Best feeling ang maiconfess mo sa taong pakiramdam mo ay mapagkakatiwalaan ang bigat na dinadala ng puso mo, magaan sa pakiramdam at nagkakaroon ka ng kumpiyansa sa sarili na magagawa mo ng tama ang bawat bagay. Isang bagay na hinintay ni roland na gawin ng kanyang pamilya,lalo ng kanyang ina para sa kanya,ngunit bigo siyang makamit sapagkat taliwas ang kanilang pag iisip..
Walang kasing saya ang puso ni roland habang nakahiga sa kanyang single bed at sinasariwa ang payo ng kanilang boss..
...idaan sa tamang proseso...
Paulit ulit na bulong ng isip niya, hanggang bumalikwas muli siya ng bangon sapagkat may naalala,."Hello?" Wika niya nang sumagot ang tinawagan sa kanyang cellphone.
"Oh..tito, bakit?,,, ano!?" Napabangon sa higaan si rowena na nasa gitna ng pagtulog ay tumunog ang kanyang cellphone.
"Fine!...opo! Bukas,dadalhin ko riyan.. Opo nga! Ang kulit! K,bye."
Napabuga ng hangin si rowena sa kakulitan ng kanyang tiyuhin,ngunit sa kabilang banda ay napapangiti na rin siya, lalo sa sinabi nitong rason kung bakit importanteng madala niya ang gitara ng kanyang ama sa kanyang tiyuhin..",,itatama ko na ang lahat,sisimulan ko sa dapat ay ginawa ko noon pa, kung maaring buhayin ko ang tradisyon ng panunuyo ay gagawin ko,mapasaakin na lang muli si eunice..."
Kilig to the highest level na bumalik sa pagtulog muli si rowena.
Kinaumagahan,araw ng sabado, day off ni rowena, dala ang gitara ay tumungo ito sa apartment ng tiyuhin,.
Naabutan niya itong nasa balkon at nagkakape habang kausap ang ibang binatang rumerenta rin sa apartment building na iyon."Tito!"
"Oh,rowena! Halika!"
"Kuya, hindi mo naikukuwentong may maganda ka palang pamangkin.." Buyo ng maskuladong binata na kausap ni roland.
Gwapo at moreno.
"Kailangan ba? Anyway, ito si rowena,. Pamangkin ko, anak ng ate ko,. Manager sa isang banko.." Panimula ni roland sa pagpapakilala sa isat isa na agad napuna niyang tila nagkatitigan at mukhang may spark agad,..
"..ito naman si...""Henry. Miss beautiful.." Agad na pakilala nito sa sarili habang mabilis na nakipagkamay sa dalagang si rowena.
"Ehem!!" Tumikhim si roland upang makuha ang atensyon ng dalawang tila napunta na ata sa kabilang mundo.
"S-sorry po.." Napayuko sa hiya si rowena,gayon rin si henry.
"Ah, ito na ba ang gitara ni kuya ramon? Anong sabi ni...ate?"
"Walang alam si mama, si papa naman umalis ulit, nasa australia ang barko nila ngayon. Basta kinuha ko lang yan, ibabalik ko na lang bukas."
"Sinong haharanahin mo,kuya?" Si henry.
"Gusto mo sumama ka, nang malaman mo kung sino."
"Pwede po!?" Bakas ang pagkasabik ni henry sa sinabi ni roland.
"Pero, dapat,. Ngayon pa lang nagreready na tayo.."
"Maaga pa po! Alas otso pa lang.."
"Sa Batangas kasi maghaharana si Tito.. Haharanahin niya ang kanyang one great love."
"Ganoon ba?,,sige! Day off naman ako today.. Wait lang, magpapalit lang ako ng damit." Dagli itong tumalilis para magpalit.
"Ikaw,rowena. Day off mo rin hindi ba? Sumama ka na.."
"Saka na lang po, tito. Moment nio ito." Nakangiting sabi ni rowena.
Kinagabihan, pasado alas diyes ng gabi. Kakapatulog lang ni eunice kay maurice..
At kasasara lang ni gloria sa resto,.
Nagstay pa muna ang magkaibigan sa balkon at nagkape,. Nang bigla ay..(Guitar instrumentals)
Napatayo ang magkaibigan sa gulat kung sinong nilalang ang nasa labas at umaawit at matuklasang ang magandang tinig na iyon ay mula kay roland.
Kilig ang nadama ni gloria habang pinanonood ang harana,habang hindi malamang pakiramdam naman ang kay eunice. Kung matutuwa,maiinis o maiinsulto,."Nagkita ba kayo at sinabi sa kanya ang totoo tungkol kay maurice?" Baling nito sa kaibigan, na may inis.
"Huh!? Wala! Hindi ko alam yan..." Pagsisinungaling nito.
"Hindi ba pwedeng itinatama lang niya ang dapat ay ginawa niya noon pa? Tingnan mo,talagang dumayo pa Siya Dito para lang haranahin ka.. Saka.. magkamali na akong Minsan ,kaya ayoko ng magkamali ulit Sayo.. baka sa susunod di mo na ko talaga patawarin.." Impit nitong ngiti at Pilit nitong pagtatakip sa sarili.Naiirita si eunice, hindi niya alam kung kanino. Sa kumakanta ba o sa kinakanta ba nito na parang tagos sa puso niya ang mensahe dahil totoo o dahil minsan pinangarap niyang gawin ito ni roland sa kanya.. Sa inis ay pumasok ito ng bahay.
Kaya si gloria na lang ang lumapit sa dalawang lalaki."Pasensiya ka na roland,. Medyo inis pa rin ako sau., Ang sabi ko nmn kasi sayo,pabayaan mo na muna ang mag ina at hayaan mong sila ang kusang lumapit sayo,pero kung desidido kang itama ang lahat, susuportahan kita,for now, uwe na muna kayo.." Kumbinsi ni Gloria sa lalaki at sa kasama nitong si Henry.
Napatango na lamang si roland at malungkot na sumakay ng kotse kasama si henry. Pero bago siya tuluyang umalis ay ipinaabot niya ang rosas na dala kay gloria.
"Hindi Ako susuko Gloria. Mahal na mahal ko siya. At gagawin ko Ang lahat para muli siya na maging akin." Paninindigang wika ni Roland Kay Gloria,habang Ang mga mata ay nakatuon sa pintuang pinasukan ni Eunice.
"Ok,fine! Cge na.. go na Muna kayo,.. diskarte mo na Yan,Basta Ako labas na Ako Jan. Ok? Bye! Ingat!" Wika ni Gloria sa dalawang lalaki bago tuluyang pumasok sa Bahay ni Eunice.
Tuluyang umalis na si roland. At bumalik na si gloria sa loob.
Iniabot ang bilin at rosas kay eunice na nasa salas lang at nakaupo sa single sofa."Naguguluhan ako gloria..." Malungkot na wika ni eunice habang hawak ang rosas.
"Naguguluhan saan?"
"Sa nararamdaman ko.. Hindi ba parang sa edad naming ito,.ay umaasta pa rin siyang..."
"..walang age limit ang pag ibig. At wala ka ring magagawa kung siya talaga ang gusto ng puso mo. Masyado mo lang talagang naitaas ang ego mo kasi nasaktan ka, pero alam ko noon pa, mahal mo siya. Mahal na mahal."
Nanatiling tahimik si eunice,pagkat di niya matiyak sa sarili ang nadarama. Takot na siyang umasa at mabigo, takot na siyang ibalik ang nakaraang ligaya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...