Chapter 40

28 0 0
                                    

Mitch:

"Jayson! Jayson!" Takot na takot na sigaw ko. Bigla kasi syang nawalan ng malay at bugbog sarado pa. May dugo pang nasa bibig nya. Ayokong pati sya mawala na din sakin.

"Mitch?! What happened!?" Mabuti na lang biglang dumating sila Coach Robin at Mam. Gascabell.

"Tara, dalhin natin sa clinic" sabi ni Coach Robin at saka binuhat si Jayson para dalhin sa clinic.

"Mitch? Ano nangyare? Bat ganyan ang itsura mo?" Tanong ni Mam. Gascabell kasi sobrang dugyot na itsura ko.

Kinwento ko sa kanya yung buong nangyare. Sinabi naman nya na agad daw papaaksyunan yung nangyare at papaimbestigahan.

"Coach, kamusta na po si Jayson?" Sabi ko nung biglang lumabas si Coach sa clinic.

"Hes okay." Sagot nya kaya pumasok agad ako sa clinic para kamustahin sya.

"Jayson!" Sabi ko at naiiyak na yumakap sa kanya.

"Hey, hey. Relax. Im okay" sagot nya at hawak nya yung kamay ko.

"Sorry, kasalanan ko lahat ng to ee" sabi ko at sinisisi sa sarile ko yung nangyare.

"Wala ka namang kasalanan ee" sagot nya at nakangiti pa. Bat ganun, bugbog sarado na nga ngumingiti pa. Ewan ko ba, kahit may pasa pa yung mukha nya ang cute pa din nya.

"Nagaalala talaga ko sayo ee" sabi ko na medyo naiiyak iyak na.

"Shhhhh. Okay nga lang ako" sabi nya at pinapatahan nya ko.

"Basta, kung aalis ka. Ituloy mo na. Wag mo nang hayaan na maabuso ka ulit nila" sabi nya in his most serious tone.

"Ipangako mo sakin na magiging masaya ka dun sa China. Susundan kita dun" sabi nya.

Naiiyak na talaga ko. Tama si Jayson, dapat na nga akong umalis dito. Mabuti na lang bukas makalawa na yung flight namin pa China.

"Do yourself a favor, i rebuild mo yung sarile mo. Sarile mo lang isipin mo. Wag mo na kong isipin. Kaya ko sarile ko." Sabi nya.

"Jayson naman ee" sabi ko, kasi naman ee. Nagdra drama pa.

"Susundan kita sa China. Pangako" sabi nya. And that is the last conversation namin ni Jayson bago ko umalis.

•••

Kinabukasan, bumalik ako ng school para kunin yung mga papers at records ko. Desidido na talaga kong umalis. At wala ng makakapigil sakin.

"Mitch, sure ka na ba talaga? Naexpel na si Jenna. Wala ng manggugulo sayo. Baka naman pwedeng wag ka na lang umalis" sabi ni Mam. Gascabell nung nagpapaalam na ko sa kanya.

"Im sorry Mam, pero hindi na po talaga mababago isip ko ee" sagot ko at niyakap nya ko. Napamahal na din kasi ko sa kanya at napamahal na din sya sakin.

"Okay. Mamimiss kita" sabi nya.

"Hindi ka ba magpapalam kay Thunder?" Tanong ni Coach Robin. Wow. Hindi nya nga pala alam.

"Hindi na po, pakisabi na lang po Goodluck sa mga games nyo" sagot ko. Sinabi ko talaga yun, may part pa din naman sakin na sinusuportahan ko si Thunder sa mga pangarap nya.

Palabas na ko ng school nang may nakasalubong akong dalawang bata. Si Spice at si Sugar.

"Ate Mitch!" Tawag ni Sugar

"Oh? Ano ginagawa nyo dito?" Tanong ko. Kunwari hindi ako naiiyak. Naiiyak na din kasi ko nung palabas na ko. Marami kasing masamang nangyare recently.

"Inaasikaso lang namin yung Suspension punishment kay Kuya" sagot ni Spice. So nasuspend pala si Thunder.

"Wala kayong pasok ate?" Tanong ni Sugar.

"Ha, ah eh. Ano kasi ee. Hindi na ko dito magaaral. Aalis na din ako. Pupunta na ko ng China" sagot ko. Medyo naiyak na ko kasi kahit papano na attach ako dito sa dalawang batang to.

"Eh paano na si kuya Ate?" Tanong ni Spice.

"Wala na kami ng kuya mo ee." Sagot ko at saka sinabi sa kanila yung mga nangyare. Alam ko parang mali pero karapatan nilang malaman yun. Baka sabihin nila nangiwan na lang ako ng basta basta.

"Pero ate, malay mo bumalik na alaala ni kuya?" Tanong ni Sugar.

"Edi mabuti, pakisabi na lang sa kanya na ingatan nya sarile nya aa? Wag syang magpapabaya sa pagaaral nya. At mahal na mahal ko sya" sagot ko. This time medyo humagulgol na talaga ko. Medyo nakakahiya nga kasi para kong nagpapaawa dun sa dalawang bata.

"Spice" tawag nung familiar na boses lalaki. Si Kuya Zander.

"Mitch?" Tawag nya. Hindi ko sya malingon kaya dumerecho na lang ako sa paglalakad.

"Mitch? Okay ka lang?" Habol ni Kuya Zander kaya napatigil ako at sumenyas ng 'okay' kahit na deep inside iyak na iyak na talaga ko. Goodbye Thunder, goodbye din po Torres Family. Napamahal na din po kayo sakin. Pasensya na po.

•••

Bukas yung flight namin pa China. Buti na lang nakapag book agad si Mama kaya urgent ay nairelease agad yung ticket namin. Alam na din ni Papa yung pagpunta ko ng China kahit na biglaan yun.

Inaayos ko na yung kwarto ko. Niligpit yung mga gamit ko at saka tinago yung mga ilang bagay na may sentimental value sakin.

Nilagay ko sa isang hindi kalakihanh box yung jersey ni Thunder, yung Jacket nya, yung smurf na binigay nya at si Baby ThunThun. Saka nilagay na din dun yung bracelet na binigay nya at yung kwintas nya na 'Letter T'.  Saka binilin kay Smokey na dalhin yun sa Mckinley at ibigay kay Thunder. This mark na kakalimutan ko na nga talaga sya. Kaya lahat ng bagay na magpapaalala sakin sa kanya, ay iiwanan ko na.

(Just a background about Mitch's Family)

Im a half chinese, and yung father ko is purong Chinese talaga. Masyadong complicated yung family tree namin at mahirap sya ipaliwanag, pero to be short.

Si Mama talaga yung unang minahal ni Papa. Nasa Pilipinas pa kasi nagaaral si Papa nung nagkakilala sila ni Mama. At kasal na sila nung bumalik sya sa China at pinagbubuntis na ko ni Mama nun. Sa kasamaang palad, nung bumalik pala si Papa sa China ay pinagkasundo sya sa isang anak ng business man. Since uso talaga sa China ang mga fixed marriage.

Nung umuwe si Papa at mga nasa 7 years old na ata ako nun, narinig ko silang nagaaway tungkol sa 'anak daw sa labas' at sa kabet daw ni Papa. Dun ko nalaman na pinagkasundo nga sya at yung asawa ni Papa na nasa china yung legal, kaya kami yung lumalabas na third party ganun.

Lately, nung umuwe si Papa kasama yung asawa nya. Nalaman namin ni hindi din nila kagustuhan yung kasalanang naganap at pawang napilitan lang din sila pareho. Dahil dun, naging maayos naman ang relasyon namin sa legal na asawa ni Papa. Saka hindi kami awkward sa kanila, kasi lahat ng yun ay bunga lang ng kanilang masalimuot na pamilya.

"Michie, you can go to China if you want to aa?" Sabi ni Papa nung bata pa ko at paalis na sila pabalik ng China.

"Yes papa" sagot ko.

(End of Flashback)

"Mitch, ano ready ka na ba?" Tanong ni Mama nung paalis na kami. 8am yung flight namin sa China pero 5am kami aalis ng bahay.

"Ready na ko Ma'" sagot ko at lumabas na ng kwarto ko.

"Sigurado ka na ba talaga?" Tanong ni Mama. Lagi nya sakin yung tinatanong pero wala ee, buo na talaga yung loob ko.

"Opo. Sigurado na ko" sagot ko kaya sumakay na kami sa inarkilang van ni Mama at pumunta muna kami sa Binondo para magpa bless at saka dumerecho sa airport.

Sana nga lang sa pagalis ko, isang bagong Mitch na ang makita ko.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon