"Congratulations!!" Masayang bati ni gloria sa kabubukas lang na japanese restobar nina kenji at eunice. Halos isang taong hinintay ng mag asawa ang pagsisimula ng kanilang negosyo sa batangas,. Napakagandang pagmasdan ng paligid,lalo na para sa magsing irog. Tanaw ang paglubog at pagsikat ng araw. Its a perfect spot!
"Gloria!!" Masayang salubong ni Eunice sa kaibigang inimbita niya sa opening pero di niya inaasahang makakadalo ito dahil na rin batid niyang busy ito sa pamilya at sa negosyo nila sa japan.
"Thank goodness,nkarating ka!"
"Ako pa ba!? Naku,,namiss kita! Pati ang pilipinas namiss ko din ng sobra!! Kamusta na ba?" May pananabik na turan ni gloria.
"Bakit ba dito tayo nag uusap, halika sa loob, marami akong niluto para sayo at sa mga bisita." Masayang iginiya ni Eunice c Gloria sa loob ng resto, maraming tao,mga malapit na kaibigan at ilang kamag anak. Masaya ang lahat,.
Lingid sa kanila, ay may isang mga matang kanina pa nakamasid sa kilos ni Eunice.. Mga matang makikitaan ng magkahalong lungkot at pananabik.
Sa dami ng tao sa resto tanging kay Eunice lang ang kanyang tingin;
Patawarin ako ng Diyos pero hindi ako matatahimik hanggat hindi ako nakakapagpaliwanag sayo,..mahal pa rin kita Eunice..
Matapos iyon ay umalis na ito na tila sumaglit lang para makita ang minamahal.
Ngunit mabilis siyang napansin ni Gloria nang lumabas ito para kunin sana ang pasalubong sa kotseng nakaparada sa tapat.
"Sandali...si roland ba yun?" Tanong niya sa sarili.. Hindi siya nag atubiling tawagin ito. "Roland!!"
Huminto sa paglakad ang lalaking nakablack jacket at black baseball cap, bahagya itong lumingon kaya naman nasiguro ni Gloria na Si Roland nga iyon, sa labis na tuwa ay hinabol niya ito, may ilang dipa rin ang layo nito mula sa kanyang kotse.
"Oh my,,ikaw nga!" Manghang bati ni Gloria.
"K-kamusta na,gloria.." Nahihiyang sabi ni roland.
"My Gosh! Ano na bang nangyari sayo?! Bakit ngyon ka lang nagpakita? Alam mo bang baliw na baliw ang kaibigan ko dahil sa ginawa mo!?" Tuloy tuloy ang kwento at sermon ni Gloria kay roland. Habang si roland ay nakikinig lang hanggang sa ayain siya nito na makijoin sa loob.
Pero agad siyang tumanggi.
"Kung sabagay..nariyan si kenji,hassle nga naman kung iinvite kita. Cge, mauna na ko, nice to see you again." Kaswal na sabi ni Gloria.
Pabalik na si gloria sa venue nang muli siyang tawagin ni roland.
"Pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" Kinakabahan man ay ito na ang nakikita niyang pagkakataon para makausap si Eunice.
Sinabi nito ang nais,sa una ay hindi sumang ayon si Gloria, subalit nang ipaliwanag ni roland ang lahat lahat ng dahilan ay nagawa ni roland na makumbinsi si gloria.
"Oh,cge. Susubukan ko kung papayag siya. Hindi mo alam kung gaano kalaking sugat sa puso ang ibinigay mo sa kanya..pero dahil mga malapit ko naman kayong kaibigan at may pinagsamahan din naman kayo kahit paano,,sige susubukan ko."
"Maraming salamat Gloria!" Maluha luha sa galak si roland sa naging tugon ni Gloria.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...