Umalis na si atty. Lee, umalis siyang bitbit at patuloy na iniisip kung ano ang nararapat gawin sa hawak niyang dokumento. Kung masamang kaibigan siya ay marahil,inangkin na niya ito. Walang taong tatanggi sa ganito kalaking halaga. Pero,tapat siya sa kanyang sinumpaan, bilang abogado. Kaya naman ibinulong na lamang niya sa hangin ang pagtatanong kung anong gagawin sa dokumentong iyon. At nawa, ay ibulong pabalik sa kanya ng hangin ang sagot.
Almost two weeks, exactly one month old na si baby Maurice. She's full grown and became healthy all through the days come. Sa araw araw na pagtungo ni Eunice sa hospital, ni minsan ay hindi pa nagtama ang landas nila ni Roland,na every other day ay nagdedeliver ng gamot sa clinic ng bawat doktor doon, kabilang na ang doktor ni Eunice.
Nang araw na iyon, naabutan ni Roland ang doktor ni Eunice kasama ang ilang nurses at interns, masayang nag uusap sa information booth malapit sa nursery.
Bitbit ang isang kahon ng gamot,lumapit ito.
"Oi,oi...anong meron? Ang aga ng chismis!" Biro niya sa mga ito.
"Ay! Si poging clerk pala!" Sagot ng babaeng nurse na pinakabata sa grupo.
"Nambola ka pa! Eto yung gamot ni dok.Santos, pakiabot na lang."wika niya sabay lapag ng kahon.
"Ano ba meron, ngayon ko lang ata kayo nakitang nag umpukan dito?"
"Ay,masaya lang kami iho, yung palagi kong ikinukuwento sayo na baby, yung seven months pa lang ay ginusto na lumabas? Naku, nadischarge ko na. Nakakatuwa!" May kilig na kuwento ng doktor.
"Naku,e di mabuti! Isang malaking himala yan!" Bulalas ni Roland.
"....hindi lang yun,.masaya kami kasi naimbitahan kami sa binyag ng kanyang anak. Na gaganapin sa Batangas!"
Nang marinig niya ang Batangas, bigla ay parang kiniliti ang puso ni Roland, pati na ang araw na kanilang pinagsaluhan.
"Pogi!? Ano at nangingiti ka riyan?" Biglang tanong ng nurse sa nagdeday dream ng si Roland.
"Huh!? Wa-wala! Sige, mauna na ako may deliver pa ako sa third floor."
Tila nahihiyang sambit nito. Na hindi naman binigyang tuon pa ng ilang naroon at kaswal lamang na nagpaalam sa kanya.Eunice...kamusta ka na kaya? Panahon na marahil para muli kitang masilayan. May ipon na din naman ako,at siguro senyales na ang pagkakarinig ko sa lugar kung nasaan ka, para muli kitang makita. Nawa ay napatawad mo na ako....
Bulong ng isip niya habang lulan ng elevator patungo sa ikatlong palapag."WELCOME HOME! BABY MAURICE!!!"
Ang masayang bati nina mang waldo, Carla, at Gloria sa mag ina.. Madaming handa na animo ay fiesta, pinasara pansamantala ang resto nila sa timog para lang icelebrate ang pag uwe ng bagong miyembro ng pamilya. Maging ang bunsong kapatid na lalaki ni Eunice ay nagbalik bayan para I welcome ang pamangkin..
Labis ang pasasalamat ni Eunice sa suportang natatamo niya sa pamilyang mayroon siya. Na laging nariyan kahit ilang beses na siyang nasaktan.
"Naku!!! Tama na ang drama, akin na muna itong cute na baby ito at pagbumalik na ako sa jeddah, baka dalaga na ito pag uwe ko!" Biro ni July ang bunsong kapatid na engineer ni Eunice.
"Maghanap ka na ng asawa,para may bata ka na ding panggigilan." Biro niya rito.
"Hayaan mo na ko, I'm happy to become single!" Sagot nito habang inihehele sa kanyang bisig ang sanggol. "Maiba ako teh, kelan ang binyag? Alam mo na, two weeks lang paalam ko doon."
"Don't worry,.. " kinuha ni Eunice ang microphone para sa videoke,upang kunin ang atensyon ng ilang bisita.
"Attention everyone! Since, ilang years din bago nakabalik ng bansa ang bunso naming si July,, I inviting you all para sa christening ng aming baby Maurice,which will be held at euji Japanese resto, located in Batangas! This coming weekend na, don't worry about the tour,may shuttle bus ako na inupahan para less hassle.. Hope you'd all come!"
Palakpakan ang lahat sa magandang balita. Excited sa darating na binyag.Pinagka abalahan nina gloria at eunice ang pagmudmod ng imbitasyon, si eunice ang nakatoka para makausap ang parish council sa isang cathedral sa batangas, habang ang pagpapadala ng invitation ang kay gloria naka assign.
![](https://img.wattpad.com/cover/75535956-288-k547635.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...