ito,..baka makagawa na naman ako ng mali."
Nagtatakang nakatingin lang si Rowena sa tiyuhin. Naguguluhan sa sinasabi nito sa kanya. Kung anong dahilan ng biglang pagtawag nito.
"Tulungan mo akong isipin at gawin kung ano ang tama Rowena..." Nagmamakaawang sambit ni Roland sa nagugulumihanang pamangkin.
"S--sige.... Ano ba yun?"

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon