chapter 50(bestfriends)

12 0 0
                                    

Dis oras ng gabi,walang puknat sa pagkatok ng pinto si Rowena. Nasa unit siya ng kanyang Tito Roland. Dito niya nais na maglabas ng sama ng loob matapos magmukmok ng ilang oras sa loob ng kotse.
Subalit, walang lumalabas,.
Hanggang may isang tao ang lumabas sa kabilang unit,ilang pinto lang ang layo mula sa kinatatayuan niya.
Si henry.

"Rowena?"

Nilingon ni rowena ang nagsalita,bahagya pa siyang nagulat pagkat naka boxer shorts lang ito at puting sando.

"Rowena,right?" Pagkumpirma pa ni henry.

"O-oo..." Sabay lunok ng laway at pilig ng ulo.

Tila nakadama naman ng pagkapahiya si henry na hindi appropriate ang suot niya nang harapin ang dalaga.

"Oh! Sorry,.." Agad tumakbo ito sa unit niya at dagling nagpalit ng damit. This time, long pants at blue shirt.

"Hinahanap mo ba si kuya roland?"

"Oo,,pero mukhang wala ata siya kaya aalis na lang ako..bukas na lang siguro ko siya kakausapin."

"Kahit bukas di mo pa rin siya makakausap.."

"Bakit? Nasaan ba siya?"

"Ilang buwan na rin siyang nasa batangas, naasign siya doon, di na niya nagawa sigurong ipaalam sayo kasi biglaan. Sa pabahay ng kumpanya siya nanunuluyan. Pero yung ilang gamit niya,narito pa, nakisuyo lang siya sa mother ko."

"Ganoon ba?..."

"If you want pwede kitang samahan,to see him."

Saglit nag isip si rowena, nag aalinlangan,..di siya komportable sapagkat this was the second time pa lang na nagkikita , and Hindi naman manhid si henry para di iyon maramdaman.

"Wait.." Kinuha niya sa kanyang motorbike ang lisence card at iniabot kay Rowena.

"Bakit mo binibigay sakin ang lisensya mo?"

"To prove na wala akong masamang intensyon sa pagsama sayo, in case magkatotoo hinala mo, you can file a case against me."

Bahagyang nakadama ng pagkapahiya si Rowena,sa pagiisip ng di maganda sa kapwa.
Suddenly, napapayag din ni henry ang dalaga.

"Good! Magpapa alam lang ako Kay mama, then we can go."







Three hours later....

"Tao po...."

Bumangon si Roland, para pagbuksan ang kumakatok, alas kuwatro pa lang ng madaling araw at wala siyang inaasahang bisita.
Pupungas pungas pa siyang humarap sa di inaasahang bisita. Nang kanyang buksan ang pinto isang humahagulhol na dalaga ang mabilis na yumakap sa kanya.

"Rowena??"

Pinapasok niya ang mga bisita, pinaupo sa kanyang single bed na medyo magulo ang sapin. Nagbihis siya ng pang itaas na damit sapagkat mahilig si Roland na matulog ng shorts lang ang suot.

"Ano at napasugod kayo? Oy, henry! Wag mo sabihing......"

"Hala! Grabe ka kuya.. Mukha lang akong playboy pero goodboy ako,alam mo yan.." Agad na dipensa ni henry sa sarili nang biglang paghinalaan ni Roland.

"Kung ganoon, anong problema?"

"S-si mama kasi Tito...."

Ikinuwento ni Rowena ang naganap, pati mga dialogo ng ina..

"Hindi ko na maintindihan kung saan nagmumula ang galit niya! Sobra na at di ko na kayang pakisamahan siya!"

"Tama na yan,,ingat sa binibitiwan mong salita, she's still your mother. Unawain na lamang natin ang mama mo... "

"But that i was doing all my life!" Himutok ni rowena.

"O siya,. Pahupain na muna natin yang tampo mo,. Masyado pang maaga may oras pa tayo para mamahinga. Pagpasenxahan ninyo na itong bahay na tinutuluyan ko masyadong maliit.."

Patuloy sa paghikbi si rowena habang yakap ni roland. Si henry naman ay tahimik lang na nakatingin.

A few minutes past,.nkatulugan na ni Rowena ang pagiyak.,
Nakaidlip na rin si henry sa inuupuang silya at nakasalo ang ulo sa maliit na lamesang nagsisilbing kainan ni roland. Hindi na nagawa ni roland na matulog ulit kaya naisipan na lamang niyang tawagan si gloria upang kamustahin at batiin sana ng magandang umaga ang mag ina.
Subalit......

"Im glad you called! Can you come over here asap? I need your help, si eunice..." Tinig ni gloria sa kabilang linya na nag aalala ng sobra.

"Bakit anong nangyare!?" Napalakas ang boses ni roland dahilan upang magising ang kanyang mga bisita,.

Nagisingan nilang aligaga sa pagbibihis ng panlakad si roland, nag aapura ang mga kilos nito.

"Tito,bakit?"

"Pasensiya na kung iiwan ko muna kayo rito ah, si eunice kasi isinugod sa ospital!"

"Sasama na kami sayo,."

Natigilan pansamantala si roland. Sasama si rowena,

"I guess, its about time..."

Napangiti lang si roland sa tinuran ni rowena.



St.patrick medical center

"Kamusta siya?" Tanong na bungad ni Roland Kay Gloria nang marating nito ang silid na itinext ni gloria habang tinatahak niya ang ospital.

Himbing na nakahimlay si eunice habang inaayos ng isang intern ang isang cc ng white blood para itransfer sa katawan ng pasyenteng si eunice.

"Sabi ng doktor, dengue raw,stage 2,, kaya pala pabalik balik ang lagnat niya..."

"Pero,mukhang ok naman siya noong mga araw na dumadalaw ako.."

"Ganyan kagaling magtago ng nararamdaman si eunice,kahit ako di ko alam,except sa sinasabi niyang masakit ang ulo niya... Until,kanina ayun na,nagcollapse xa before you called.."

Hindi mawaring pag aalala ang nararamdaman ni roland habang nakikitang nahihimlay ang minamahal,. Nangingilid ang kanyang mga luha.. Naupo siya sa silyang katabi ng kama ni eunice at mahigpit na hinawakan ang kamay ng minamahal..

"Magpagaling ka mahal ko,,hindi ko kakayanin kung...... " di niya kayang ituloy,ni hangaring mangyari ang nasa isip..

"May kasama ka ata,roland?" Tanong ni gloria nang matanaw sa pintuang may salaming bintana ang lalaking sumisilip silip sa silid ni eunice.

"Ah! Oo,.." Saglit tumayo ito upang papasukin ang bisitang kasama,.
Bahagya pang nagulat si gloria sa isa sa kasama ni roland.

"Rowena?"

"Ako nga...gloria.."

Maluha luhang niyakap ni gloria ang kaibigang matagal na di nakita,.

"Matutuwa ng husto si eunice kapag nalaman niyang narito ka.."

"Si henry nga pala Gloria, isang malapit na kaibigan ko," pakilala ni Roland sa binatang nakabuntot kay Rowena.

"Siya nga pala,si maui?" Urirat bigla ni roland kay gloria..

"Dont worry, tinawagan ko na si Clara kanina, nasa bahay na siguro yun, naroon naman ang stay in staff namin sa resto so its ok.."

"Ganoon ba?" Muli ay naupo ito sa silyang katabi ng kama ni Eunice.
Natapos na sa pagkabit ng dextrose ang intern. Lumabas na ito, saka pa lang lumapit si Rowena..
Nangingilid ang kanyang mga luhang makita ang pinakamatalik niyang kaibigan sa ganoong kalagayan.

"Nais mo ba na iwan namin kayong magkaibigan?" Mahinahong tanong ni Gloria kay Rowena.

"Maari ba?" Tanong niya,sabay tingin kay Roland na agad namang sumang ayon. Tumayo at ipinalit sa inuupuan niya ang pamangkin.

"Tawag ka lang in case may problema.." Bilin ni Roland.

"Salamat..."

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon