Limang taon ang lumipas,marami ang nagbago. Gaya ng negosyong ipinasa ni eunice sa kaibigan, may dalawang branch na ito sa maynila at patuloy pa sa pag lago. Pinili ni gloria na ibakante ang malaking bahay at tumira na lamang kasama ni clara sa quezon city, tila nakadagdag sa view ang bahay kaya ipinasya niyang ipalinis na lamang ito weekly.
Si eunice naman ay naging kasosyo ni atty. Lee at asawa nito sa itinayo nilang food business. Same as euji restobar.
Si Rowena naman ay tuluyan ng nakipag ayos sa ina, nang minsan ay kusa itong pumunta sa knyang pad at lumuluhang nakipag ayos. Marahil dahil na rin sa pagkakaroon ni zeny ng cancer kaya natauhan ito.Sa tulong ng kanyang ama at ng kanyang nobyo na ngyong si Henry, tuluyang nalusaw ang tampuhan ng mag ina.
Si Roland?
Matapos ang naganap sa airport. Nagpakasubsob sa trabaho, nag ipon at ngayon ay may sarili ng negosyo, ang MENDOZA HANDICRAFTS.
Sa tulong ng kanyang boss naituloy rin niya ang naudlot na pag aaral, na malaki rin ang naitulong sa knyang negosyo. Nakapagpundar na rin siya ng sariling bahay at lupa,doon na rin siya nakatira at pangarap niyang soon maititira niya rin doon ang kanyang mag ina na hanggang ngayon ay pinananabikan pa rin niyang makita."Sir,may bisita po kayo.." Wika ng kanyang sekretaryo habang siya ay nasa kalagitnaan ng pagmumuni.
"Bisita?" Tumayo siya upang labasin ang sinasabing bisita. Sa isip niya ay baka isa sa valued costumers niya.
Subalit nagulat siya at di inaasahan ang makikitang bisita.Nakatalikod man ito at abala sa pagtingin tingin sa rattan made craft na nakadisplay sa shop, sigurado siyang ang nakikita ng kanyang mga mata ay di nagkakamali,.
"A-ate zeny?"
"Tito!" Masiglang bati ni Rowena sabay yakap rito.
"...nasurprise ka ba?""H-huh? M-medyo..."
Sadyang nasorpresa siya talaga. Nakangiting nakatindig at nakatingin lamang si zeny sa kanya, malayong malayo ang zeny na nakikita niya sa zeny na huling nakaharap niya ilang taon na ang dumaan.
"Kamusta ka na?"
"T-totoo ba ito? Nananaginip ba ko?" Mahina niyang sambit.
Yumakap si zeny sa bunsong kapatid kasabay ang pagtulo ng kanyang luha. Kailanman maliban sa ngayon, ay ngayon lamang ginawa ng ate zeny niya ang siya'y yakapin.
Dinig niya ang usal nito habang yakap siya.
"Patawarin mo sana ako,kapatid ko...."Marahan siyang kumalas sa yakap ng kapatid,
"Kaytagal kong hinintay ang araw na ito...."
"Patawarin mo sana ako kung ngayon lamang ako natauhan.. Gayong kinailangan ko pa na magkaroon ng malubhang karamdaman upang magising sa katotohanan.."
"Sakit?"
"Nadiagnose si mama ng breast cancer, two years din siyang sumailalim sa chemotherapy.." Malungkot na sabi ni Rowena.
Ganoon na karami ang mga bagay na namissed ni Roland sa buhay ng kanyang pamilya,. Masakit sa kanya iyon pero tadhana na rin marahil ang gumawa upang matauhan ang kanyang ate.
"Mukhang marami akong namissed na kaganapan..mabuti pa ay sa bahay ko na tayo magkwentuhan.." Wika niya sabay tawag sa kanyang sekretaryo..
"....ikaw na muna ang bahala dito,pag dumating ang favorite costumer natin, asikasuhin ng mabuti,malinaw?"
"Yes,sir. Paano po pala kung bigla kayong hanapin?"
"Sabihin mong may importanteng meeting akong pinuntahan, bahala ka na magdahilan.."
"...OK lang naman sa ibang araw na lang tayo magbond.." Sabi ni zeny.
"Hindi ate, OK lang...minsan lang ito kaya lulubusin ko na.. Paano, mauuna na kami.. "
"Sige po sir."
Sa isang sikat na fine dine restaurant na dinarayo ng mga turista sa Quezon niya muna dinala ang mga bisita.
"Have a wonderful Christmas sir,ma'am? Do you have a reservation?" Magiliw na sabi ng nasa edad beinte anyos lamang marahil na dalaga, nakasuot ito ng pulang costume ala Santa. Nasa front desk ito at nag a assist sa mga costumer.
"Wala nga eh, nagbakasakali lang kami kung may available seat for three sana?"
Saglit na tumingin ang babae sa kanyang log book.
"Ah! Sir,good news,..may table for three na ipinacancel ang reservation a while ago.. Gusto ninyo po sa inyo na.. Nasa second floor lang po."
"Good! Let's go?" Aya ni Roland sa kasama habang sinusundan nila ang naka assign na waiter na may suot ding Santa hat.
"Hindi mo naman kailangang itreat kami sa ganito kamahal na restaurant, sapat na sakin ang nagkabati tayo."
"Ate,pasko na bukas,hayaan mo naman akong magpahayag kung gaano ako kasaya na ngayon ay maayos na tayo." Wika ni Roland.
"Siya nga naman po mama...dapat pala sinama natin si Jr,at papa..."
"Madami pa namang araw..." Iniabot ni Roland ang menu sa kapatid upang makapamili na ng kakainin.
"W-wala akong mapili...." Wika ni zeny na natutulala sa taas ng presyo ng bawat meal.
"Bigyan mo na lang kami ng family meal.."
"Ok po,sir."sabi ng waiter bago umalis.
"Madalas ka ba dito?"
"Hindi naman po. Minsan lang."
After those enjoyable food, tumuloy na sila sa bungalow house ni Roland, kulay beige ang bahay, at napapalibutan ng ibat ibang uri ng halaman. Nasa loob ito ng isang middle class subdivision.
"Upo kayo..magtitimpla lang ako ng tablea..paborito mo iyon ate hindi ba?"
"Sige,salamat..."
"Ang ganda ng bahay mo Tito! Ikaw lang ba dito?" Wika ni Rowena habang nililibot ng paningin ang kabuuan ng bahay.
"Malaki at malawak...bagay sa isang binubuong pamilya.." Sabi ni zeny.
Nakangiti lang na inihatag ni Roland ang tinimplang tablea para sa bisita. Naupo sa sofa katabi ang ate.
"Kayganda at lawak nitong bahay mo. Kumpleto sa gamit, kulang nalang ay isang maybahay..."
"Hinihintay ko pa sila ate..."
"Hinihintay?"
"Si------" natigilan siya,natatakot na muli silang magkainitan kung babanggitin niya muli ang ngalan ni Eunice. Subalit nagkamali siya sa pagkakataong iyon.
"Si Eunice ba? At ang anak ninyo?"
"Paanong?...."
"Sinabi na ni Rowena ang lahat. At ikinatutuwa Kong malaman na may bago pala akong pamangkin..."
"Ate...." Umagos ang luha sa mga mata ni Roland, talagang halos kumpleto na ang kanyang pasko sa pagkakataong ito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomansaMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...