chapter 8(the consequence)

23 0 0
                                    

"Mama?" Manghang gulat ni Roland nang isang umaga ay makita ang ina.
Si Gng. Anita Roses Mendoza. Edad sisenta na pero malakas pa at hindi maikakaila ang edad nito dahil sa mga puting buhok. Dala ang bag na hindi naman kalakihan at ilang pasalubong. Kasama nito si Rowena.
"Pasok kayo.." Aya ni Roland sa bisitang dumating..
Nag aapurang inayos ang ilang nagkalat na gamit sa kanyang papag upang my maupuan ang bisita.
"Ang ate chona mo nasaan?" Agad na tanong ng ina.
"Nagpunta po saglit sa bayan si ate,mama." Sagot ni Roland habang nagtitimpla ng kape pra sa bisita.
"Kape,Rowena,. Gusto mo?"
"Hindi na kuya..hinatid ko lang si Lola dito,.uuwe na po ako Lola,Tito." Magalang na paalam ni Rowena.
"Saglit lang." Kinuha ni anita ang bugkos ng suman na dala na nkasuson sa kanyang bayong at iniabot Kay Rowena.
"Dalhin mo na ito, apo. Merienda nio..alam kong nag agahan na kayo."
"Salamat po. Sige po una na ako."

Inilapag ni Roland ang isang tasa ng kapeng mainit sa lamesitang katabi ng papag. Habang siya naman ay naupo sa bangkito katapat ang ina.
May kaliitan lang ang bahay ng kanyang ate chona, umokopa na halos sa espasyo ang papag at ang banyo ay ilang hakbang lang ang layo sa lababo.
"Ano po ba nangyare at napaluwas kayo?" Humigop ito ng kape na tinimpla rin niya pra sa sarili.
Sa halip na sumagot,may kinuha itong sulat sa kanyang pitakang mahaba.
"Basahin mo.." Wika ng kanyang ina.

Eto ang nakasulat:
To mrs.roses,
We at EASTBANK are telling you that your due are ended. As a policy, we have the right to claim your properties you used as a collateral and give it to those who can paid us asap.
On this date.
We will collecting your debt..
Yours truly,
Mr.vince kho
Gen.manager
EASTBANK

Nagulat c roland sa nabasang notice.
Wala xang alam sa mga iyon.
"Ma,ano ito!?" May kataasan ang tono ni roland habang ang tingin niya sa ina ay kababakasan ng inis.
Hindi naman magawa ni anita na makapagpaliwanag dahil sa mga tingin at padabog dabog ng paa ni roland.
"Ipaliwanag nio kung paanong napunta sa banko ang mga pinundar ni papa!?"
"A-anak,,kasi nmn...."
Napatapik sa noo si roland.
Tila nahulaan na nito ang sagot..
"Anak ng!!? Mama! Nagsugal kayo!?"
Kuyom ang palad na napayuko na lang siya. Pigil ang galit na nadarama..
"Magkano ba ang utang?" Muling tanong niya sa ina.
"200,000 plus interes...."
Napabuga na lamang ng hangin si roland. Nagisip kung saang kamay ng Diyos niya kukunin ang ganoong halaga.
"Anak,,nakikiusap ako.. Tulungan mo c mama..." Lambing ni anita sa kanyang bunso habang hinihimas ng kanyang palad ang pisngi ng anak.
"Paano?"
Napangiti lang si anita sa naiisip na paraan pra sa kanilang problema.

"Ano po!!? Ipapakasal nio ko kay sally!? Ang anak ni mang dencio na nagmamay ari ng ekta ektaryang niyugan sa atin?!"
"Paulit ulit ka naman,.oo nga si Sally nga. Sally de Leon ang unica hija ni pareng dencio. Alam mo naman na patay na patay sayo yun, ikaw lang itong kung sino sino ang hinahanap!." Tila may pasaring sa tono ng ina na dagling nahalata ni roland.
"Hindi kung sino sino lang ang nobya ko mama."
"Tama nga si zeny,walang magandang dulot sayo ang babaeng yun!" Patuloy na pang iinsulto ni anita.
"Mama!" Tinig ng pagpatigil sa pang iinsulto nito.
"Ito lang masasabi ko, kung mahalaga pa sayo ang iniwan ng papa mo, papayag ka sa gusto ko!" Tumayo na ito at gumayak na para umalis. Bago tuluyang lumabas ay nagbilin pa ito.
"Doon ako manunuluyan sa ate zeny mo hanggang bukas kaya pg isipan mong mabuti!"
Naiwan si ronald na gulong gulo ang isip..
Paano na sila ni eunice kung ganito ang sitwasyon niya?
Paano siya magpapaliwanag?
Lugmok sa kaiisip si roland nang maisip niyang itext ang nobya.
Puntahan mo naman ako dito sa bahay..
Sumagot si eunice.
Saglit lang,.may inaasiKaso pa ko.
"Please...wala naman dito si ate..."
"Sige, sandali lang..."
Ilang minuto rin bago nkapunta si Eunice. Nakita niya ang nobyo na nkaupo sa monoblock chair habang nkasandal ang ulo sa pader patingala..
"Bhe,OK ka lang ba?"
Tumingin ito sa kanya na tila nagpipigil ng luha hanggang sa tuluyan na itong bumigay.
"T-teka! Ano bang nangyayare sayo,?" Nag aalalang tanong ni Eunice habang nkayakap ang nobyo sa kanyang beywang.
"Hayaan mo lang akong yakapin ka.."
Hindi niya magawang masabi dito ang totoo na sitwasyon. Pakiwari niya ay guguho ang mundo nilang dalawa kpag cnb niya ang totoo.
Tumayo si Roland, pinagmasdan ang nobya.
Sabay binigyan ng isang mainit na halik. Halik na tumatagos sa buong pagkatao ni Eunice,, ang kanyang unang halik sa taong una niyang minahal.

Ikaw Pa RinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon