Matapos ang masayang tagpo na iyon, nagpasya si Eunice na manatili na sa pilipinas, Hindi lang dahil sa nagkabalikan na sila ng kanyang mahal,kundi dahil sa nais din niyang mas magkalapit pa ang loob ng kanyang mag ama.
"Are you sure,its ok with you? Julio?" Tanong niya isang umaga habang nakaupo siya sa rattan made na rocking chair sa may veranda ng family house ng mga Mendoza. Sa tabi niya ay naroon si Roland. Panatag na siya ay minamasdan habang haplos haplos nito ang kanyang kamay.
"...ok, thanks for everything... Yah, tell my regards to gie.. Bye."
"Si Atty. ba iyon? Anong sabi?"
"Kung hindi na daw ako babalik, walang kaso, I will be still a share holder. And ipapadala na daw niya ang papers ni Maui na nagpapalipat ng apelyido sa iyo,para mapirmahan mo raw."
"Totoo?!" Laking tuwa na napayakap si Roland sa nobya. Natupad na ang hiling niya na maging legal ang lahat. Isa na lang ang kulang.
Tumayo si Roland, inakay si Eunice na tumayo rin,
"Come, may pupuntahan tayo."
"Saan?"
"Basta."
Nagpaanod na lamang si Eunice sa kung saan siya dadalhin nito. May isang linggo na rin silang mag ina sa piling ng mga Mendoza, halos naipakilala na rin siya ni Roland sa malapit na kapitbahay ng pamilya, sa ilang kaanak rin.
Sakay ng kotse,biglang naalala ni Eunice ang anak.
"Teka! Si Maui?!" Aligaga nitong tanong.
"Relax lang mahal ko, kasama ni ate zeny ang anak natin, namasyal sila kanina habang tulog ka pa."
"Ganon ba? eh, saan ba tayo pupunta kasi?"
"It's a surprise.."
"Ayan ka na nmn sa mga surprises mo huh,.."
"Relax.. Malapit na tayo.."
Pumasok sila sa isang middle class subdivision, malinis,peaceful ang paligid, may mangilan ilang nagjojogging, may nadaanan din silang mini park, may ilang bata na naglalaro, a few miles from the park,huminto sila sa isang malaking bahay, kulay beige at puno ng ibat ibang klase ng halaman at bulaklak ang Hardin.
Naunang bumaba si Roland, ipinagbukas ng pinto ng kotse ang kanyang mahal.
Habang bumababa ay Hindi naalis ang tingin ni Eunice sa bahay, mangha siya sa ganda nito."Did you like it?"
"Ito ba yung----"
"Ito ang dahilan kung bakit pinilit kong magsikap,tiniis at umasa na lang sa paniniwalang makakasama ko kayong tumira jan ng ating anak."
Emosyonal na napatingin si Eunice kay Roland. Naluluhang napayuko si Eunice.
"Bakit? Ayaw mo ba yung style? Yung kulay?"
"Gusto ko...gustong gusto ko.."
"Luha ba ng kaligayahan iyan?"
"Roland, salamat... Salamat sa walang kamatayan mong pag mamahal, sorry kung mabilis akong bumitaw.. Salamat sa pagtupad ng pangako mo.."
Walang salitang niyakap ni Roland ang minamahal, at hinalikan sa noo.
"Tahan na,. Halika at nang makita mo ang kabuuan ng bahay."
Masayang binuksan ni Roland ang pinto,subalit laking gulat ni Eunice nang...
"SURPRISE!!!!"
"Gloria? July? Clara? Kayong lahat? Bakit?" Naguguluhang sabi ni Eunice nang ang kanyang pamilya ay naroon,kasama ang pamilya ni Roland, lalo pa ang kanyang gulat nang mula sa kusina, lumabas si Waldo hawak sa kamay ang apong si Maui.
"Papa!!" Naluluhang niyakap ni Eunice ang ama, sabik sa yakap nito.
"Nasurpresa ka ba namin?" Sabi ni waldo habang pinapahid ng kamay ang mga luha ng anak.
"Ano ba ang meron? At paanong narito kayong lahat? July,pati ikaw narito.." Manghang sabi ni eunice.
"Kanina lang kami dumating ni papa ate,. Ayaw pa nga sana ni papa, kaso..magaling manuyo itong jowa mo, kaya here we are.." Litanya ni July katabi ang nangingiting ama.
Tumakbo si Maui sa kanyang ama at may kung anong iniabot. Sabay takbo pabalik sa kanyang lolo Waldo.
"Sampung taon ang dumaan,dahil lang sa isang nadulas na dila.. Pssikreto sa lahat,kami ay nagkaroon ng ugnayan.. Hanggang sa dumating ang mga pagsubok kung hanggang saan ang tibay ng ugnayan na iyon. Kung baga sa lubid, unti unti ay napipigtas, pero unti unti may ilang kamay ang pilit humahawak upang ang lubid na iyon ay di tuluyang bumitaw..."
Sa harap ni Eunice, lumuhod si Roland, inialay ang hawak na maliit na kahon,laman ay isang singsing.
"Ngayon, saksi ang ating pamilya, Eunice, will you be my Mrs. Mendoza,for the rest of our lives?"
Naluluhang tumango si Eunice at hinayaang isuot ni Roland sa kanyang daliri ang singsing na alay nito. Nag uumapaw sa kilig ang pamilyang nakasaksi, ang mga nagkasamaan ng loob ay nagkaayos na.. At handa ng tanggapin ang bagong yugto sa kanilang buhay...
Church bells ringing solemnly...
After a month of preparation, finally, the long wait is over..
Habang nasa gitna ng homily ang pari, panay ang bulungan nina zeny at chona,
"Hindi ba ate, kaysaya kung hindi sapilitan ang pagsasama?"
"Oo na! Ito talaga.. Tapos na yun,, kung saan man si mama ngyon,sana nakikita niya ang kanyang bunso kung gaano kasaya.." Sentimyentong sabi ni zeny habang nakatingin sa dalawa, na masayang nagbubulungan habang nakikinig sa pari,.
"By the power, bless be given to me, Roland,Eunice...I now pronounced you as husband's and wife. You may now kiss the bride.."
Ang pinakahihintay na sandali ni Roland.. Marahan at may nginig pa na iniangat niya ang belo ng katipan, hindi na siya nangangarap na lang, tunay na ang kaisang dibdib na niya ay si Eunice.
Palakpakan ang lahat, nagdiwang sa masayang event na naganap..
"Bago ang picture, may sasabihin lang ako.." Wika ni Roland.
Hinarap nito si Eunice, hinawakan ang kamay habang hawak nmn niya sa kabilang kamay ang mikropono,.
"Mahal ko, hindi maiiwasang magkatampuhan tayo, hindi ko maipapangakong magiging fairytale ang buhay natin, pero isa lang ang sinisiguro ko, anuman ang mangyari,narito lang ako. Hindi ka iiwan."
"Ganoon din ako mahal ko... Dahil kahit ano pa man ang mga pinagdaanan ko, iniwasan man kita ng paulit ulit,, IKAW PA RIN ang narito sa puso ko."
End.
(Thank you sa mga bumasa😘😘😘)
BINABASA MO ANG
Ikaw Pa Rin
RomansaMahal nila ang isa't isa subalit tadhana talaga marahil ang sila'y magkahiwalay.. Ito ang kwento ng pag-ibig nina Eunice at Roland.. Hanggang saan ang pagmamahalan nila kung ang isa ay may takot na itinatago. At sa muli nilang pagkikita ay nkatali n...