'Tell me its not the end'- Derrick Monasterio.
Mitch:
Its been 3 days since umalis si Jayson sa Mckinley. Aaminin ko, nahihirapan pa din akong mag adjust na wala sya. Nasanay na kasi ko na nakikita at nakakausap ko sya. Ngayon? Im back to the typical Mitch na invisible puff of smoke lang sa school. Im an outcast again. Though nandyan naman si Sean, pero madalas busy dun sa boylet nyang kasama.
And Thunder? Yea, were back to the strangers life again. Nagkakasalubong kami pero as much as possible, iniiwas ko yung mata ko sa kanya. Magka- group pa kami sa isang school project ee, and I dunno how I will manage to work with him, again. Wow, parang ang bitter na bitter ko no? Akala ko kasi naka move on na ko kay Thunder, hindi pa din pala.
"Hindi mo pa ba kakausapin si Thunder?" Tanong ni Coach Robin sakin one time nung nasa Faculty room ako at kausap si Mam. Gascabell.
"Why? Hindi pa din ba sila naguusap?" Tanong ni Mam.
"Hindi pa ata, ewan ko ba. Ano ba nangyayare sa team ko ngayon? Umalis si Jayson, tapos ngayon naman si Thunder. Parang walang ganang maglaro. Laging lutang sa training" kwento ni Coach Robin. Wow, kinokonsensya nya ba ko?
"Actually Sir, nagkausap na po kami." Sagot ko. Ready naman makinig si Mam. Gascabell sa ioopen kong confession.
"And?" Tanong ni Mam.
"Nakikipagbalikan po sya sakin ee" sagot ko.
"And? Pumayag ka ba?" Tanong nya ulet.
"Hindi na po Mam ee" sagot ko. Nakayuko na nga ako kasi hindi ko alam kung ano magiging reaksyon nila ee.
"Kaya pala, lutang ka din sa klase ko ee" sabi ni Mam. Napansin nya din pala yun.
"Hay naku, kayo talaga. Tignan nyo? Nadadamay pa yung pagaaral nyo oh?" Sabi ni Mam. Ayan, sinesermonan pa ata ako.
"Eh, wala na ba talagang pagasang makipagayos kayo ni Thunder? Kahit magkaibigan lang?" Tanong ni Coach Robin.
"Hindi ko naman po sinasarado ang puso ko sa kanya ee, mahal ko pa din naman po si Thunder Coach, kaso sa ngayon po. Ayoko pa po kasing, basta." Sasagot sana ko kaso binawe ko din. Tama ba yung nasabi ko?
"You said it, sayo na din mismo nanggaling. Youre still inlove with Thunder. Hahahaha" sabi nya na parang inaasar pa ko.
"Kausapin mo na sya, nasa gym sya ngayon. Magisa lang. Go na" sabi ni Coach at parang inuutusan pa ko. Ay wow aa, hindi pa nga ako ready ee.
"Go na Mitch, kausapin mo na sya. Alam ko naman na gusto mo na din syang makausap ee. Malay mo masagot nya yung mga tanong sa puso mo na matagal mo na gustong itanong sa kanya?" Sabi ni Mam. Gascabell.
•••
Labag man sa loob ko, pinuntahan ko pa din si Thunde kahit na nagdadalawang isip ako. Napaparanoid kasi ko sa mga posibleng mangyare, baka mamaya pagtabuyan na naman nya ko.
Erase. Erase. Erase
Bigla kong naalala kasi yung nangyare last year nung kinausap ko sya sa court. Aaminin ko, hindi pa din kasi naghihilom yung sugat sa puso ko galing sa masasakit na salitang narinig ko sa kanya noon. Lalo pa ngayon, baka kasi isipin nya na ako yung lumalayo na sa kanya tapos bigla bigla akong lalapit sa kanya. Ang gulo ko lang diba?
Naabutan ko sya na nakaupo at nagpapahinga dun sa may bench. Buti na lang may binili kong isang bottled water. Props lang talaga to. Peace offering? Nah. Ang lame.
"Thunder" tawag ko sabay abot sa kanya nung tubig.
Nakatingin lang sya sakin. Langya naman yung reaksyon nya, sinasabi ko na nga ba ee.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.