chapter 24(pain)

21 0 2
                                    

"Hello,Tito Roland.." Si Rowena ang nasa kabilang linya. Its been more years since huling nakatawag si rowena sa tiyuhin. Huling usap nila ay noong araw pa ng kasal ng tiyuhin. Malungkot ang tinig nito.
"Rowena.. Kamusta?"
"Ok lang ako tito.,"
"Ok? Pero ang boses mo ang nagsasabing hindi..ano nga?"
Ilang segundong tumahimik sa kabilang linya.
"Hello? Rowena?"
"Tito,,uwe ka na dito sa quezon.." Garalgal ang tinig ni rowena. Na nagbigay kay roland para makaramdam ng pag aalala.
"Bakit???"




Halos hindi maihakbang ni Roland ang mga paa nang makababa ng bus. Malinaw pa sa isip niya ang masamang balita na sinabi ng pamangkin.
Si lola anita,..patay na...inatake sa puso kagabi..
Mama...mama... Ang tanging sinisigaw ng isip niya. Sa isang chapel ng kanilang sitio nakaburol ang ina. Naroon ang lahat. Nagluluksa. Nakatingin sa kanya habang palapit sa ina, ngunit bago pa siya makalapit ng tuluyan ay tumayo na si zeny upang pigilan ang kapatid.
"Kaylakas naman ng loob mong nagpakita pa rito!? Matapos ng sama ng loob na iginawad mo kay mama??" Nanlilisik at nanginginig sa galit si zeny habang awat ng asawa at ilang kapatid nila.
"Ate..."
"Lumayas ka!! Ikaw ang dahilan kaya nagkaganyan si mama!! Ikaw at malanding babae na yun ang pumatay sa nanay namin!!" Sigaw nito kay roland.
Patuloy sa pagluha si roland habang pilit na nagnanais makalapit sa kabaong ng ina. Tila hindi alintana ang masasakit na salitang binibitawan ng kapatid..
"Lumayas ka sabi!!!" Isang malakas na tulak ang iginawad ni zeny sa kanya. Marahil sa naghalo halong emosyon kaya nagawa niyang pumalag sa mga umaawat. Malakas ang pagkakabagsak ni roland para pati ang monoblock chair sa kanyang likod ay mabasag dahil nadaganan niya. Naitukod niya ang braso sa sahig kaya napilay ito.
"Zeny tama na!!"
"Mama,tama na po!"
Awat ng mag ama ni zeny sa kanya.
"Roland, halika na. Doon muna tayo sa bahay.." Bulong ni chona,ang sumunod sa kanya.
"Wag ka ng babalik!!" Pahabol na sigaw ni zeny.

Sa bahay ng kanilang ina..
"Masakit pa ba? Gusto mo ba ipaexray natin?" May pag aalalang tanong ni chona habang ginagamot ng alcohol ang gasgas ng kapatid.
"Ate,..Mali ba talaga akong ihayag kay mama ang saloobin ko?" Tila bata siyang lumuluha at humahanap ng kakampi sa nangyare.
Matapos magamot ang sugat ng kapatid ay tumingin ito sa mga mata ni Roland.
"Kung ano man ang mga nasabi ni ate sayo,yun ay bugso lang nmn ng damdamin.. Mahigit isang taon kang hindi nagpakita kaya wala kang nalalaman.."
"Kung gayon ay sabihin mo? Kasalanan ko ba talaga na mamatay si mama?" Umaasa si Roland na hindi sana dahil buong buhay niya itong pagsisisihan.
Tumayo si chona sa kawayang upuan, lumapit sa bintana at tanaw niya ang chapel kung saan nakaburol ang kanilang ina. Napaluha siyang muli na humarap sa kapatid.
"Aaminin ko Roland, hindi ako ipokrita para sabihing wala akong sama ng loob sa pag iwan mo Kay mama at umastang wala kang kaanak..masakit sakin yun,pero sadyang pinili ko ang mag isip muna,timbangin ang mga bagay. Narito ako sa mga huling araw ni mama, pati si ate zeny. Halos lahat kami narito liban sayo,ikaw ang hinahanap ni mama, ang kanyang bunso..."lumuluhang litanya ni chona.
Gayon rin si Roland habang nakikinig.
"Pero wala kaming maisagot. Walang may alam kung nasaan ka, kaya ka natawagan ni Rowena dahil sa messenger,. Naikwento ni mama sa amin ang lahat, ang pagtatalo niyo sa ospital,lahat.. Bago niya sinabing...
Ihingi namin siya ng tawad sa iyo.."
Bumugso ang mga luha ng magkapatid,lumapit si roland sa kanyang ate chona at niyakap ito. Kapwa inalo ang mga sarili. Kapwa nasasaktan sa kanilang ina. Kapwa nila batid na lulong sa sugal ang ina,kaya nauunawaan ni chona ang mga nangyari. Si chona na sa simula pa ay naging karamay niya noon pa,. Gaya ng isa pa niyang ate na panganay sa lahat at sinundan ni zeny. Bukod tanging si zeny lang ang matigas,marahil ay,.paborito siya ng ina kahit noon pa.. Ngunit tila nabago nang isilang siya..

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon