chapter 49

13 0 0
                                    

Reyes residents.....

"At ito ba ang uwi ng matinong babae!?" Bulyaw na salubong ni zeny sa panganay na anak, si Rowena.

"Pwede ba ma!? I'm tired!" Tila zombie ito kung maglakad patungo ng sofa sa salas. Since nakabukod na siya, nangako siyang dadalaw sa family house nila every weekend.
Ayaw man ng kanyang magulang ay ginusto na rin nilang payagan ito para maging independent.. Sa pangakong every day off at week end ay dadalaw ito.

Papikit na ang kanyang mata dahil sa antok at pagod ,.nang bulyawan siyang muli ni zeny.

"Rowena marie reyes!"

Bigla siyang nabuhayan ng dugo sa bulyaw ng ina,lalo at buong pangalan na nito ang binanggit.

"Mama!? Bakit ba?" Nagmamaktol at tila mauuwi na sa iyak ang sagot niya.

"Kinakausap kita,tutulugan mo lang ako!? Bastos kang bata ka!"

Sa lakas ng boses ni zeny, napalabas ng kuwarto si Ramon, ang papa ni Rowena.

"Zeny!? Dis oras na ng gabi nag iingay ka pa riyan!?"

Awtomatikong tumakbo na tila bata si Rowena sa likod ng ama,. Naghihimutok.

"Pagsabihan nio nga po si mama, kararating ko lang ganyan agad ang bungad niya!? Inaano ko po ba kayo!?"

"Saan mo dinala ang gitara ng papa mo?!"

"Po?"

"Huwag mong tatangkaing magdahilan, alam ko ang totoo! Gusto ko lang ikompirma sayo."

"Mama...kasi..." Nagsisimula na si Rowena na mag isip ng idadahilan pangontra sa nakuhang impormasyon ng ina nang I cover up siya ng ama.

"Para gitara ko lang nag iingay ka na riyan na parang alarm?! Ni Hindi mo tinanong ang anak mo kung kumain na ba!? Anong nangyayari sa iyo?"

"Bakit?! Bakit di mo tanungin yang paborito mong anak!?, " wika niya sa asawa.

Pumihit ito paharap sa anak, at seryoso itong tinitigan si Rowena.

"Saan nga ba?"

"Papa....k-kay Tito Roland----"

"Nakita mo na! Nakita mo na gaano katigas ang tuktok ng ulo niyang anak mo!!?" Aambahan sana niyang sabunutan ang anak pero maagap si Ramon sa pag cover.

"Tama na!!" Bulyaw ni Rowena, na ikinabigla ng kanyang magulang.

"Alam ninyo kung bakit pinilit Kong magtapos at makapagtrabaho agad!? Dahil sa iyo mama! Nakakapagod ka ng unawain! Ano bang ginawa ni Tito sa iyo? Namin ni Eunice para ganituhin mo kami? Tama na mama, lumipas na ang taon, try mo naman mag move on!" Padabog na kinuha ni Rowena ang bag sa sofa at umalis.

"Rowena!!"

"Let her be..ikaw din may kasalanan bakit nasagot ka ng pabalang ng anak mo."

"Ako na naman!? Pinagsabihan ko na yang alibugha mong anak na umiwas sa kapatid kong iyon, pero anong ginawa niya!? Kinunsinti pa niya ang panghaharana nito sa malanding babae na iyon!"

"Kaya ba halos kalbuhin mo na ang ating anak?"
Nananatili ang mahinahong boses ni Ramon habang patuloy ang mataas na tinig ni zeny.

"At sino namang matabil ang dila ang nagsabi sayo?"

"Ang bunso mo.. Ayos lang sana pero ang ikinaiinis ko bakit ginagatungan ng anak mong iyan ang kabaliwan ng kapatid Kong iyon!?"

Napaupo sa sofa si zeny sa sobrang irita sa anak. Na siyang sinamantala ni Ramon upang pakalmahin ang asawa.

"Mahal,.sa tagal ng panahon,bakit ayaw mong buksan ang puso mo sa realisasyon,na ang ating panganay ay may sarili ng buhay, may sariling isip at sariling desisyon.."

Tumingin ng matalim si zeny sa asawa.

"At ano? Para kunsintihin ang mali niyang gatungan si Roland,? Itulad ang sarili niya sa tanga kong kapatid,na pinili ang higaang lupa,kaysa langit!?"

"Wala naman akong nakikitang mali sa ginawa ng ating anak----"

"Anong wala?-----"

"Patapusin mo ko..."

Pairap na tumalikod ito kay Ramon, kunot ang noo at pilit isinasara ang tenga sa pakikinig sa sermon ng asawa.

"Naroon na ako sa puntong may sama ka pa rin ng loob sa nagawa ng kapatid mo, pero,Hindi mo ba napapansing nalulunod na ang buong pagkatao mo ng galit sa walang kabuluhang bagay? Bakit Hindi mo balansehin ang lahat. Unawain ang mga nasa paligid mo? Nagsimula lang naman yang galit sa puso mo nang matuklasan mong naging magnobyo ang dalawa, ano bang ayaw mo sa kanya? Wala naman akong nabalitaan na inagrabyado niya tayo? Nagdingas ang ngitngit mo lalo nang iwan ng kapatid mo ang marangyang buhay na meron siya upang sundin marahil ang puso niya... Biktima ang dalawang iyon ng mga taong tulad mo,. Mapanghusga sa kapwa. Tumitingin agad sa panlabas na itsura,.."

Napalingon si zeny sa asawa, nanunuring tingin,

"Kung makapagsalita ka parang close kayo. Kinakampihan mo rin ba ang malanding yon!? Gusto mo rin magpakabit sa haliparot na yon?!"

Nabigla si zeny sa sumunod na kilos ni Ramon, isang malutong na sampal ang iginawad niya sa asawa upang tila matauhan si zeny.

"Pilit kong inuunawa kung saan nagmumula ang galit mo, pero sobra na itong paratang mo! Ayusin mo yang utak mo kung ayaw mong Hindi lang anak mo ang lumayas dito!"

Iniwan ni Ramon ang asawa na sapo ang nasaktang pisngi. Kanya ring tinatanong ang sarili kung bakit siya nagkakaganoon..gayong kailan lang ay natanggap niya ang sulat mula sa Paris galing kay Sally na nagsasabing walang ibang dapat na sisihin kundi siya dahil nagmahal lamang siya.. Kahit batid niyang di siya mahal ni Roland, ginamit niya ang pera makasal lang sila nito.

Zeny!!! Gumising ka na at tanggaping ito ang dapat mangyari!!

Bulong ng isip ni zeny habang himas ang pisngi.





"Papa..." Sagot ni Rowena sa cellphone niyang nasa bag nang magring ito.

"Nasaan ka ba?"

"Ok lang ako pa, don't worry...nagpapalipas lang ako ng sama ng loob." Wika niya habang pinapahid ang mga iilang luha na pumapatak sa kanyang pisngi.
Kasalukuyang nakapark sa isang public park ang kotse niya. Nakasara ang bintana ng kotse,tinted kaya walang may alam na naroon siya sa loob at nagmumukmok. Binuksan niya ang aircon upang di siya ma suffocate..

"....patawarin mo ko pa sa nagawa ko kanina... Napuno na ako Kay mama... Gusto kong pagusapan pero not now please?.....sige po,bye."

Inioff niya ang cellphone, at muling pinaandar ang kotse. Alam niya na kung saan siya pupunta.......

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon