Sa parking area ng Saudi embassy, matiyagang naghintay si Roland, hinihintay ang pag labas ni Waldo.
Buo na ang isip niya, susundin niya ang payo ng pamangkin,. Marahil kung magpapaliwanag siya dito ay lubos nitong mauunawaan ang dahilan ng pagkawala niya.
Paniniwala niya at kumbinsi sa sarili.Isa...
Dalawang oras..
Tatlo...
Hanggang maglimang oras na saka lamang lumabas si Waldo,. Inabutan na siya ng tanghalian at tirik pa ang araw.
Dagling lumabas ng kotse si Roland at agad lumapit sa matandang Waldo na tila bahagyang nahilo dahil sa limang oras na pananatili sa opisinang de aircon,ay biglang tirik na araw ang sa kanya ay sasalubong,..Uminom si mang waldo ng baon niyang maliit na bottled mineral water na binili niya bago pumila sa loob ng embahada..
Habang lumilinga at humahanap ng kantinang makakainan sapagkat pasado ala una na ng hapon.
Natigil siya sa paglinga-linga sa paligid nang may tumawag sa kanyang pangalan.Hindi siya maaring magkamali.
Ilang taon man ang lumipas,pero hindi niya malilimot ang taong ito na ngayon ay nasa kanyang harapan."Mano po ta---..mang Waldo.." Pigil niya sa sariling tawagin itong "tatay" habang hinihintay iabot ng matandang waldo ang kanyang kamay dito.
Subalit bigo siyang makuha ang respetong hinihingi rito sapagkat, sa halip na tanggapin ang paggalang ay tinanggihan niya ito."Anong ginagawa mo rito?" Walang maisip na itanong si waldo sa lalaking kaharap,dahil Simula ng saktan nito ang puso ng kanyang anak ay pinatay na rin niya ang pagpapahalagang ibinigay niya noon dito.
"Sinadya ko po talagang sundan kayo para makausap.."
"Makausap? Tungkol saan?"
"Tungkol po sa dahilan ng paglayo ko..maari ho ba?"
Nakikiusap ang mga salita niya at umaasang pauunlakan nito ang kanyang hiling. Kahit pa basang basa na niya sa mukha ng matanda ang pagkadisgusto sa nais niya."Alam mo,. Kung ano man yan wala akong interes na malaman.. Masyado akong abala sa mga papeles ko.."
"Kahit ilang minuto lang po,pakinggan ninyo ako!"
Pero sarado ang isip ni Waldo sa nais ipaliwanag ni Roland.
Nasaktan na ang anak niya at wala siyang nagawa.
"Isa lang masasabi ko, mapapatawad lang kita kung mapapatawad ka pa ng anak ko.
Hindi puso ko ang dinurog mo,.kaya't hindi ka sakin dapat humingi ng tawad.."
At tuluyan na itong umalis, at kahit naririnig pa niya ang tinig nito, hindi niya magawang lingunin si Roland.Nakita niya ang hinagpis na pinasan ng anak at napilitang lumayo para lang maitago sa kanya ang sakit ng pagiwan ni Roland.
Naiwan si Roland, tahimik na lumuluhang bumalik sa kanyang sasakyan.
Bigo siya.
Pero,susuko na ba siya?
Huminga siya ng malalim at ibinuga ang bigat ng damdamin, pinunasan ang luha.
"Masyado ng mahaba ang pagtitiis ko,.mabawi ka lang,Eunice.
Mga bagay na sayo ko lang ginawa dahil ikaw ang nagbigay sa akin ng tunay na pagmamahal at pagpapahalaga.
Ngayong may anak na tayo..hindi ako kailanman susuko!"Pinaandar nito ang kotse palabas ng parking.
May mga bagay na tumatakbo sa kanyang isip upang muling manalo sa puso ni Eunice.Sa pagkakataong ito,.iwawaksi na niya ang agam agam,ang takot,. Dahil sa takot,nagawa niyang bitiwan ang tunay na nilalaman ng isip at puso niya,dahil sa takot,nasira ang tiwalang ibinigay ng pamilya ni Eunice sa kanya.
"Handa na akong ipaglaban ka at ang ating pagmamahalan!!"
The next morning....
"Hey,hey,hey....flowers for you,gorgeous..." Birong bungad ni Gloria nang isang umaga ay hindi lang bulletin ang makikita niya sa lapag ng back door. May katabi itong a dozen roses,with a card saying.. Good morning,beautiful. ;)Nakangiting inilapag ni Gloria ang bugkos ng bulaklak sa lamesa katapat mismo ng abalang si Eunice na nagpapakain sa kanyang anak..
"Para kanino ba yan?" Walang lingon na tanong niya kay Gloria habang sinusubuan ng smash fruit ang anak.
"Maybe for you.." Pangiti ngiting tugon ni Gloria.
"Sa akin???"
"Alangan naman sa akin!?"
"Malay mo? Matagal ka ng hiwalay sa asawa mong si himura.. At ilang buwan na din na hindi kna nagbabalik sa Japan.." Tapos na niyang pakainin si Maurice, binuhat na niya ito pero tuloy pa rin sa pagdiskusyon ang magkaibigan habang isinasayaw sayaw ang kargang bata.
"...ano bang malay mo,kung muling nagpaparamdam ang ka live in mong si Ernest.."
"Correction! Ex-live in!.... Eh, malay mo din ba kung galing yan kay Roland, send of peace..." Bawi nito sa pang aasar ni Eunice.
Biglang kumunot ang noo ni Eunice,
"Don't say bad words!"Nagpeace sign si Gloria sa kaibigan, kinuha ang dalang bulaklak.
"Mailagay na nga lang sa plorera.."
Bago ito tuluyang umalis,nagpahabol pa ito ng tanong."Paano nga kung kanya ito galing? Pati mga natatanggap mong baby things eh sa knya pla galing, anong gagawin mo?" Tapos ay tuluyan na itong umalis.
Hindi na hinintay ang isasagot ng kaibigan.Pero,paano nga kaya kung kay Roland nagmula ang mga bagay na iyon? Napatingin siya sa anak,. Tumingin din siya sa kaibigang abala sa may lababo at nag aayos ng bulaklak sa plorera.
"Hindi kaya...."
Hindi nmn siguro.. Kung sakali man,...bahala na..Bahagya siyang nkadama ng takot at alinlangan na baka nagkita muli ang dalawa at ikinuwento ni Gloria na ang ama ni Maurice ay si Roland.
Pero pilit niyang iwinawaksi iyon sa isip at tiwala siya Kay Gloria..
Sasabihin din naman niya ang totoo, kahit sa ama niyang si Waldo,. Pero hindi pa sa ngayon. Pagkat hindi pa siya handa.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...