chapter 7(special gift)

23 0 0
                                    

Tok! Tok!

Mahinahong katok ngunit may kalakasan ang gumising sa natutulog na noong si eunice.

Agad siyang bumangon upang tingnan ang kumakatok.

Namangha siya nang makita kung sino iyon.

Si roland.

"Ano at narito ka?"

Nagtatakang tanong niya sa binata. Naamoy niya ang amoy-chico nitong sumisingaw sa katawan ng nobyo.

"Uminom ka? Bakit? Anong problema? May Pag aalalang tanong ni Eunice.

"Mahal na mahal kita, Eunice.." Wika lang nito at napaluha na lamang habang nakayakap sa nobya na labis ang pagtataka.

Hindi namalayan ni eunice na nagising pala ang ama.

"Sino ba yang kausap mo,pasado ala una na..."

Tanong ni mang waldo na patungo ng banyo.

"Si------" sasagot pa sana siya ngunit inunahan na siya ni Roland.

"Mang waldo,ako po..pasensya na po kayo sa istorbo.." Wika ni Roland.

Hindi pinansin ni waldo ang bati ng binata,. Siguro kasi wala pa sa wisyo at kakagising lang..

"Gabi na,bukas na kayo mag usap.."
Wika nito bago pumasok ng banyo.

"Dito na lang muna ako,Eunice.." pabulong na Sabi ni Roland.

"Hindi pwde.
Halika,ihahatid na lang kita sa inyo.." Desisyon ni Eunice.

Hindi na nagawang magpaalam ni Eunice sa ama.
Isinara nito ang pinto at inakayan ang lango sa alak na nobyo.

"Ate zeny?" Mahinang tawag niya habang kumakatok sa bakal na Harang sa pinto nila zeny.

Habang hinihintay ang magbubukas ng pinto ay napahandusay na si Roland sa semento..

Si Rowena ang lumabas.

"Bes,anong-" hindi na nito natuloy ang sasabihin nang makita ang tiyuhing nakalugmok na sa sementong Daan.

"Pasenxa ka na,.hinatid ko lang Tito mo,pumunta sa bahay lasing,,"

"Ay naku naman,,sige na bes,ako na bahala dito,umuwe ka na muna,bukas ko na lang ikukuwento sau ang dahilan."

"Sige." Umalis siya pero hindi maalis ang tingin niya sa nobyo,lugmok ito dala ng alak. My ilang milya na ang layo niya nang marinig ang sigaw ni Roland.

"Mahal na mahal kita!!!!"

Hindi niya alam kung kikiligin ba sya o matutuwa,,ang tanging alam nia lang,may mabigat na problema ang nobyo.

Kinabukasan..

"Ano bang nangyare?"

Tanong ni Eunice Kay Rowena nang magkita sila isang umaga.

"Ang mama ko kasi..tutol sa relasyon nio ni Tito."

Malungkot na sabi ni Rowena sa kaibigan.

Expected ko na ito. Pero hanggat mahal ako ni Roland hindi ako dapat mawalan ng pag asa.

"Bakit tahimik ka Jan? Di ka manlang ba magrereact? Ayaw ni mama sa relasyon nio!?"

"Narinig kita. At naiintindihan ko, kapatid siya ng mama mo,only son..hindi yun lingid sakin..hindi naman ako umiexpect ng kahit na ano,.hanggat mahal ako ng Tito mo,,narito lang ako."

Kampante si Eunice na tatagal sila,na walang bibigay sa relasyon....kahit ano pa ang mangyare.


"Happy birthday!!!" Isang masayang bati ni Roland sa nobya.. Ika dalawamput tatlong kaarawan ni Eunice.
Imbitado ang ilang kaibigan kabilang sina Gloria at nobyo nito.

Hindi naman nakadalo si Rowena dahil pinagbawalan ni zeny na pumunta.

"Heto,pinapaabot ni rowena , sorry daw at hindi siya makadalo. Hindi ko Alam sa ate ko kung bakit pati si Rowena ay idinamay pa Niya.."

Iniabot ni Roland ang maliit na kahon sa nobya.

"Oo,nagtext na siya sakin. Sayang siya pa namn ang bff ko..." Binuksan Niya ang handog ng matalik na kaibigan. Isang hair clip na may dalawang butterfly sa dulo.

"Eto namn ang sa akin."nakangiting inihatag ni Roland ang kahita sa palad ng nobya..

Kulay pulang kahita... Batid niya na kuwintas ang laman,dahil yun ang natural na lagayan ng mga alahas na gaya ng kwintas.

Pero....

Ano ito? Hikaw at singsing????

Totoo ba itong nakikita ko?

May singsing??

Magpopropose na ba siya??

Kinikilig niyang bulong sa sarili.

"Nagustuhan mo ba?"

Napatingin siya ng may pagtataka sa nobyo.

Hindi niya magawang magsalita man lang,,basta napaluha lang siya sa galak.

Dagling isinuot ni Roland ang singsing sa daliri ng nobya...

Sakto lang ito.. Maging ang hikaw na may disenyong magkadikit na puso ay siya na rin ang nagsuot.

"Sa-salamat mahal ko..."

"Mahal na mahal kita Eunice.. ang disenyong iyan ang Napili ko para ipaalala sayo na kahit anong mangyari, magkadikit ang puso natin.."

"Ganoon din ako,,mahal na mahal kita,kahit ano pa mangyare,..wag mo sana akong iiwan,mahal ko.."

"Pangako.." tugon ni Roland habang mahigpit na inakap ang nobya..

Subalit..

Lingid sa kanilang kaalaman..

Ang kasabihang Promises are meant to be broken ay magaganap pa lang....

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon