chapter 58(just for Maurice)

15 0 0
                                    

Ilang minuto pa na naghintay sa arriving area ng airport sila zeny at kasama nito, naroong nakadarama ng di maipaliwanag na kaba si zeny,

"Ma? OK ka lang?"

"Oo,siguro naeexcite lang ako.."

"Ayan na ata sila!" Malakas na sabi ni henry nang matanaw ang isang babaeng may hawak na batang babae sa kanang kamay at isang maletang malaki na hila naman ng kaliwang kamay nito. Palinga linga ang babae at tila may hinahanap, napukaw lang sila ng tingin nito nang sumigaw si Rowena.
Dali daling tumakbo si Rowena at niyakap ng buong higpit ang kaibigan,

"Namiss kita!!"

"Ako rin.. Pasensiya ka na at d ko narereplayan ang mga messages mo huh?"

"Ok,lang yun.."

Naudlot ang kamustahan nila nang lumapit na si zeny,kasunod si henry.

"Maraming salamat sa pagtupad ng aking pabor..." Wika ni zeny ng may pagkukumbaba.

"Ginawa ko lang kung ano ang makakabuti..eto nga po pala si Maurice.." Pakilala ni Eunice sa anak na dagling nagkubli sa kanyang likuran..

"Baby... You told me before that you want your daddy right?" Masinsinang usap nito sa bahagyang nahihiya pa na anak.
Tumatango lang ito sa mga sinasambit ng ina.

"...these people are your daddy's relatives, this is tita zeny,your dad's eldest sister..this is your cousin, ate Rowena..and this..." Natigil siya sa pagpapakilala nang mamukhaan niya si henry..

"....ikaw di ba yung kasama ni Roland na humarana sa Batangas?"

"Wow naman! Tagal na noon, natandaan nio pa? Ako nga po pala si henry, boyfriend ni Rowena."

May kilig na nagkatinginan ang magkaibigan, nang magsalita si zeny,
"Naku! Mag aalas dose na, Hindi na tayo aabot sa noche Buena,."

"Pasensya na po ate zeny, nahirapan po kami sa pagbook ng flight.."

"Don't be.. Ok lang yan,ako nga and dapat na humingi ng pasenxa sa abalang ginawa ko... Sa kagustuhan kong makabawi ay naabala ko ang buhay mo----"

"....Hindi po abala ang ginawa ko, siguro nga ay panahon na para makilala ni Maurice ang pamilya ng kanyang ama, at ang ama na rin niya mismo.."

Lumuhod ito sa harap ng anak, inayos ang scarf na pangontra nito sa lamig.

"Baby..you've always asked me about your daddy,right? Now, daddy wants to see you.. So these people are here to get you,. for you to meet your dad personally.." Wika ni Eunice.

Tumingin si Maurice sa kanila na tila kinikilala ang mga taong sumalubong sa kanila. Sabay balik ng tingin kay Eunice.

"Me? Alone?" Tanong ni Maurice na magsisimula ng umiyak.

"Oo nga naman bes? Bakit? Hindi ka ba sasama? Mama? Anak lang ba ni Tito ang in invite nio??" Himutok na baling ni Rowena sa ina. Na tulad niya ay naguguluhan din..

"Desisyon ko ito,. Walang kinalaman ang mama mo bes sa pasya Kong ipagkatiwala sa inyo ang safety ni Maurice."

Basa ni zeny na nagsisinungaling si Eunice. Ramdam niyang gusto rin nitong sumama pero marahil ay nahihiya at naiilang sa kanya.

"Rowena,Henry. Maari bang mauna na kayo ng bata sa van? Mag uusap lang kami sandali.."

Ayaw pa sana bumitaw ni Maurice sa ina pero isiniguro niya na susunod sila after ng pag uusap.

Naupo sila sa bakanteng waiting area ng airport,masinsinang nag usap.

"Hindi mo naman kailangang magdahilan sa harap ko,. Batid ko ang pagkakamaling nagawa ko upang mauwi kayo ni Roland sa wala. Kaya nga personal akong humihingi ng patawad sa mga salitang nasabi ko.."

"Ate....ang totoo niyan,narito ako para talaga sa bata.." Muling pagdadahilan ni Eunice.

"Hindi mo na kailangang ikaila, alam Kong gusto mong samahan ang bata na ihaharap ng pormal sa kanyang ama, ako man, maniwala ka o sa hindi, gusto ko ay dalawa ko kayo na ihaharap sa kanya. Sa laki ng pagkukulang ko,bilang ate niya, sa dami ng masasakit na salitang binitiwan ko sa inyo, hayaan mo man lang sana na kahit dito ay mapagsama ko kayo.." May pagkukumbabang sabi nito habang nakatingin Kay Eunice.

Dama ni Eunice ang sinsero,at totoo ito, nais niyang pormal na iharap ang anak sa ama nito. Pero di na niya paaasahin pa ang sarili na nais din sila nito na makita. Na sa nakalipas na taon ay wala siyang natanggap na anumang balita mula rito.

"Payag na po ako.."

Sumilay ang ngiti sa labi ni zeny, nagagalak sa pagtanggap ni eunice ng kanyang pakiusap.

"Tayo na! Mahuli man tayo sa medya noche, walang problema."








At the Residential Suite....

"Hello,mahal! Pasensya ka na at hindi kami aabot sa salo-salo.." May pagkamalakas na sabi ni zeny habang kausap sa cellphone ang kanyang asawa. Tinakpan niya ang kabilang tenga upang malinaw na marinig ang kausap.

"....wag ka mag alala, narito kami sa pinareserbang hotel ni Eunice, dito muna kami magpapalipas ng magdamag...oh,sige.. Ingat kayo sa paputok ha?..OK." At inioff na nito ang phone.

Pumasok sa silid at nagitla siya nang makitang may nakahain sa center table.

"Happy new year mama!!" Bati ni Rowena sabay yakap sa ina.

"Teka! Ganon ba kahaba ang pakikipag usap ko sa papa mo? Ang bilis nmn? San galing ang mga ito?..."

"Si mama naman ang daming tanong!? Ipinahanda po talga yan ni Eunice."

"Ang totoo po.. Gaya ng sinabi ko sa inyo kanina sa airport..pumunta po kaming mag ina rito para tuparin ang hiling ng aking anak.. Pasensya na po kayo at Hindi tayo umabot..."

Dagli itong lumapit kay Eunice.

"Ano ka ba nmn, Hindi mo naman kasalanan kung makakasalubong tayo ng mga taong nagkakasiyahan at magpapaputok sa daan.." Tumingin ito sa paligid tila may hinahanap..

"Ang boyfriend mo, Rowena? Saka si Maurice nasaan?"

Inginuso ni Rowena kung nasaan ang dalawa. Naroon sa couch at mahimbing na natutulog, sa ibabaw ni henry ay nakahiga ang bata.

"Napagod ata kalalaro...." May ngiti sa labi na turan ni zeny.

"Mabuti at madali siyang napalapit kahit isa man lang sa atin.." Wika ni Rowena.

"Mabait si Maurice, bes. Mahiyain lang siya sa simula pero madali niyang makagaanan ng loob ang kahit sino.."

"Just like her dad..."

"Oh,siya! Tara ng kumain,at nang makapahinga na.."

Kinumutan muna ni Eunice ang natutulog at wala sa loob na nakapag usal na ikinakilig ng mag ina.

"Malapit na anak... Na ang yayakapin natin ay ang iyong ama..."

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon