Halos isang linggo na rin ang dumaan Simula nang magkita muli sina Roland at Waldo,. Tila bigla at di niya rin mawari kung bakit, bigla ay nakadama siya ng pagkaguilty sa sarili dahil tinanggihan niya ang pakiusap ni Roland.
Kasalukuyang nasa kusina siya at nagkakape nang mapuna siya ni Clara na galing sa labas,pagkat inutusan niya kaninang bumili ng pandesal sa kanto.
"Pa? Okey lang kayo?" Tanong ni Clara habang iniaayos sa plato ang dalang pandesal.
Napatingin pa si waldo sa anak na tila may pagtataka bago sumagot.
"Ayos lang ako,. Pakipalaman mo nga ako ng isa,." Utos niya kay Clara.
"Ano po bang iniisip ninyo at tila parang kay lalim naman?.."
"Nakita ko kasi si Roland sa embahada noong isang linggo.."
"Oh tapos po?" Walang kasabikang tanong niya sa ama habang inilalapag sa platito nito ang pinalamanang pandesal ng margarinang may asukal na paborito ng kanyang ama.
Naupo siya sa tabi ng ama at nagtimpla ng kape para sa kanya."Nakikiusap siya na pakinggan ko ang dahilan niya,,pero hindi ko ginawa. Masama pa kasi ang loob ko sa ginawa niya sa ate mo."
"Tama lang po na hindi ninyo siya pinaunlakan.. Minahal siya ni ate ng buong puso,Simula pa man,tapos ganon lang?? Bigla siyang mawawala?! Muntik nang magpakamatay si ate sa sobrang sama ng loob,buti na lang anjan si ate Gloria.." Himagsik ng damdamin ni Clara.
"Kaya nga anak,pero Ewan ko ba kung bakit ngayon ay parang nagiguilty ako,... Parang dapat ata ay pinakinggan ko ang side niya.."
"Para saan pa po?"
"Hindi ko nga rin mawari..."
"Pa, alisin ninyo na lamang po ang alinlangan, alam ko pong naging close kayo ni Roland, pero, hindi lingid sa atin na iniwan niya si ate dahil sa mayamang babae.. Sa pagkachismosa ba naman ni aling zeny...." Himutok ni Clara.
"Oh,siya. Tama na yan,hayaan na natin sila.. Mabuti nga at umalis na sila dito sa ating barangay...kundi ay lalo lang masasaktan ang ate mo sa mga parinig ni zeny,sa tuwing dadalaw dito kasama si Kenji."
Tumayo na si Clara para maghanda sa pagpasok sa trabaho habang kusa na si mang waldo na nagligpit ng kanilang pinagkainan.
Subalit ang alinlangan at kutob sa puso ni waldo ay hindi mawala. May pakiramdam siyang may dahilan ang muling pagkikita nila ni Roland.
Paano siya aalis kung ganito ang pakiramdam niya?Dapat yata ay pinakinggan ko siya...mabait na bata naman siya, at naging kaibigan din nmn siya ng anak ko..pero kasi...
Napapilig siya ng ulo. Pilit winawaksi sa isip ang naganap at ang dapat ay kanyang nagawa.. Naninimbang siya. Sadyang matimbang pa rin ang hinanakit,pagkat nakita niya kung panong nalugmok sa kalungkutan ang kanyang anak,. Idinadaan sa labis na pagtatrabaho upang hindi niya makita kung gaano kasakit ang kirot na iniwan ni roland sa puso ng kanyang anak.
Kahit dama niya na mahal pa rin nito ang lalaking iyon,. Hindi niya gagawing panghimasukan ang desisyon ng kanyang mga anak.Minsan ko rin naman itinuring na anak si roland..kaya dapat nga ata ay pinakinggan ko rin siya...
Muling bulong ng kanyang isip."Papa! Papasok na po ako.." Paalam ni clara,na sa sobra niyang kaiisip ay hindi niya namalayan nasa likuran na pala niya ang anak at ready ng pumasok sa japanese resto.
"Ah,s-sige! Mag iingat ka. Mamaya ay aalis din ako para ifollow up ang passport at visa.."
"Sige po. Ordinary day lang naman po ngayon kaya, mag aaudit lang ako at uuwi din po ako agad. Nagtext po kasi si ate, dadalaw daw po sila ni Maurice at ate Gloria dito sa bahay. Dito daw po sila magdidinner."
"Talaga!?" May pagsabik sa tugon ni Waldo. "Mainam yan, makakalaro kong muli ang aking apo!"
Humalik na si Clara sa ama at nagpaalam na,habang minadali na ni waldo ang pagligpit ng kinainan na di matapos tapos sa sobrang kaiisip kay Roland.
![](https://img.wattpad.com/cover/75535956-288-k547635.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...