Simula ng maipakilala ng pormal ni Roland ang sarili sa ama ng nobya,unti unti ay naging maluwag sa mgkatipan ang magkita.
Pero,sabi nga ng karamihan..
Walang lihim na di nabubunyag.
Dangan nga lang ay napaaga.. At kapwa nila ito hindi napaghandaan.."Oy,zeny!"
Bati ni waldo ,isang umaga sa kapatid ni roland nang magsalubong ang mga ito sa palengke.
"Mang waldo,.kayo pala.."
May kalamigang bati nito sa matanda. Ni ang ngiting pagpapanggap ay di niya magawa.
"Pasenxa ka na,,..medyo napatagay lang jan sa kanto,.hehe.." wika nito Kay zeny na sumisimpleng tinatakpan ng panyo ang kanyang ilong.
(Kaya naman pala ang aga eh amoy chico!hmp!) Bulong ni zeny sa sarili.
Akma na sanang aalis si zeny nang muling magsalita si Mang Waldo.
"Alam mo na ba ang bagong balita sa atin?"
"Balita? Ano hong balita?"
Di alam ni zeny sa sarili kung bakit bigla siyang nagkainteres sa balitang tinutukoy ni Waldo.
"Ano ka ba naman,,hindi ba kayo close ng kapatid mo at hindi mo alam? C eunice ko, at ang bunsong kapatid mo,sila na!" Proud na Sabi ni Mang Waldo sa nagulantang na si zeny.
Labis na nabigla si zeny sa narinig,dagli itong umuwe at tinungo ang bakery na pinagsisilbihan ng kapatid,.
Pero nang makarating siya roon,sinabi ng amo nitong nagday off may pinuntahan daw..
(Humanda ka sa akin roland paguwe mo sa bahay!) Naghihimutok niyang tugon sa sarili.
Gabi.
Oras ng hapunan.
Tahimik lang na kumakain ang pamilya..
Dama ni rowena ang komosyong dulot ng lihim na nabunyag ng kanyang ina.
Kaya nang matapos ang hapunan,.
Nagkusa na si rowena na magligpit ng pinagkainan,.
Susunod na rin sana si roland para kumuha ng basahang ipupunas sa mesa pero pinigilan siya ng tinig na may inis mula sa kanyang ate zeny.
"Roland."
"Ano yon,te?"
Tumingin si zeny sa kapatid,tingin na tila nanunuri ng pagkatao.
"Mahalaga ba si mama sayo?" Tanong ni zeny.
"Ano? Syempre naman! Anong klaseng tanong ba yan,ate?" Nangunot ang makapal na kilay ng binata dahil sa tanong ng kapatid.
Tumayo si zeny sa kinauupuan,.
"Kung ganon naman pala,bakit mo siya sinuway?"
May kataasang timbre ng boses ni zeny.Maging si Rowena ay kinakabahan sa susunod na magaganap sa magkapatid.
"Pwede ba ate,diretsahin mo na ako?!ano bang problema mo?" Tumaas na din ang boses ni Roland.
"Ikaw!"
"Ako???" Sabay turo ng daliri sa sarili.
"Anak ng,,Nag usap na tayo tungkol dito diba!? Solong lalaki ka sa pamilya,wala na ang papa,kaming mga ate mo may mga pamilya na,. Bakit inulit mo na naman?!"
Tila nahulaan na ni roland ang pinagmumulan ng galit ni zeny...
"Tungkol ba ito sa sitwasyon ko ngayon?! Na may nobya na ako?" Kumpirma niya.
"Oo!!" Walang gatol nitong sagot.
"Ate,. Buong buhay ko, simula pa magbinata ako, si mama na Ang priority ko,ultimo pag aaral ko,tinalikuran ko para lang masustentuhan at maibigay kay mama ang lahat...kulang pa ba ang sakripisyo ko para hindi nio ko mpagbigyan sa nais kong makaramdam ng pagmamahal? Ano bang mali sa nobya ko? Sa mga nakaraan ko? LAhat sila pinaderan mo,nila ate,para kay mama,.lahat sila tinalikuran ko kasi mahal ko si mama... Pero paano naman ako ate,.. gusto mo bang tumanda akong mag isa?"
Maluha luhang paliwanag ni roland.
Pero ang isip ni zeny ay sarado.
Walang pinakinggan na paliwanag.
"Pabayaan nio naman akong magdesisyon para sa sarili ko!" Hirit ni roland bago nagwalk out.
"Roland!" Sigaw ni zeny subalit di nagpatinag si Roland at tuluyang umalis ng bahay.
"Mama,hayaan nio na po muna si tito..."awat ni rowena nang mkitang hahabol ang ina sa kanyang tiyo.
Beinte sais na ako pero kung itrato nio ko,parang batang sunod sunuran sa nais nio!! Mahal ko si eunice at walang makakapilit sa akin na mahalin o gawin ang labag sa loob ko!
Isa.Dalawa.
Tatlo.
Tatlong bote ng redhorse.
Ubos niya iyong mg isa,,kinikimkim ang sama ng loob sa kapatid.
Inabot na siya ng pagsasara ng tindahan kaya pasuray suray siyang umuwi..
Hindi sa bahay ng kanyang ate,
Kundi,,
Sa bahay nina eunice.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...