Thunder:
May naramdaman akong sakit dito sa puso ko. Hindi ko alam kung bakit pero halos masira ko na nga yung iPad ni Sugar at Spice sa nakita kong picture nila Mitch at Jayson. Aminado ko, dinapuan ako ng selos nung makita ko yun. Alam kong wala akong karapatan, but I cant help it. Mahal ko pa din kasi si Mitch.
"Kuya, akala ko ba magmo move on ka na? Si Ate Mitch nga nakamove on na oh?" Sabi ni Spice. She doesnt know what shes talking about. Akala nya ganun lang kadali yun. Bata pa kasi.
"Spice, kala mo naman madaling mag move on" sabi ni Sugar. Good, buti pa to nagkakaintindihan kami.
"Alam ko, pero hello? Diba ikaw naman may kasalanan kung bakit umalis si Ate Mitch?" Sabi ni Spice. Okay, nasaktan ako. Oo nga pala.
"Deserve naman sumaya ni Ate Mitch no? Kaya ikaw kuya, dapat magpakasaya ka na din" sabi ni Spice. Hindi ko alam pero nakatahimik lang ako. Ano ba dapat gawin ko?
"Pero theres always a room for second chances, pwede pa naman kausapin ni Kuya si Ate Mitch para makapag apologize diba?" Sabi ni Sugar. Wow, Thanks naman sa pa word of encouragement nya.
"Sabagay, pero see? Kita naman diba? Parang imposible na" sabi ni Spice at pinakita pa ulet samin ni Sugar yung picture. Pota ang sakit na.
Lumabas ako sandali para magpahangin. Naiiyak nga ako at napapansuntok na lang ako sa nananahimik na pine tree sa labas. Eto na naman, nagwawala na naman ako dahil kay Mitch.
Pagbalik ko sa loob, sakto nandun na si Kuya Zander at saka kinausap na naman ako. Kinwento siguro nila Spice yung about sa picture.
"Patingin nga? Sino ba yung tinutukoy nyo?" Tanong ni Kuya Zander kaya pinakita ni Spice yung picture nila Jayson at Mitch. Ayoko na ngang makita ee.
"Oh si Jayson yan aa?" Tanong ni Kuya. What the fck. Seryoso? Kilala ni Kuya si Jayson?
"Kilala mo kuya?" Tanong ko. Akala ko baka kakilala nya lang or what pero laking gulat ko kasi.
"Pinsan natin yan ee" sagot nya. Tarages
"Ha!?" Gulat nung dalawang bata.
"Pota. Seryoso ka ba!?" Tanong ko na gulat na gulat.
"Oo nga, hindi mo na ba maalala si Jayson? Si Jayjay? Tanda ko nung mga nakadiapers pa kayo kayo laging magkasama ee. Yung anak ni Tita Minerva? Huy! Kilala nyo ba mga kamaganak natin?" Sagot ni kuya. Pinsan ko si kumag? Paano nangyare yun? At what? Bata pa lang kami as in baby pa lang kami? Magkakilala na kami ni Jayson? Grabe naman yun.
"Si Tita Minerva kilala ko, diba sila yung nasa States?" Sabi ko. Kasama kasi sila ni Papa at Mama sa States dati. Sila Mama nasa New York sila Tita Minerva naman nasa New Jersey.
"Oo nga, sya nga. Eh nung mga bata pa kasi sila sa America sila nagstay kaya yun, hindi natin masyadong nakakasama" sabi ni Kuya. Medyo natigilan naman ako. What a small world isnt it?
"Natatandaan ko nga nung mga bata kayo, sobrang close na close kayo ni Jayson ee" sabi nya. Parang may naaalala nga akong baby picture na may kasama kong isang lalaki. Si Jayson pala yun.
Oo nga, dati close kami ni luko. Ngayon? Whatever. Pinsan ko ba talaga sya?
"Sya pala boyfriend ni Mitch." Sabi ni Kuya Zander habang chinecheck yung picture.
"Bagay sila" compliment pa nya. Wow, walang preno kuya?
"Hindi. Hindi nya boyfriend yan" sagot ko. Binigyan naman nila ko ng confused look.
"Selos ka?" Tanong ni Kuya
"Bat sya pa naging pinsan ko? Karibal ko sya sa Basketball? Pati ba naman kay Mitch?" Medyo asar na sabi ko.
Natahimik naman si kuya. Si Spice at Sugar parang hindi makapaniwala.
"Magkakilala na kayo kuya? Pero hindi nya alam na pinsan natin sya?" Tanong ni Spice. Oo nga no, alam nya din kaya na magpinsan kami?
•••
Patapos na yung bakasyon at nakauwe na din kami sa Manila. One week lang naman kami sa Baguio kaya halos sa bahay lang ako nag spend ng buong bakasyon. Lumalabas din ako minsan para mag basketball sa may court ng subdivision pero hanggang dun lang. Wala talaga kong balak lumabas at gumala.
Ang labas ko na lang ata eh yung enrollment na namin.
Napagpasyahan kasi ni Kuya na gusto din naman ni Spice na sa Mckinley na din sya mag High school. Hindi naman ako maka veto dahil wala na din naman akong magagawa.
Inenroll muna namin si Spice. Sinamahan sa Entrance exam para magbigay moral support at sinamahan din namin sa interview nya with the registrar. So far, success naman. Nakapasa naman yung bata. Kaya ako naman yung nagenroll. Si Kuya yung Financer kaya wala na din akong palag, wala ding kickback. Lol
Habang bumibili sila ng mga libro na gagamitin namin. Napagdesisyonan ko na pumunta muna sa basketball court ng school. Namiss ko din kasi dito. Sinabihan ko na din sila na dun na lang nila ko puntahan.
Nung papasok na ko ng gym. Nakita ko pa si Jayson Villanueva na naglalakad. Hutaena. Ano naman ginagawa nya dito? Nagshoot ako ng bola para madistract sya.
"Ikaw pala" sabi nya nung lumapit sya sakin. Patay malisya pa si luko. Hanggang ngayon talaga hindi ako makapaniwala na magpinsan kami.
"Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko. May pagka harsh nga yung tone ko ee. Badtrip kasi ko sa totoo lang. Sya na ba ang boyfriend ni Mitch?
Nasira lang yung paguusap namin nung biglang sumunod pala sakin sila Spice.
"Kuya? Omaygad!" Sabi nya sabay tinuturo si Jayson. Yung para syang nakakita ng multo na ewan.
"Sya. Sya. Sya. Sya yun!" Nakaturong sabi ni Spice. Yung mukha ni Jayson? Ayun. Hindi nya kasi alam kung bakit sya tinuturo ng kapatid ko.
"Kuya Jayson! Ikaw yung boyfriend ni Ate Mitch diba?" Tanong ni Spice. Oh great.
"Kilala mo ko? Teka teka. Ano, hindi ko girlfriend si Mitch" sagot naman ni luko. Upakan ko pa sya. Makita nya. Eh ano yung post ni Mitch?
"Saka yung kwintas nyo oh? Yung pinost ni Ate Mitch?" Sabi ni Spice.
"Ah, eto? Wala to." Sagot nya. Luko pala to ee. Ano? Paasa lang sya ganun?
"Saka bat kilala mo ko?" Tanong ni Jayson.
"Ikaw? Hindi mo ba kami nakikilala?" Tanong naman ni Kuya Zander.
"Hindi po ee" sagot nya.
"Hindi mo kami kilala Jayjay?" Tanong ni Kuya. Parang nagka idea naman tong si luko.
"Kuya Zander?" Tanong nya. Naniniguro pa.
"Di naalala mo" sagot nya.
"Mga kapatid ko, si Thunder saka si Spice saka si Sugar. Hindi mo na kasi naabutan sila Spice ee. Si Thunder lang" sabi ni Kuya. Okay. Gulat din si mokong.
"Magpinsan tayo!?" Gulat nya. Halata na ayaw nya.
"Sa ayaw at sa gusto mo. Oo" sagot ko.
"Hahahahaha. Wala bang hug at kiss dyan?" Asar ni kuya Zander.
"Nga pala Jayson? Kamusta ka na? Hows Tita?" Pangangamusta ni kuya.
"Were good. Dito din kasi nagaaral si Mercy ee, my younger sister. And dito na din ako mageenroll" sagot nya.
Medyo hindi ko madigest yung sinabi nya. Dito daw sya mageennroll? Well, prepare for a bloodbath, bro.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.