chapter 29(miracle baby)

15 0 0
                                    

"Diyos naming mahabagin,, tulungan nio ang aking anak..." Taimtim na dasal ni waldo sa chapel ng ospital, isinalang sa delikadong operasyon ang kanyang anak para mailabas ang sanggol sa sinapupunan nito,. Sa sobrang pagkabalisa at panay ang pagtangis ay nadamay ang sanggol,. Kahit kulang sa buwan ay ninais na nito ang lumabas.

Lakad,upo, silip sa operating room si gloria nang dumating si julio,.
"Kamusta? Lumabas na ba ang doctor?"
"Hindi pa nga eh..im really nervous right now! Hindi pa niya due, bakit ang kulit naman niya kasi!?" Pagmamaktol nito habang patuloy sa pagparoot parito.
"Could you calm down? Nakakahilo ang paglakad mo.. Here.."iniabot nito ang kape na kinuha niya sa vendo machine.
Saglit napatigil si gloria sa pagkabalisa,. Naupo sa tabi ng abogado at pilit pinakalma ang sarili.
Until, lumabas na ang doktora.
"Doc! How's she?" Agad na tanong ni gloria.
"The mother is fine,. Pero kinakailangan naming ilagay ang sanggol sa incubator,.."
"Oh my....." Nahabag si gloria sa sinabi ng doktora.
"....is it because kulang siya sa buwan kaya ba nasa incubator siya ngayon?"
"The baby is fine but apparently, napaaga talaga ng less than two months ang paglabas niya,. Her finger nails are not fully developed... But aside from that, all of her is normal,."
"How long would the baby stay inside that aparatus?" Tanong naman ni atty.julio..
"It maybe, one to two months or at least until the baby's condition is completely stabilized.. So, mauna na muna ako, i'll check eunice first, pakihintay na lamang xa sa kanyang kwarto.."
"Thank you,doc."



Ilang oras din bago nagmulat ng mata si eunice. At ang una agad niyang napansin ay ang tiyan niyang lumiit na.
"A-ang baby ko??" Palinga linga siya sa paligid na tila hinahanap ang anak na inaasahan niya pagkagising ay nasa kanyang tabi.
"Salamat sa Panginoon!!" Diwang ni Waldo sa pagmulat ng mata ni Eunice.
"Pa,ang anak ko? Nasaan xa? Kamusta xa?" Sunod sunod nitong tanong, starting to be hysterical again.
"Kalma lang anak.. Mabuti ang lagay niya, kinailangan lang na manatili muna siya sa incubator dahil napaaga ng sobra ang paglabas niya."
Tila kinurot sa puso si Eunice nang madinig ang kalagayan ng kanyang sanggol, nais niyang makita ito kaya nagpatulong si waldo sa intern para isakay si Eunice sa wheel chair.

Sa second floor ng hospital naroon ang nursery,. Nakahati sa dalawang silid ang nursery, isa ay para sa normal delivered babies at ang kalahati ay ang silid kung saan naroon ang incubator, malawak ang silid na iyon, kasama ang kanyang private doctor, the same doctor na kumumpirma sa kanyang buntis siya,. Nilapitan nila ang isa sa incubator kung saan naroon ang sanggol ni Eunice. Naka lab gown sila at nakasuot ng protection para sa safety ng sanggol. Nangingilid ang mga luha ni Eunice habang minamasdan ang kanyang anak. Maputi, may katangusan ang ilong, mapungay na mata na may mahabang pilik tulad ng kanyang ama..
Patawarin mo ako,mahal ko kung nadamay ka sa hinagpis na dulot ng pagkamatay ng kikilalanin mo sanang ama... Kumapit ka sana mahal ko, ikaw na lang ang natitirang lakas ko para kayanin ang mabuhay...
Napapaluha naman si mang waldo habang pinagmamasdan ang mag ina sa labas ng selyadong silid na iyon.
Nakita naman siya nina Clara at Gloria na galing sa bahay at kumuha ng ilang gamit.
"Papa, ayos lang po kayo?" Tanong ni Clara.
"Tingnan mo ang iyong Ate Eunice,. Nakakatuwang makita siya na ngumingiti na kahit sunod sunod ang dumating na problema sa kanya.."
"Naku.... Si mang waldo talaga... Sumisenti na nmn!," Biro ni Gloria.
"....pero maiba ako ate Gloria. Kung hindi si kuya Kenji ang ama dahil alam nating lahat ang kalagayan niya...then,sino?"
"Siya nga naman, nanganak na at lahat si Eunice, hindi ka na nagsalita tungkol dyan."
"Ahh..eh.. Kasi...." Tila ba bigla ay napunta sa hot seat si Gloria, halos pagpawisan ng malapot.
"Maari ho ba,antayin na lamang nating Kay Eunice magmula ang tungkol riyan?" Pasakalye niya sa mag ama, na patuloy na naguguluhan...

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon