chapter 54(leaving)

18 0 0
                                    

"Nagsentimyento si Clara sa akin kanina ah,ano ba ang ganap habang wala ako?" Tanong ni Gloria habang nasa manager's office sila ng restobar. Dahil kagagaling lang ni eunice sa sakit at takot naman siya na mahawaan ang anak, ay ipinasama na muna nito si Maui sa kanyang tita Clara,sa Quezon city.

"Naabutan niya kasi si Roland, Hindi ko naman alam na narito ka. Ikaw ang inaasahan kong maaabutan namin." Wika niya habang isiniserve niya ang tinimpla niyang FRAP pra sa kanilang dalawa.

"Sorry,Hindi na kita nawarningan, nagmamadali kasi ako,.isa pa,malay ko ba na big issue pla ang naganap kanina,."

"Its ok,. I've already talk to her. I hope,she'll understand. By the way, any progress?"

"Of course!" Tumayo ito at kinuha ang brown envelope sa loob ng kanyang shoulder bag."here."

Binuksan ni Eunice ang nasabing envelope, binasa ang papers, nangingiti siya sa bawat binabasang papers. May nilabas pa siya,passport nilang mag ina.

"Are you sure na aalis kayong mag INA? Umiiwas ka ba?"

"This is not because iniiwasan ko siya, alam mo naman ang dahilan ng pagpunta ko sa Japan.."

"Yah,. Its more than a year and its time for you to finally released kenji's ash to his hometown.. Alam ko na yun, but my question is, umiiwas ka ba?"

"Kanino naman?" Pilit umiiwas ng tingin si Eunice sa tingin ni Gloria, tila dama niyang may patutunguhan ang usaping iyon.

"Fine! Kahit damang dama na ng buong nasyon ang tunay mong nararamdaman para sa ama ng anak mo, then, my lips are sealed,."

"Tumigil ka na nga.. By the way, nabasa ko na itong papers, before we leave tomorrow, I'll signed those, masaya akong iiwan sa iyo ang resto at bahay na ito.." Mangiyak ngiyak na turan ni Eunice.

"Pumayag lang ako dahil yun ang gusto mo, pirmahan mo man ang papers na yan, ibibigay ko pa rin sayo ang authorities na tumira dito.. Malaki ito noh,para sa isang tao lang!"

"Salamat,Gloria..."

"Maiba ako.. Bukas na ang alis ninyo, wala ka bang plano na ipaalam ito kay Roland?"

Hindi ko siya asawa para pagpaalaman,ama lamang siya in Maui.. All I want now is what's the best for my baby,.

"Oh,bakit natahimik ka riyan?" Biglang tanong ni Gloria na nagpabalik sa wisyo ni Eunice,.

"W-wala,may iniisip lang.."

"Anyway,maiba ako, after ng pakay mo sa Japan, anong next plan mo? Plano mo ba na bumalik sa club bilang singer?"

"Hindi ko pa alam,.sasalubungin naman kami roon ni attorney.. So don't worry okey?" Nakangiting sabi ni Eunice sa nag aalalang kaibigan.










Dumating ang araw ng pag alis ni Eunice at Maui, kasabay rin noon ang flight na nakuha ni mang Waldo patungo ng Saudi.

"Ano ba yan?! Sabay pa ang alis ninyo..."himutok na sabi ni Clara habang naluluhang nakaangkla ang braso sa bisig ng ama.

"Pinili mong manatili kasi dito, ngayon eto ka at naghihimutok,.. Sumama ka na lang kaya sakin,bka mamaya ay bigla mo pa maisip na mag asawa.." Birong sabi ni waldo sa bunsong anak na babae.

"Papa naman eh!... "

"Wag po kayong magworry mang waldo, ako po ang bahala dito sa dalaga mo.." Bilin ni Gloria.

"Salamat Gloria.."

"Mamimiss namin kayo.. Lalo na ang cute baby na ito..." Pinupog ni Clara ng halik ang pamangking nahihimbing sa kanyang stroller .
Muli itong tumayo at binigyan ng yakap si waldo at Eunice..

".....mag iingat kayo doon, papa.. Lagot sa akin yang si July kapag pinabayaan kayo roon!"

"Ikaw din anak huh,. Magpapaturo ako Kay July para mavideo call kita.."

"ALL PASSENGERS OF FLIGHT 231 DOWN TO JEDDAH,KINGDOM OF SAUDI ARABIA, PLEASE PROCEED TO GATE 3. THANK YOU."

"oh, mauna na po kayo papa.." Mamaya pa po ang flight namin." Wika ni Eunice.

"Sige, ikaw rin huh,mag iingat kayong mag ina sa kung saan man kayo makarating...pahalik nga muna dito.." Gaya ni Clara,pinupog din ni waldo ng halik ang apo.

Hinatid na lamang nila ng tingin si waldo habang kumakaway palayo sa kanila.
Makailang oras pa ay si Eunice at Maui naman ang umalis..

Palabas na ng airport sina Clara at Gloria nang tawagin sila ng humahangos na binata, si Roland.

"Your late! Naka alis na sila." Sabi ni Gloria.
"Ano??! Hindi pwede!" Muli ay humahangos ito at nagpipilit pumasok sa loob ng airport.
Subalit,bigo siya na mahabol ang kanyang mag ina.
Nanlulumo si Roland na napaluhod sa sahig ng airport, walang pakialam sa mga matang nakatingin sa knya.

Parusa at ganti mo ba ito sa akin? Sa nagawa Kong pagtalikod sa iyo ng ganoon na lang?...Eunice ...
Maui,anak ko..kung ito man ay parusa buong puso Kong tatanggapin.. Hihintayin ko ang araw na muli kayong babalik,at dalangin ko na ang inyong pagbalik ay para mabuo na tayo...

Pinahiran ni Roland ang mga luha sa kanyang pisngi,huminga ng malalim at umalis ng airport, nasa labas pa sina Gloria at Clara,tila hinihintay ang paglabas niya.

"Ok ka lang ba?"

"Magsisinungaling ako kung sasabihin kong oo kahit ang totoo ay hindi... " tinapik lamang niya sa balikat ang nagtanong na si Gloria at saka tuluyang umalis.

"Ate..." May nadamang awa si Clara sa tagpong iyon para kay Roland.

"Maging panatag na sana ang loob mo Clara, huwag mo na sana isiping pagsasamantala ang pagbalik ni Roland sa buhay ng iyong ate Eunice.."

Napalingon si Clara sa lalaki. Mabibigat ang mga hakbang nitong palapit sa kanyang ipinaradang sasakyan. Bakit nga ba hindi niya bigyan ng pagkakataon ang taong ito? Naisip niya.

"Oh,halika na.. Mag aayos pa tayo ng resto.." Aya ni Gloria.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon