Ilang araw na ang dumaan, subalit hindi pa rin ginagawa ni Eunice na sagutin ang mga tawag, voice message,e-mails,ni Gloria. Alam naman niyang walang kinalaman ang kaibigan sa nangyari sa kanila ni Roland, pero pakiramdam niya ay naisahan siya. Ramdam ni Kenji ang gap sa magkaibigan, pero pinili niya ang wag makialam. Halata ang pagtamlay ng kilos ni Eunice sa araw araw. Kaya naman labis ang pag aalala ni Kenji para sa asawa.
"Are you alright?" Tanong nito sa asawa habang abala ito sa pag a assist sa ilang staff sa kusina. Its vacation time kaya, full load na nmn ang kanilang restobar.
"Yah. I'm good." Matabang ang mga ngiti ni Eunice.Ang masiglang Eunice ay tila unti unting nagbabago sa pagdaan ng mga araw,. Kaya nmn,isang gabi ay inimbita ni Kenji si Gloria sa kanilang bahay ng walang abiso sa asawa.
Its dinner time.
Nakaready na ang kanilang mesa, nagtataka c Eunice kung bakit tatlo ang Plato na nakaserve.
"Do we have a visitor,hon?" Tanong ni Eunice.
"Yah." Inilapag nito ang bagong hango na ulam na luto niya.
"Who?"
Bago pa makasagot si Kenji..
Bzzzztt!!
"I got it,hon." Kusa na si Eunice na nagprisinta para buksan ang gate.
Hindi niya inasahang si Gloria ang bisita. May dala itong box of cake para sa mag asawa. Hindi niya alam kung anong mararamdaman,.
"Hon, is that Gloria? Come on,the dinner is served." Malakas na tawag ni Kenji.
"Eunice..." Akma sanang hihingi ng tawad si Gloria subalit, sadyang umiwas si Eunice.
"Inaantay ka na ng asawa ko, mauna ka na pumasok." Malamig na pakikitungo nito sa bisita.
Matamlay na pumasok sa loob si Gloria, habang humugot muna ng malalim na paghinga si Eunice bago sumunod sa bisita.Natapos ang dinner nang walang usap usap mula sa dalawa. Kaya malinaw na Kay Kenji na may issue ang magkaibigan.
"Thank you for the cake Gloria. Why don't you stay here for a while and have some tea.." Aya ni Kenji nang nasa salas na silang tatlo.
"Hon, I'm tired.." Iwas ni Eunice.
Subalit mapilit si Kenji na pagusapin ang dalawa.
"Its been eight weeks since you ask my permission and encourage me to have a girl bonding with my wife.." Simula ni Kenji sa usapin,na nagpahinto Kay Eunice na tumayo sa sofa para umalis. Nakadama kapwa ang dalawang babae ng kaba.
"...after that, my wife started ignoring you..and I don't have any idea why? Now, if you both don't have a guts to tell me what's wrong,I respect that..but please,. Finish this issues. You are friends, and having an issue is not healthy.." Tumayo na ito para bigyan ng space na makapag usap ang dalawa. Pinalipat niya ang asawa na nkaupo sa single sofa papunta sa long sofa kung saan nakaupo si Gloria.
Nagkakailangan ang dalawa, naghihintay kung sino ang unang magsasalita. Hanggang si Gloria na mismo ang bumasag sa katahimikan.
"Patawarin mo na ako,Eunice... Hindi ko nmn Alam na aabot sa ganon ang pagtulong ko,. Ang tangi kong habol lang ay matuldukan ang lahat sa inyo para makamove on na.."
"Pero hindi yun natuldukan gloria!" Impit ang galit na ibinulalas ni eunice ang nararamdamn, palinga linga pa siya sa bahaging kusina para masiguro na hindi nakikinig ang asawa.
"Dahil sa ginawa mo, nakalimot ako! Nagpadala ako muli sa kanya! Oo, naroon na ako sa punto na wala kang idea sa gagawin niya,umaasa ka na isang usap lang ang magaganap.. Pero,sana..kung kaibigan kita,hindi mo inallow na masunod ang gusto niya!"
"Kaya nga im really sorry... Patawarin mo na ako.."sinsero ang paghingi nito ng tawad sa kaibigan.
Lumuluha pa itong akma na luluhod sa harap ng kaibigan mapatawad lang,pero,hindi niya hinayaang gawin yun ng kaibigan.
"Wag mo na lang sana uliting ipain ako sa alanganing sitwasyon." Inakay niya ito na tumayo,pinahiran ng panyong hawak ni gloria ang mga matang may luha.
"Bati na tayo?" Lambing nitong tanong.
Ngumiti lang si eunice at mahigpit na niyakap ang kaibigan.
Masaya naman si kenji na nakatanaw mula sa itaas ng hagdan.
Kanina pa siya roon,pasilip silip, hindi nmn niya nauunawaan ang paguusap ng dalawa, masaya siya na nagbati ang mga ito.
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomanceMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...