Chapter 21

34 0 0
                                    

Mitch:

Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Tama ba yung ginawa ko? Jusko. Bat naman sobrang affected ako ng ganito? Parang gusto ngang balikan si Jayson at saka bawiin yung sinabi ko. Kaso wala ee, nasabi ko na. Wala ng bawian.

Hays. Bat ba kasi naging dalawa pa silang naging mas matimbang sa puso ko? I mean, bat ganun? Si Jayson matagal ko ng crush bago pa kay Thunder. Pero bat nung naging close kami ni Thunder eh mas nahulog ako sa kanya ng bongga? True enough, iba pala talaga yung attraction lang kesa sa yung mas naattach ka sa kanya no? Nacute-an lang ako kay Jayson, Oo. Pero yung mga actions and gestures kasi ni Thunder. Ibang usapan na yun bes.

Hays. Bat ba kasi late ko ng nakilala si Jayson? At bakit ba kasi mas matimbang sakin si Thunder kahit na alam kong wala namang kasiguraduhan to? Hanggang bestfriend lang naman ako diba? Whats the sense diba? Wait. Hindi ako malande or what aa, Im just being real. Kasi love na yung usapan ee. Sobrang fragile ko pagdating sa mga ganito pero wala ee, nandyan na yan ee. I should embrace it whether I like it or not. Just like other says. You deserved to be happy.

Badtrip. Pero bat naman dalawa sila? Jusko Mitch? Bat hindi mo pa idamay yung buong ka team ni Thunder or nung mga ka team ni Jayson? Oh diba? The more entry the more chances of winning. Fck. What the hell.

Pabalik na ko ng quarters namin ng may humarang saking grupo ng mga babae. Si Jenna at yung kasama nyang maarteng babae. Fck. If Im not mistaken, ex girlfriend to ni Thunder.

"Hey you, Nerd girl" tawag nya sakin in her bitchesa tone.

"Bakit?" Tanong ko.

"Is that true? Ikaw na nga ba ang bagong girlfriend ni Thunder?!" Tanong nya. At hawak nya yung braso ko na parang nagsisimula sya ng away.

"Hindi" sagot ko tas tinanggal ko yung kamay nyang humihigpit ang pagkakahawak sakin.

"Good. Well, I guess Im done here. But anyway, just so you know. Keep your distance to him okay? Cause Ill win Thunder back." Sabi nya sakin. I dunno whats the reason of their break up but that is so pathetic. Sayang, maganda pa naman.

"Last. Kapag hindi ka lumayo sa kanya? Youll get what you want. And I assure you. Yun ang huling pagtapak mo dito sa school na to. Mark my words Nerd" sabi nya bago umalis.

"Come on girls" aya nya sa mga kasama nya.

"You know what, kung ako sayo. Lumayo ka kay Thunder. Hindi naman kayo bagay ee. Saka, just go to the library na lang. Then study, and study, and study. Until you die" sabi nung isang babaeng kaibigan ni Jenna. At nagtatawanan sila. Fck.

Medyo nabadtrip ako. Pakshet. Ano pa ba susunod na mangyayare ngayong araw na to? Ano ba tong pinasok ko? Nakakastress na ampota.

"Oh girl? Ano nangyare?" Tanong ni Sean nung nakita ko.

"Wala" sagot ko na lang.

"Wow, wala? Eh yung mukha mo pang byernes santo na? Te' wala kang maloloko dito" sabi nya.

So yun, inamin ko naman sa kanya na nagtapat nga sakin si Jayson. And yung pag decline ko sa panliligaw nya. Hinayang na hinayang pa nga ang gaga ee. Pero tama nga naman, ano nga naman ang sense ng paglapit ko pa kay Thunder? Kung buong school ata bibigyan ako ng death threat kasi ako yung sinasabi nilang girlfriend ni Thunder. Wow, kaibigan pa nga lang ee. Ganito na agad inaabot ko. Girlfriend pa kaya?

"Oh ano naman ang drama ni Jenna kanina? Magkausap kayo aa?" Nakita nya pala.

"Oo. Pinapalayo ako kay Thunder" sagot ko.

"How pathetic naman si ate girl, as far as I remember sya ang nakipag break kay Thunder dahil sa hindi ko alam na dahilan. Tas ngayon babawiin nya si Thunder sayo na parang walang nangyare? Eh hutaena pala nya ee" nabeastmode tong si Sean.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon