chapter 4(in a relationship)

31 0 0
                                    

Pumanaw na si aling Carmen noong disi otso palang si Eunice,
kaya ngayon halos parang kanya kanya ang kilos nila sa bahay..

kagaya ngayon, tulog na ang mga kapatid niya,.
Pasado alas onse na kasi ng gabi..
Lumabas siya, nag aalangan man pero lumabas siya.

Nilunok ang lahat ng hiya na meron siya sa katawan.

Sa labas,naroon si Roland, tumangkad pa ito ng husto,tumikas ang katawan,at aminado siya,mas gumwapo ito. Kahit medyo umitim,marahil ay nabibilad..

Halos ilang oras din bago binasag ni Roland ang katahimikan,.

"K-kamusta ka na?"

"Paulit ulit?" Birong inis niya para maitago lang sa kaharap ang tuwa at kilig na muli itong makita at makausap.

Napangiti na lang si Roland,.

"Antagal din ano?"

"Uhm..oo."

"Ilang taon na nga ba?sampu? Tagal na, siguro may nobyo ka na?"

"Wala pa!,,teka nga muna, bakit nga ba hindi natin simulan ang kwento sayo,."

Diretsang sagot ni Eunice,.

"Uhm,,eto..
pagkatapos Kong magtrabaho sa ate ko sa cavite,, napunta naman ako sa Laguna,.kinuha akong driver ng bayaw ko...

Nakakilala ng babae na akala ko siya na hanggang sa huli pero..."biglang lumungkot ang aura nito.

"OK ka lang?"

Tumango lang ito at ngumiti,.

"Ok lang ako. Masakit lang isipin na kung sino pa yung minahal mo, siya pa yung loloko sayo,. Na nagawa ka pang imbitahan sa araw ng kanyang kasal.."

Tila nahabag si Eunice sa paglahad ng kwento ni Roland.

Pilit niyang pinipigil ang sarili na hindi magselos nang malaman na hindi naman pala siya ang unang pag ibig ng taong una niyang minahal.

Balewala lang pala ang sulat na yun at dala lang marahil iyon ng kabataan.

"Ikaw naman ang magkwento,," Sabi ni Roland na nagpabalik ng wisyo ni Eunice na Tila naglakbay na sa pag iisip na hindi siya ang first love ng crush niya.

"OK lang naman buhay ko,..namin!
Mula nn pumanaw c mama dahil sa highblood,.agad nagkaroon ng bagong kinakasama c papa,. Na nasa abroad pa sa ngyon, nasanay na ako sa buhay kong boring..nagsipag asawa na rin ang ibang kaibigan ko,kami nalang ni rowena  ang hindi pa.."pilit na ngiting kwento niya.

"Nagkanobyo ka ba?"

"Minsan,isang beses,buyo ng barkada,..pero hindi rin nagtagal.. Babaero eh." Pagsisinungaling niya,dahil ang totoo,wala siyang naging boyfriend dahil sa higpit ng mama niya,hanggang pumanaw na ito ay di na talaga niya hinangad dahil umaasa siyang may chance sila ni Roland.

"Tila nagkakatugma ata tayo pagdating sa lovelife..." Biglang Sabi ni Roland.

"Oo nga ano!? Ano kaya tayo na lang?!" Mabilis na sambit ni Eunice. Ewan kung bakit niya nasabi yun.

Pero dagli rin niyang binawi nang matauhang may mali sa sinabi niya..

Napangiti lang si Roland,.

Matamis na ngiti at titig na nakakatunaw,.

Tumingin siya sa relong pambisig ala una na pala..

"Naku,.mauuna na akong pumasok sa bahay, ala una na pala,may pasok pa ako....y-yung sinabi ko, joke lang yun ah! Huwag mo masyadong seryosohin, n-nagbibiro lang ako!" Wika niyang balot ng Kaba.

"Sige na, pumasok ka na,uuwe na rin ako."nakangiting wika nito.

Kinakabahang hinatid niya ito ng tanaw,.
Papasok na siya nang tumunog ang cellphone n hawak niya.

"Goodnight,baby."

Napataas ng kilay c eunice sa nabasa..mula iyon kay roland.

"Anong sabi mo?"reply niya.

"Biro man sa iyo ang pagkakadulas ng dila mo,para sakin totoo yun,ramdam ko.
Kya mula ngyon,tandaan mo ang petsang ito,.

January 14,2007 opisyal na tayo. At mula ngayon, Baby na ang itatawag natin sa bawat isa. Okay ba?

Baby,tulog ka na,.sweetdreams"

Seryoso?
Opisyal na kami?
Parang hihimatayin sa kilig si Eunice habang binabasa ang text na iyon..

Nagisingan pa siya ng kapatid niyang babae habang impit ang kilig na nadarama,.

"Te,anyare sayo?"

"Huh!?w-wala,,sige matulog ka na."

Nagcover siya ng kumot at patuloy na kinikilig.
Sa wakas!
Totoo na ito,,kami na talaga!!

"Hindi na ito Isang ilusyon lang... Boyfriend ko na ang dating pinapangarap ko lang!!" Kinikilig niyang bulong sa sarili.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon