Panaginip na sa isang iglap ay nagkatotoo,.
Pangarap na hindi inaasahan ay natupad,.
Iyan ang nararamdaman ni Eunice nang mga Sandaling iyon habang iniaayos ang gamit na dadalhin pabalik ng bulacan.
Isang buwan n naman siyang mawawala,.. Opisyal man sila ay walang nakakaalam, kahit na sino sa bawat partido,.
Bakit?
Dahil iyon ang gusto nila.
Hindi dahil sa ayaw nila ipaalam,kundi kapwa sila nagaalinlangan na di matanggap ng bawat partido.
Dahil sa pamilyang nkapasan sa kanila,
At dahil sa pag aalala na paghiwalayin sila.
Sa katunayan,ang unang date nila ay sa simbahan malayo sa simbahan kung saan malapit ang mga bahay nila.
Hiwalay silang umalis ng kanya kanyang bahay at nagtatagpo kung saan lang ang pinag usapan nila.
Gamit ang cellphone,nakakamusta nila ang bawat isa,thru text.
"Pasensya ka na baby sa sitwasyon natin ngayon ah,..." Minsan Isang araw na bungad na Sabi ni Roland nang mag-date sila after ng dinaluhan nilang misa.
"Ano ka ba? Ayos lang sakin. Maiintindihan ko bawat dahilan mo,.ganon kita kamahal.. maghihintay ako hanggang maging handa ka na at ako sa pwedeng mangyare sa oras na malaman nila.." nakangiting Sabi ni Eunice.
Masaya na sila sa ganitong estado lang,.nagkikita sila sa gabi kung saan tulog na ang lahat.
Wierd couple right?
Pero,ganito sila eh.."Eunice,alam ko kayo na ng tito ko.."
Buyo ni rowena isang araw nang muli magbakasyon si eunice sa kanila."Ano?" Maang-maangang Sabi ni Eunice.
"Ano ano ka Jan!?, hoy! Eunice! Maloloko mo ang lahat ng narito na nkakakilala sau,maliban sa akin!" Buyo ni Rowena ,sabay hampas ng palad niya sa balikat ni Eunice.
"Ang Tito mo na lang ang tanungin mo tungkol dyan,."
Pilit na iwas sagot ni Eunice.
"Luh!showbiz!?"
Tumayo na ito at nagpaalam sa kaibigan,bago nkalabas ng kwarto,. Humabol pa ito ng bati,.
"Congratulations sa inyo!""Balita ko,kinukulit ka ni Rowena ukol sa atin.."
"Oo,pero wala yun,.hindi ko naman sinabi eh."
"Salamat sa pang unawa mo, pasensya ka na kung tinalo pa natin ang tali na sa iba,."Naiintindihan ko pero hanggang kaylan ko maiintindihan?
Delete.
Hindi niya kyang I message iyon..
Sobrang mahal niya si Roland kahit umabot na sa puntong makalimutan niyang irespeto ang sarili gagawin niya.
Two months of relationship,.nagkaroon ng simpleng celebration sa bahay ng isang kaibigan,.
Day off nila pareho kaya nakadalo. Iilan lang naman sila,.
Ang friend nila at ang hubby nito,xa at si Ronald. Sa bahy na iyon,Malaya silang naipapahayag ang pag ibig sa kilos..Hanggang hindi inaasahan,.
Dumalo din sa inuman ang ama ni Eunice na si mang waldo.
Nakainom na ito kaya medyo may tama na at malakas na ang loob.
"Gloria! Ernest!" Tawag nito sa mga kaibigan ni Eunice.
Kasalukuyang nsa terrace sila nang madinig ang boses ni mang waldo.
"Si papa!?" May pag aalalang wika niya habang nakatingin Kay Roland.
"Anak,,halika...alam ko anjan ka...usap tayo.."
"Maupo muna kayo mang Waldo.. Nsa cr lang po si Eunice,, " kumbinsi ni ernest habang tinungo nmn ni Gloria ang magnobyo sa terrace..
"Pagkakataon nio na ito para magsabi,.eunice,Roland...hindi pwedeng hindi nio ipaalam,magulang mo Eunice ang nariyan,"
Payo ni Gloria.Huminga ng malalim si Eunice, lalabas na sana siya ngunit pinigilan siya ni Roland..
"Ako na lalabas at magpapakilala sa papa mo."
"Sigurado ka?" Kinakabahang tanong ni Eunice.
"Oo."
Huminga muna c Roland ng malalim at saka lumabas,.
Nagkasya na si Eunice na silipin ang pag uusap ng dalawang lalaking malapit sa kanyang puso.
"Ikaw ang kapatid ni zeny hindi ba? Yung nanay ni Rowena?"
"Ako nga po. Ako po si Rolando mendoza, ako po ang nobyo ng anak ninyo ser..."magalang na tugon ni Roland.
"Ser!?" Hagalpak ng tawa c mang waldo nang marinig ang salitang "ser."
"Napakapormal mo namn, mang waldo lang ayos na ako doon. Alam mo sa lahat ng anak ko,yang si Eunice ang paborito ko. Kaya isa lang ipakikiusap ko sau,..kung di mo na gusto,.isoli mo sa kin..."
Lasing man ay dama ni Eunice ang sinseridad sa sinabi ng ama.
"Oh,siya! Inom muna tayo,bago ako umuwi..."
Tila nabunutan naman ng tinik si Roland nang personal na maipakilala ang sarili sa ama ng nobya.
Pero may alinlangan pa rin siya sa sariling pamilya.
Saka na lang niya iisipin yun, ang mahalaga ay ang ngyon..
Masaya sila sa ikalawang buwan nila bilang magnobyo.
Sana ay ganito din kasaya kapag ipinakilala na niya si Eunice sa pamilya niya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomansaMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...