chapter 10(the wedding)

29 0 2
                                    

"Patawarin sana niya ako sa desisyon ko." Mahinang sabi ni Roland Kay Rowena habang katuwang niya itong nag hahanda ng isusuot sa kasal.
Ngayon ang araw ng kasal.
Ngayon ang araw na isasalba ni roland ang pamilya sa malaking utang na kinasangkutan ng kanyang ina.
"Mauunawaan niya siguro kung sasabihin mo. Pero kung hindi ay patuloy lang siyang masasaktan." Malungkot na sabi ni rowena habang inaayos ang kurbatang dark blue ng tiyuhin..
Napakagwapong pagmasdan ni roland sa suot niyang dirty white suit na my dark blue na kurbata at black slacks. Makintab na leather shoes. Pero sa aura niya ay parang hindi kasal ang pupuntahan niya kundi isang libing.
Hindi niya mahal ang babaeng pakakasalan.
Hindi niya gusto ang nangyayari pero pilit niyang tinatanggap alang alang sa mahal niyang ina.
"Tito... Kahit ayaw mo, try to smile please?"
Pero hindi talaga niya kaya.
Unang lumabas ng silid si rowena, naka ayos na ang lahat, at nag aagad na para tumungo sa simbahan.
Matamlay ang bawat kilos niya kayat inalalayan siya ng kanyang ina. Pati mga kapatid maliban lang sa kanyang ate zeny.
"Ano ba pupuntahan natin, kasal o libing?" May sarkastikong wika ni zeny.
"Tumigil ka nga jan, zeny!" Wika ng pangalawa sa mga ate ni roland. Ito lamang ang nakakaunawa sa kalagayan ni roland ngyon.
"Sa bagal ng kilos niyan ewan ko lang kung matutuloy pa ang kalokohang ito!" Hirit pa ni zeny.
Hindi na nkapagpigil si roland.
"Oo! Kalokohan nga ito! Pro kung ito lang makakapagsalba sa kalokohang ginawa ni mama ay gagawin ko! Alam ko namn na abot hanggang tenga yang saya mo dahil nagtagumpay kang paglayuin kami ni eunice!" Bulyaw nito kay zeny.
Umawat na ang lahat sa magkapatid.
Natigil lang ang lahat nang dumating ang bayaw ni roland asawa ni zeny na galing saudi.
"Kung wala kang sasabihing maganda,mabuti pang ang mga anak mo nalang ang umattend ng kasal. Uuwe na tayo sa maynila."
"Mabuti pa nga! Bago pla ako tuluyang umalis, alam na ng nobya mong hilaw na ikakasal ka na! Malamang nagbigti na yun!" Sabay pairap na umalis. Tila ba tuwang tuwa na ibully ang bunsong kapatid.
Napaluhod si roland.
Umiyak sa sobrang galit sa kapatid.
Batid niyang labis na nasaktan ang kanyang mahal..
Umalis siya ng walang paalam.
Ng walang dahilan.
At malalamang siya ay ikakasal?
Tila isang tipak ng bato iyon na ipinukol sa ulo ng kanyang mahal.

Napailing na lamang si Rowena sa ugaling pinakita ng ina. Nagtataka kung ano ba ang nagawang kasalanan ng kanyang best friend pra uminit ang dugo ng kanyang mama dto.

"I now pronounced you,husband and wife. ..you may now kiss your wife." Huling wika ng pari na narinig ni Roland. Sa haba ng misa ay tila nagpadala lamang ito sa agos at tila bulag na walang nkikitang anuman kundi ang nkaraan. Maging ang pagsabi ng I DO ay isiniko pa ni Sally pra lang masabi niya.. Blanko ang isip at puso niya. C Eunice lang ang nsa puso at isip niya ngunit unti unti niyang tinatabunan ang masayang alaala ng responsibilidad na dadalhin niya. Pati na ang salitang binitiwan ng kanyang mama bago sila tumungo sa simbahan na.." Matututunan mo ring mahalin c Sally.. Tatanawin Kong malaking utang na loob ito sa iyo anak,basta matulungan mo lang ako.. Sapat na ang mahal ka niya,,,pilitin mo na lang ang puso mong ibigin siya...."
Masakit man marinig iyon ay nilunok na lamang niya.
"Iho,, kiss the bride na..." Muling wika ng pari na tila nagpabalik sa wisyo ni Roland.
Iniangat nito ang belong nakatakip sa mukha ni Sally, maganda si Sally.. Pwedeng pang leading lady sa mga teledrama,,habang si Eunice napakasimple lang. Magkaiba sila kung tutuusin,. Powder at lip gloss lang ay ayos na c Eunice,. Shirt at jeans lang ay sapat na Kay Eunice..pero c Sally, noon pa mn mkilala niya ito ay sophisticated na manamit,at kumilos.. Palibhasa ay anak mayaman nga.
Si Sally ang kaharap niya,,pero tila ba nilinlang siya ng puso niya,,at si Eunice ang nakikita niya kaya nagawa niyang halikan ito..
Nagpalakpakan ang mga tao,, abot hanggang tenga ang ngiti ni Sally habang kapit tukong nakadikit sa asawa...
Habang pilit pinipigil ni Roland ang sariling luha.....

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon