Gamit ang kotse ni Rowena ay kapwa bumalik ng maynila ang dalawa. Nakabusangot na nagdrive si Rowena sapagkat Hindi pa niya nais na bumalik sa trabaho. Apektado tuloy ang kasama niyang si Henry.
"Pasensya ka na kung manghihimasok ako,pero OK lang ba?"
"Sorry din at nalaman mo pa ang drama ng buhay ko. Actually,ayoko pang umuwe,I'm sure pupuntahan ako roon ng parents ko." Wika niya habang tutok ang mata sa kalsadang tinatahak.
"Wala ako sa lugar para makialam pero,may point naman si kuya Roland . No matter what she's still your mom.. I think you only need time to talk heart to heart."
"You don't know my mom.. But thanks for the concern."
Almost lunch na kaya nagpaderetso na si Henry sa pinapasukang company, bago umalis ay iniabot ni Rowena ang license card ni henry na iniabot niya rito kanina.
"So,ok ka na rito? Hindi ka manlang magpapalit?" Tanong niya nang makababa na ito ng kotse.
"Mayroon naman kaming employer's room sa taas, may uniform naman ako roon so its ok. Thank you huh."
"Thank you rin."
"Basta, if you need me, you need back up or company,call me. " iniabot ni henry ang calling card kay Rowena.
"Sige." Kumaway na ito at pinaandar na ang kotse paalis. Hinatid na lamang siya ni henry ng tanaw.
Its been an hour bago narating ni Rowena ang unit niya. Talagang wala siya sa mood na pumasok sa trabaho ngayong araw, maybe because of her family issues. Since then,her lola died, got an issues about her tito, di na niya mawari ang takbo ng isip ng kanyang mama, ultimo love life niya when she was in her college days ay pinanghihimasukan ng kanyang ina. Ok lang sa kanya yun,pero ang ipahiya siya sa harap ng lalaking naiibigan niya noon, yun ang masama.. Pero pilit niya yun inuunawa,. Sa tulong na rin ng mga payo ng kanyang papa,. She feel free when she got graduated and have her own life,pero pakiramdam lang pla niya yun,.
Malalim na bumuntong -hininga si Rowena bago binuksan ang pinto ng kanyang unit. Diretso sa kanyang kama at malayang ibinagsak ang hapong katawan.
Pawala na ang kanyang diwa nang isang mahinahong katok ang agad nagpabalik rito. Inakala pa niyang ang kahera ng unit na tinitirhan niya ang kumakatok kaya binulyawan niya ito,.
"Mamaya ka na maningil! Pagod ako!! Patulugin mo muna ako,utang na loob!"
"Anak..."
Napadilat siya nang tinig ng kanyang ama ang maulinigan niya. Bumangon pa siya at sinilip sa maliit na butas sa may pinto kung tama ba ang tinig na kanyang nadinig.
Hala! Si papa nga! At kasama pa si mama..
Agad niyang pinagbuksan ito ng pinto at nagbigay galang, pinaupo sa couch na katapat ng single bed niya. Aligagang inasikaso ang biglaang bisita, buti at may juice siya sa mini ref na katabi ng small table na nagsisilbi niyang dining area.
"Juice po muna kayo.."
"Salamat." Wika ng kanyang ama.
Habang ang kanyang ina ay tila buyer na sinisipat ang bawat sulok ng kanyang tinitirhan, tila nang uuri ang mga tingin nito."May problema po ba sa bahay ko,mama?" May pagkasarkastiko niyang tanong.
Umiling lang ito at uminom ng juice.
Nakita ni Rowena na bahagyang siniko ng kanyang ama ang kanyang mama, tila may lihim silang usapan,pero bakas sa mukha ng kanyang ina na nag aalangan ito."A-ano po ba ang sa atin? Tungkol po ba ito sa nangyare? Pasensya na po pero-----"
"Hindi anak... May nais lang sabihin ang mama mo..sabihin mo na!"
Sa halip na sundin ang asawa ay tumayo ito at lumabas ng unit.
"Pagpasensyahan mo na ang mama mo anak. Ang totoo, tungkol nga ito sa naging issues natin,.. Sinamahan ko ang mama mo para magkaayos kayo bago ako sumampa ng barko."
Papa,,sorry po sa inasal ko, alam ko mali,pero siguro,hindi ko na lang kinaya ang sitwasyon, nakakasakal na din po kasi..."
"I understand. Just be patient na lang sa tantrums ng mom mo.. I think she's suffering from depressions... Give her time,OK?"
Tumango lang si Rowena. Kahit ang totoo ay umasa din siya na ang pagtungo ng kanyang ina ay daan upang magkaayos silang mag ina. Pero bigo sya.
"Maiba ako anak..saan ka ba naglagi sa buong magdamag? Pangalawang tangka na namin ito sa totoo lang kaya Alam ko na hindi kpa nakauwe."
"Kay Tito po."
"Sa Tito Roland mo?,, nasaan na ba siya?"
Batid ni Rowena na nakikinig lamang ang kanyang ina, kaya para sa ikatatahimik ng lahat, lalo na ng dating magkasintahan, inilihim niya sa ama ang totoo.
"Sa malayo po. Wag nio na po alamin kung san, isa lang po ang masasabi ko,Tito's fine. He got his job and he lives happy."
"Sige kung yan ang nais mo." Tumayo na si Ramon at handa ng umalis.
"..marahil ay napagod ka, at halata sa mata mo na kulang ka pa sa tulog. Mauna na kami ng mama mo at bawiin mo ang tulog, ok?"
"Ok po."
"In case lumamig na ang sitwasyon, you can visit us anytime you want. Wala ka man sa atin, bahay mo pa rin iyon, ok?" Wika ni Ramon habang nakayakap sa kanyang unica hija.
Bago pa makalabas ng pinto si Ramon ay dagli nang pumasok si zeny sa van upang hindi isipin ng mag ama na naroon lamang siya at nakikinig sa usapan.
"Ang tagal mo!" Pairap na sita kunwari ni zeny.
Napabuntong hininga na lamang si Ramon habang ikinakabit ang seatbelt at kumaway pa sa anak bago tuluyang umalis."Akala ko ba------"
"Hindi ko kaya!" Bulalas ni zeny habang nakaismid sa asawa.
Napapreno si Ramon at ipinarada sandali sa kanto na may ilang milya pa lamang ang layo sa unit ng kanilang anak.
"Anong sinabi mo?! Hindi mo kaya? Ang alin? Ang ibaba ang pride mo?"
"Bakit ko ibababa ang pride ko sa mga yan?! Sa anak mo? Anak ko lang siya! Siya ang nagkamali,then ako ang manunuyo? How pathetic!"
"Fine. Pathetic na kung pathetic. Pero alam mo sa sarili mo na walang ginawang di maganda sayo ang mga taong yan, mostly our daughter. They are all adjusting,only for you! Even me! Lahat na lang may issue sa iyo,. Kahit alam mo na ang totoo, heto ka pa rin at patuloy na nagbubulag bulagan, nagbibingi bingihan sa katotohanan! Zeny,please! Grow up!!"
Muli ay pinaharurot ni Ramon ang van pabalik sa kanilang tahanan, habang si zeny, tila natulala sa pagsermon ng asawa. Daig pa niya ang binuhusan ng malamig na tubig sa mukha sa mga sinabing iyon ng kanyang mister.
Bihira lang magalit ang kanyang asawa,pero matindi,.Sumusobra na nga ba ako? Tuluyan na nga ba akong kinain ng inggit at galit?
Naguguluhan niyang bulong sa sarili.

BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...