Chapter 4

56 0 0
                                    

Mitch:

Shock was an understatement nung nakita kong napahiga si Thunder sa sahig. And I was like in a panic mode nung pagtingin nya sakin is may sugat yung noo nya.

"Shet!" Sabi ko at parang naghy-hysterical ako. I dunno, hindi kasi ko sanay na may makitang nasasaktan sa harap ko. Especially na ako pa yung may kasalanan kung bakit sya nagkaganun.

"Okay ka lang ba?" Hawak nya yung kamay ko saka nya ko tinanong. Wait, confirm ko lang aa. Oo, tinanong po talaga ni Thunder kung okay lang ako. Seryoso ba sya? Eh sya nga tong nabagsakan. Naka drugs ba to?

"Ano ka ba? Eh ikaw nga tong nabagsakan ng mga libro oh? Halika nga" sabi ko at inalalayan ko sya pabalik sa may research table.

"Here" sabi ko sabay kuha ng band aid sa bag ko. May first aid kit kasi ko na nakastock lagi sakin ee.

"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko at medyo naiiyak na din ako. Naguguilty kasi ko to be honest.

"Okay lang ako, ikaw? Hindi ka ba nasaktan?" Tanong na naman nya.

"Oo. Okay lang ako" Sabi ko at napayakap ako sa kanya. I know its kinda awkward pero hindi ko alam kung paano sya macocomfort.

"Tara sa clinic?" Sabi ko at inalalayan ko syang tumayo.

Sabi nga sa DOTA. The damage has been done. Patay. Nabangasan ko yung mukha ni Thunder. Baka magwala ang public kasi may sugat yung noo ng Idol nila. Nye nye, ang corny.

Sobrang swabe nyang maglakad papuntang clinic kahit na may band aid sya sa noo. Ugh, hindi ba sya naaw-awkwardan? Seriously? Yung iba kasi naiinsecure na kapag may sugat or something sa mukha nila ee. Sya? Ayun. Parang walang nangyare.

"Thunder?" Out of nowhere nagulat ako kasi nakasalubong namin si Gwen. Yung Captain ng Cheerdance ng school.

"Hi," cool na bati ni Thunder

"Ano nangyare sa noo mo? Napaaway ka?" Tanong nya. Geez. Kinakabahan ako bigla. Baka mamaya sabihin nya na ako may kasalanan. Baka kinabukasan may death threat na agad ako sa school.

"Nope, just a little basketball accident. Pero okay naman ako. Punta ka na ng training? Ingat aa" sabi ni Thunder saka kami patuloy na naglakad papuntang Clinic

Ilang room na lang ang pagitan ng nagback out si Thunder. I mean, bakit biglang ayaw na nyang pumunta? Natakot ba sya? Ugh, whatever.

"Okay na pala ko, sa canteen na lang tayo. Nagugutom na din ako ee"  Sabi nya so pumunta kami sa canteen. Ako na din yung umorder ng makakain namin para at least makabawe ako sa kanya.

Kumakain kami at dun ko na din pinagpatuloy yung pagrereview ko. And then Thunder started this conversation again.

"Ehem" fake cough nya.

"What?" Tanong ko.

"Yung tanong ko kanina" pagsimula nya ng topic.

"What about that? And what if I say wala. Sanay na naman akong nagiisa, so nothing special about it" sagot ko. I hope this will make him stop. But hes not, here He go again.

"You know what, as I said. I can be your friend if you want to" Sabi nya.

"Your joking right? Is this some kind of a dare or something?" Tanong ko. I dont want to be a paranoid pero yun talaga pumapasok sa isip ko.

"Nope, Im serious" sagot nya.

"Look, I dont have any time for this bullshit aa? Sorry Thunder, can we move on? Pwede magreview na lang tayo?" Sabi ko na lang. Ayoko lang kasing mabadtrip

"Sa tingin mo ba sasanggahin ko yung mga encyclopedia na yun kung bullshit lang to?" Sagot nya. This time medyo nagkakainitan na kami.

"What? Dun ba nasusukat yun? Ganyan naman kayong mga lalaki diba? Magaling lang sa umpisa. Dont get me wrong Thunder. I know you, your profile, your story. I heard several stories about you and your friends. So please, kung ano man ang balak mo. Wag mo ng ituloy please?" Sabi ko na medyo naiiyak na ko.

"So jinudge mo ko dahil lang sa naririnig mo?" Medyo annoyed na sabi nya. Natahimik ako dun, I dunno. Naguilty ako na ewan. I know its kinda wrong to believe in rumors. Masyado kong naging judgemental na ata.

"Look," sabi ko na hindi ko maituloy. Tumutulo na kasi yung luha ko.

"Go ahead" sabi nya at hinayaan akong magsalita.

"Look, Mr. Torres. Im sorry, but I have trust issues when it comes to choosing my friends. Id rather be alone than to have a friends na walang ginawa kung di hilahin ako pababa, plastikin ako at lalapitan lang ako pag may kailangan. Thunder, it hurts me. A lot, feeling ko ang tanga tanga ko kasi hinahayaan nilang ganituhin nila ko" sabi ko at naiyak na talaga ko. Ayoko na talagang balikan yung past experience ko when it comes to my friends kuno.

"Alam mo, mas tanga sila kasi hinayaan nila na ganyanin na nila. Youre too special Mitch. Your personality really defines you. Wag mo silang intindihin. They dont deserve you. Besides, wag mong isipin na lahat ng tao sa paligid mo pare-pareho. Dont close your heart to accept new people in your life. Youre maybe broken. But your heart is not gone"  Sagot nya. Natigilan naman ako. He has a point.

"Look Mitch Lim. Im serious. Siguro pumapasok sa isip mo na kinakaibigan lang kita kasi sikat ako dito sa school. No. Dont use my profile in this place. Im just a normal student here." Sagot nya.

"Lumapit ka sakin kung gusto mo, hindi kita masisisi kung yun ang pumapasok sa isip mo. But I say to you, seryoso ko. Dont mind the awkwardness. Dont mind other people judgement. Youre different. Your unique. A campus nerd? Yea. But who cares? What will hurt them the most is kaibigan ko ang isang campus nerd kesa sa mga users na kagaya nila" Sabi nya saka tumayo.

"It was nice to meet you, anyway. I gonna go. Need to go to the gym for our training. Nice to meet you by the way" pahabol nya saka nagpaalam.

Natigilan ako.

Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Akala ko talaga medyo badboy image tong si Thunder ee, I guess Im so wrong. True enough, dont judge the book by its cover.

Pauwe na din ako ng bigla kong naalala na isosoli ko pala yung jersey ni Thunder sa kanya. Ugh. I feel awkward na tuloy. 

Pero nilakasan ko na lang yung loob ko para lapitan sya sa may gym and luckily, nakita ko syang nagpapahinga sa gilid ng bench.

"Hi," awkward na bati ko.

"Hi. Ano ginagawa mo dito?" Sabi nya habang nagpupunas ng pawis. Geez, ang hot nya sa ganung look nya. Shet

"Ah, ano kasi. Sosoli ko lang sana tong jersey  mo. Nakalimutan mo kasi kagabe. Ugh, nilabhan ko na yan" Sabi ko sabay abot sa kanya.

"Uy salamat. Pero wag mo ng isoli, sayo na yan. Souveneir." Sagot nya

"Ha?" Medyo naguguluhang tanong ko. Para naman akong die hard fan neto. Autograph ba? Baka kasi gusto nya papirmahan ko pa din ee.

"Friendship gift. Just a little token of our friendship"  sagot nya.

"Ah eh, salamat" yun na lang nasabi ko. May yayakap yakapin na naman ako. Charot

"Didisplay ko to sa kwarto ko. Haha" biro ko.

"Grabe sya," sabi nya na parang ewan, awkward siguro

Timeout kasi nila kaya kahit papano nakakapag kwentuhan kami.

Nung pumito na yung coach nila, senyales na back to game na. Pauwe na din sana ko kaso naginsist sya na hintayin ko na daw sya at sabay na kami umuwe. Since wala din naman akong gagawin. Edi go, papabebe pa ba ko?

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon