chapter 59(wish granted)

15 0 0
                                    

Tinanghali na ng gising si Roland,medyo masakit pa ang kanyang ulo dulot ng magdamagang inuman, ni Hindi na nga niya namalayan kung ang mga umalis kagabi ay nakaabot ba sa medya noche. Nagisingan niya ang kanyang dalawang ate, si Chona at ang pinaka panganay sa kanilang lahat, naghahain ng pananghalian. Pero may kakaiba sa paghahain nila, tila may bisita silang inaasahan sapagkat halata ang pagkaaligaga ni chona.

"Anong meron ate chona?" Tanong niya rito habang nagtitimpla ng barakong kape para sa kanya.

"Huh? Ah,wala! Naku maligo ka na nga at nakakahiya sa bisita!" Wika ni chona.

"Bisita?"

Beep!Beep!Beep!!

"Ayan na sila!" Sigaw ng isa sa pamangking lalaki ni Roland na naglalaro sa hardin.

Napalingon sila chona at dali daling sinalubong ang dumating. Walang pakialam namang tumanaw sa bintana si Roland at humihigop ng kape, nang bigla ay masilayan niya ang mga bumaba, una ay ang mag ina. Sumunod ay si henry. At ang huli ay si Eunice na nagpabuga sa kanyang iniinom.

"Eunice?"

Pinunasan pa niya ang kanyang mga mata. Sinampal sampal ng kaunti pero my kalakasan,iniisip na baka nananaginip lamang siya.

Pero Hindi siya niloloko ng kanyang mga mata. Si Eunice nga ang kanyang nakikita. Dali dali siyang tumakbo sa lababo. Naghilamos ng mukha. Inayos ang sarili,di niya nais na makita siya nito na parang bumangon sa hukay.

"Ito ba ang anak ni Roland? Ay kagandang bata.. Tulad din ni Roland zeny oh, may mahahabang pilik!" Bati ng kanilang ate.

"Siya po si Maurice."

"Ahh... Siya nga pala. Ako si Cora. Ang pinakapanganay sa aming magkakapatid. Sa wakas ay nakilala ko na rin ang bumihag sa puso ng aming bunso." May giliw nitong sabi.

"Nice to meet you po. Ako po si-----"

"...Eunice!" Sabi ng baritonong tinig na nagpaputol sa sasabihin sana ni Eunice.

Napalingon ang lahat. Si Roland.
Nakapolo shirt na ito at pants. Malayong malayo sa suot nito kanina na sando at boxer shorts. Kaya naman natawa ng bahagya ang dalawa sina cora at chona.

"Iba talaga pag ang pag ibig na ang lumapit,ano chona? Bumibilis ang kilos!" Timping hagikhik ni cora habang bumubulong kay chona.

"Anong pinagbubulungan ninyo?" Tanong ni zeny.

"Wala ate, mamaya ko na sasabihin. Tara na, moment nila ito." Aya ni chona sa mga kasama ni Eunice na dumating.

Kaba, tuwa,iba ibang emosyon ang bumalot sa dalawa habang unti unting lumalapit si Roland sa mag ina. Maluha luhang niyakap ni Roland ang babaeng kaytagal niyang hinintay. Tila nagbalik naman sa gunita ni Eunice ang masayang alaala sa piling ni Roland. Gaya nito ay napaluha din si Eunice sa sobrang kagalakan. Ginantihan ng yakap na mahigpit ang lalaking kaylanman ay hindi nawalan ng puwang sa kanyang puso.

"Mom..." Sabi ni Maurice na kanina pa nakamasid sa kanilang pagyayakapan.

Agad kumalas ito kay Roland,pinahid ang kanyang luha at binuhat ang anak.

"Baby.. Meet your dad.. "

"S-siya na ba?...." Nag uumapaw sa galak ang puso ni Roland habang minamasdan ang nawalay na anak. Hindi niya alam kung anong magiging reaksyon,pakiramdam niya ay tumama siya sa lotto at ang premyo ay kotse, natatakot hawakan,nangingilag ngunit gustong gusto niyang hawakan.

"P-pwede ba kitang mayakap?"

"What is he saying?"

"English pala ang baby ko... " wika ni Roland na kahit naluluha ay nangingiti pa rin.

"Can i hug my little princess?"

Tumingin si Maurice sa ina. Tila nagtatanong kung maari nga ba. Tumango lang ito at sumilay na ang matamis na ngiti sa labi ng bata.

Walang pagsidlan ang tuwang nadarama ni Roland habang mahigpit na yakap ang anak.

"Ang pagbabalik ninyong ito ang pinakamagandang regalo na natanggap ko.. Hindi sana ako nananaginip lang.." Sabi niya habang hinahaplos ng isang kamay ang mukha ng kanyang minamahal.

"Mom, come! " aya ni Maurice sa ina, na kapwa nila yakapin ang kanyang ama.

Habang nagreremenisce ang pamilya sa baba ng Hardin, naroon naman sa balkonahe ang ilang myembro ng pamilya, kinikilig na tumatanaw sa kanila.

"Mama... Nakakakilig silang pagmasdan hindi ba?" Sabi ni Rowena.

"Sana ay hindi ako naging bulag, sana ay hindi ko na sinulsulan si mama na tumutol sa kanilang pagiibigan, sana ay,noon pa,hindi nagkaroon ng lamat ang aming pagiging magkapatid.." Emosyonal at wala sa loob na sabi ni zeny.

"Sa tingin ko naman zeny,ay nakabawi ka na.. Tingnan mo kung gaano kasaya ang ating bunso.. Siguro nga ay itinadhana ng Panginoon sa atin na mangyari ang mga bagay na ito, sa kanila para matuto tayo sa buhay. Matuto tayong tanggapin at irespeto ang nararamdaman ng kapwa natin."

"Tama ka riyan ate cora."

"Oh,siya! Chona! Tawagin mo na sila at lumalamig na ang pagkain sa mesa. Tawagin mo na rin ang papa at kapatid mo,pati na ibang pinsan mo rowena, nang masimulan na ang salo salo. Simulan natin ang araw ng masaya at sama sama!"














Matapos ang masayang kainan, ay sa sala naman sila nag umpukan. Nagkwentuhan habang umiinom ng tinimplang tablea ni chona.

"Since ok na ang love team.. Kaylan ba ang kasal bes?" Deretsahang tanong ni Rowena sa katabing kaibigan.

Dagling namula si Eunice. Parang napakabilis ng pangyayari sa pakiwari niya.

"Rowena.. Napepressure naman sayo si Eunice, darating tayo riyan.. "Masayang sabi ni Roland habang kalong sa hita ang kanilang unica hija.

"Sana sa lalong madaling panahon,para ang malaking bahay nitong kapatid namin ay matatawag na nga naming isang tahanan." Sabi bigla ni zeny.

"B-bahay?" Nagtatakang napatingin si eunice kay roland.

"Naku bes, sa ilang taon ninyong nagstay sa japan, ipinasya ni tito na magfocus sa study at sa business, nakapagpundar ng isang fully furnished house and lot na nasa loob ng middle class subdivision,a few miles away lang mula rito.. Para daw pag balik ninyo at tinanggap mo ang panunuyo niya sayo may nakalaan na siyang bahay para sa inyong mag ina."

"Ang daldal mo!" Sita ni roland sa pamangkin.

Natigilan ang pagtawa ng ilan nang mapansing naging emosyonal si eunice habang nakatingin kay roland. Pigil ang luha,

"Bes,ok ka lang?"

Tumango tango lang ito.

Bigla ay tinapik niya ng kamao ang braso ni roland.

"Bakit?" Gulat na sabi ni Roland na nangingiti pa sa reaksyon ni Eunice.

"Buong akala ko ay tinalikuran mo na ako,buong akala ko kinalimutan mo na kaming mag ina gaya ng nais kong limutin ka,.. Bakit ka ganyan?! Lagi mo akong ginugulat!" Tuluyan na nga ay napahagulhol na ito sa dibdib ni roland sapagkat agad siyang niyakap ni roland.

"Look at your mom my princess, very emotional..."

Ngumiti lang si maurice at hinalikan ang mommy niya.

"Pasensya na kayo mga kapamilya ko, masyadong emosyonal ang magiging future hipag ninyo.." Biro ni roland na muling nagpatawa sa kanila.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon