Chapter 16

45 0 1
                                    

Mitch:

Good morning. Goodluck sa game mamaya. Ingat ka.

I reread the said message bago ko isend kay Thunder. Nakailang attempt ata ako bago ko maisipang isend yan. Putek, alam ko namang hindi magrereply yun ee. Saka hello? Akala ko ba iiwas ka muna sa kanya Mitch? Ang labo ko din ee no?

Nung nasa school na ko for second day ng IPriSA. Magkausap kami ni Mam. Gascabell tungkol nga sa Press conference next month. Nandun din si Coach Robin na jowa ni Mam na coach nila Thunder sa Basketball. And unexpectedly, sakto na dumating si Thunder at kausap si Coach.

"Goodluck mamaya Thunder" sabi ni Mam. Gascabell. Hindi naman ako makareact. Iba kasi yung Thunder na nasa harap ko ee, bat parang ang weird nya? Parang strangers lang kami?

"Thank you Mam" sagot naman ni Thunder. Umalis sila ni Coach Robin kaya naiwan kaming dalawa ni Mam. Gascabell ang naiwan.

"Diba youre friends with Thunder?" Tanong ni Mam. Wow, issue aa?

"Ugh, yes mam." Sagot ko.

"Kabado lang siguro kaya hindi ka napansin kanina." Sabi ni Mam. Sana nga ganun lang Mam ee, kaso hindi.

Sumakay ako sa bus na loner na loner ang peg ko. Like the usual thing, so sanay na din naman ako. I dunno, para tuloy gusto ko ng ibalik na lang yung dating image ko. Wearing a eyeglass at magbabasa ng libro kapag magisa lang ako. Ngayon kasi, para kong tanga dito.

May katabi kong freshmen ata to. Syempre hindi ko pinansin kung sino or kung ano itsura nya. But nung nasa kalagitnaan kami ng biyahe. Bigla nya kong kinausap.

"Ate" tawag nya sa atensyon ko.

"Huh?" Naguguluhang tanong ko.

"Kayo po yung Mitch diba?" Tanong nya, ang taray kilala ko.

"Oo, bakit?" Tanong ko.

"Namukhaan ko lang po kasi kayo. Saka lagi ko pong naririnig at nababasa yung pangalan nyo kapag may event sa school" sagot naman nya. Wow, na conscious naman ako.

"Ang galing nyo po pala" sabi nung katabi ko. Babae. Mukhang freshmen lang ee

"Ay, grabe. Thank you. Hindi naman masyado" pa humble ko na lang pero syempre kinikilig ako sa compliment nya.

"Sana po maging katulad nyo din ako" sabi nya.

"Ay, oo naman. Kaya mo yan. Magaral ka lang mabuti at magtiwala ka sa sarile mo" advice ko sa kanya.

"Opo" sagot nya.

"Ano nga ulet pangalan mo?" Tanong ko. Wow, dont talk to strangers diba?

"Mercy po" sagot nya

"Mercy, ano ba contest na sinalihan mo?" Tanong ko. At least hindi matutuyo ang laway ko kahit papano.

"Chess po saka sa Science quiz bee" sagot naman nya. Wow.

"Wow. Goodluck aa?" Sabi ko at nginitian ko sya. Somehow parang feeling ko nakikita ko yung sarile ko sa kanya. I dunno, I just remembered my freshmen year.

Naghiwalay din kami ni Mercy nung pagbaba namin ng bus. So magisa na naman ako, at lagi naman akong nagiisa. Oo na, ako na walang kasama. Yung mga kasama ko kumpol kumpol sila. Ako lang talaga tong mukhang ewan.

May 1 hour pa ko bago yung Essay writing na sasalihan ko. Wow no? Andami ko kasing contest na sinalihan kaya you know, wala ee. Nerd nga ee.

Pumunta muna ko sa cafeteria ng Adrenaline para kumain at tumambay kahit sandali. Aircon kasi yung place at maayos naman kaya hindi masyadong awkward kung magstay ako.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon