Mitch:
Eto na ata ang pinaka masayang parte ng bakasyon ko dito sa China. Unexpected kasi talaga yung pagpunta nila Mam. Gascabell at Jayson dito. Parang feeling ko tuloy nasa Pilipinas ulet ako, yun nga lang. Thunder Torres, asan ka po?
Aaminin ko, theres something in me na gusto kong makita si Thunder ngayon. Kung pwede nga lang, kaso hindi ee. Parang ang unfair naman nun para kay Jayson.
Oh, speaking of Jayson. Bat iba yung nararamdaman ko ngayon? May ibang 'saya' kong naramdaman nung nakita ko sya, at masasabi ko na mas lalo ko syang minahal. Wow, parang ang panget nung term. Tama ba? Is this the right time to forget Thunder and bigyan ko naman ng chance si Jayson?
Nah. So wrong. Very wrong mga bes.
Ayoko kasing gamitin lang sya na panakip butas lang. Bad move kasi, pero bahala na. Para kasing nakokonsensya ko kasi, ano ba? Basta. Todo exert na kasi sya ng effort nya ee.
"Nakapag move on ka na nga ba talaga kay Kuya Pogi?" Tanong ni Millen. Nagkaron kasi kami ng Pillow talk bago kami matulog ee.
"Move on ka dyan?" Kunwari patay malisya ko.
"Eh ano ba kasi si Jayson? Nanliligaw ba yun o bagong boyfriend mo?" Tanong na naman nya, kilala nya na din si Jayson. Wow lang.
"Magkaibigan lang kami" sagot ko.
"Kaibigan? Dont me te'." Sabi nya sabay hampas sakin ng unan. Instant pillow fight mga bes.
"Oo nga" sagot ko. As of now, friends pa din kami.
"Totoo?!" Asar nya sabay hampas na naman ng unan.
"Oo nga!" Sabi ko sabay ganti.
"Que manhid mo naman te'. Hindi mo pa ba nafefeel na nanliligaw sayo si Jayson?" Sabi nya sabay haltak ng buhok ko. Sadista naman dis girl.
"Aray!" Daing ko. Bakit ba kasi kailangang may sabunot pa?
"Ay, nasasaktan ka din pala no? Akala ko kasi manhid ka talaga ee" sabi na naman nya. Isa pa, nakakaasar na.
"Alam ko naman ee, nasa Pilipinas pa lang kami nanliligaw na sya" sagot ko. Wait, parang mali ata yun.
"Hutaena. Manhid ka nga ampota" sabi nya. Ayun, palamura talaga kami no?
"Oo na. Manhid na kung manhid" sagot ko na lang. Talo na ko ee.
"Jusko te'. Hanggang kailan mo naman paasahin si Jayson? Sayang, yung mga ganung lalaki hindi sinasayang yun te'. Hutaena, ilang anesthesia ba nalaklak mo at naging ganyan ka?" Panenermon nya. Ay wow, nilecturan ako.
"Ayoko lang gamitin sya" sagot ko.
"Eh sa ginagawa mo ngayon? Ano sa tingin mo? Hindi mo sya ginagamit? Ano ba? Gumising ka nga sa katotohanan. Dahil ba kay Thunder ba? Basta. Dahil ba dun sa lalaking yun?" Tanong nya.
"Oo" sagot ko.
"Bullshit. Provoke 10x. Hindi mabilang" sagot nya at napasuntok pa sa pader. Ako naman hinihilamos ko na mukha ko sa sobrang pressure.
"Buti hindi napapagod si Jayson no? Anong energy drink kaya nainom nya? Tatag nya din ee." Sabi naman ni Millen. Nagbiro pa nak ng teteng.
"Look. Ayoko kasing gawin syang panakip butas lang" paliwanag ko.
"Naiintindihan naman kita ee" sagot nya. Ay good.
"Kasi mahal mo pa din si Thunder. Eh hutaena, hindi mo pa ba nakita? May bago na sya. Eh ikaw? Aasa ka pa din sa kanya? Te. Wake up" sabi nya sabay slight sampal sakin.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.