"Totoo ba ito??" Nanlalaki ang mata ni Eunice na nkatitig sa monitor ng computer niya,isang gabi habang nagpapahinga dahil ginabi na sila sa pag aayos ng dadalhin sa asilo.
Upang makasiguro ay nag long distance ito Kay Atty Lee...
"Atty.."
"Nice to hear you again,Eunice..I guess you've already read my email .."
"I thought nagkaintindihan na tayo?" May himig ng inis sa tinig ni Eunice.
"Don't be mad, just accept it. Inisip ko yan ng sobra sobra,..I've balance everything,every detail and every consequences.. And even my wife agreed to what I sent on you.."
"B-but..."
"Please don't hesitate to accept that. I know, if Kenji is still alive, he approved my decision.. In two days the papers will sent there. OK, goodnight.."
"Wait!----"Kokontra pa sana siya pero binabaan na siya ng telepono ni Julio. Napapailing na lamang siyang nkatingin sa email ng abogado.
Julio's email...
In behalf of my late friend, Mr. Kenji Yamamoto,as his lawyer,I grant the power to inherit all the joint assets of Mr and Mrs Yamamoto, to his widower, Eunice,
Including the resto bar,and the house located in Batangas. While the other assets that kenji have before he married Eunice,was I declared given to charity..."I'm not worth it to accept this,, but if you want me to,then I will..." May lungkot sa mukhang isinara niya ang laptop at tumayo upang silipin ang anak na batid niyang nilalaro pa ni Gloria,sa silid nito.
Marahan ang kanyang pagbukas.
Ang inaasahan niyang naglalaro,hayun at mahimbing na palang natutulog,sakay ng rocking chair si Gloria habang nkahiga si Maurice sa dibdib nito.
"Napagod pareho..." Napapangiti niyang sambit.
Maingat ang kanyang mga galaw,upang d magising ang kaibigan.
Dahan dahan niya at maingat na kinuha ang ten month old na ngayong si Maurice.
Inilipat pansamantala sa kama ng kaibigan upang malagyan ng unan ang uluhan ng nahihimbing na si Gloria.
At makumutan na rin bago kapwa sila lumabas ng dahan dahan sa silid nito.Payapang nahihimbing pa rin si Maurice kahit na naibaba na niya ito sa kunang katabi ng kanyang kama.
Its almost ten in the evening na pero hindi pa rin siya dalawin ng antok.
Kaya naman,kinatuwaan niyang pagmasdan ang kanyang munting anghel.
Malusog na sanggol, tisay na di niya mawari kung kanino nagmana,samantalang morena siya at ang mga kapatid niya ay gayon rin,. Marahil ay dahil nakahiligan niya ang pagkaing mapuputi..
Mapupungay na mga mata na may mahahabang pilik,na batid niyang Kay Roland nagmula, isa iyon sa mga pisikal na katangian ng lalaki na minahal niya.
Hanggang hindi niya namamalayan, ang mga masayang ala ala ay nagagawa niyang ibalik sa gunita."Huwag mo naman gawin sa akin ito!,,gagawin ko lahat,huwag mo lang akong iwan!! Mamamatay ako kung mawawala ka!! Roland!! Please?!! Bumalik ka!!!!"
"Unnggg....wag..wag..."
"Eunice!! Gising!!" Malakas na bulyaw ni Gloria, kamuntik pang mahulog ang ulo ni eunice na nakasandal sa kuna ng anak.
"Ahh,ano iyon? Bakit?" Tila naalimpungatan itong nagtanong Kay Gloria.
"Among bakit??!! Ang lakas ng ungol mo kaya! Dinig hanggang sa kwarto ko,buti nga at di naistorbo itong si Maurice."
"Nakatulog na pala ako...." Tiningnan niya ang digital clock sa tabi ng kama,
4:30am
Nagbatak batak pa siya ng buto dahil sa naramdamang pangangalay dahil sa matagal na pagkakaupo at tanging ang sandalan ay ang kuna ng anak.
"Ok ka na ba?"
"Ok naman ako,,napahimbing lang ng tulog.. Ang sakit ng batok ko.." Inda niya habang iniuunat at inililiyad ang bewang sa tagal ng pagkakaupo.
"Buti pa,ituloy mo na yang tulog mo sa kama, bababa na ko at tutulungan ko si manang mag ayos ng gamit."
Tumango lang ito at tinapik tapik ang kanyang sanggol na saglit na kumislot at tila naingayan sa kanila.Araw ngayon ng pagbisita nila sa asilo de San martin,. Ampunan para sa mga sanggol na pinabayaan ng magulang,. Dito dinadala ni Eunice ang mga padalang gamit ng bata na natatanggap niya sa estrangherong mula pa man ay di na niya kilala at ayaw naman magpakilala.
Kaysa mabulok sa bodega,mainam na itong naisip niya."Maraming salamat muli sa mga padala mong ito, Mrs. Yamamoto.. Napakalaking tulong ito para sa mga sanggol na narito.." Galak na tugon ng pinakamatandang madre sa asilo, nasa edad 80 na marahil dahil sa mga guhit sa mukha at kulubot na mga kamay. Siya ang madre superyora ng ampunan na laging humaharap sa kanila.
"Wala po iyon, maliit na bagay lang po yan,kumpara sa malasakit at panahong iniuukol ninyo sa mga batang narito."
"Eto na ba si Maurice?" Bati nito nang makita ang palapit na si Gloria karga ang batang si Maurice.
"Hello po,mother superior.." Bati ni Gloria at nagmano, pinalapit din si Maurice para mabless ng madre.
"Nakakatuwa naman,.. Ah! Tamang tama,. Kaarawan ngayon ng isang bata dito, nagluluto ng pansit ang aming kusenero, mainam at dito na kayo mag merienda..habang itong si Maurice,, maari naman nating isama sa play pen para makalaro ang ibang kaedad niya..."
Sige po.. May dala din po kaming pagkain galing sa resto. Magustuhan niyo sana.." Magiliw na wika ni Eunice.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...