Mitch:
Parang nag slow-mo yung oras nung nakita ko si Jayson. Hindi ko kasi mapaliwanag yung feeling ee. Parang may mga nahuhulog na mga bulaklak at may nagwawalang mga paro-paro sa tyan ko. Jusko. Bat ganito yung nararamdaman ko mga bes? Iba ee.
Looking at him, nagmature ng konti yung itsura nya. Medyo humaba, or should I say, kumapal yung buhok nya. Pero yung mukha nya is still the same Jayson na nagustuhan ko. I dunno, the same homogenous feeling na naramdaman ko kay Thunder. Parang feeling ko unti-unti na ata talagang napupunta kay Jayson.
"Mitch." Tawag nya. Medyo natulala talaga ko at bumalik lang ako sa reyalidad nung naramdaman kong yumakap sya sakin.
"I miss you" sabi nya. Bat ba ang hilig yumakap ni Jayson? Charot. Yumakap ako sa kanya ng mahigpit at mahigpit talaga pagkakakapit ko sa leeg nya.
"I miss you too" sabi ko at naiyak ako. Langya, kung makapag drama ko para kong long lost boyfriend tong si Jayson.
"So ano? Dito na lang magmomoment? Walang balak pumasok?" Medyo na distract kami nung nagsalita si Mama kaya umalis ako sa pagkakayakap kay Jayson at saka pinapasok yung mga special na bisita ko sa bahay.
"Ay Mam, welcome po kayo dito" sabi ni Mama kay Mam. Gascabell. Kilala kasi ni Mama si Mam dahil sa sobrang closeness namin sa school.
"Hi. Infairness aa, pati sa China nakadating ka" sabi ni Mama at tinapik pa sa balikat si Jayson. Medyo nakakahiya infer.
"Opo. Para po kay Mitch" sagot naman ni Jayson. Aaminin ko, may something sa sinagot nya. May substance ee, kinilig tuloy ako na hindi malaman.
"Ang sweet mo naman, mabuti ka pa" sabi ni Mama at parang pinapalabas na, ano ba? Basta. Parang feeling ko kinukumpara nya si Thunder kay Jayson. Ugh. What the hell.
Pinakilala ko din kay Papa sila Mam. Gascabell at Coach Robin. Sinabi ko na mga teacher ko sila sa Mckinley at saka si Jayson na din na 'kaibigan' ko. Yes, kaibigan.
"Ohh. Since youre my daughther's guest, Bakit hindi na lang kayo dito mag stay? Dito na lang kayo mag stay sa bahay namin instead na sa hotel" sabi ni Papa. Seryoso.
"Naku, nakakahiya naman po Sir" sabi ni Coach Robin
"Its okay, no problem. Feel at home" sabi ni Papa. Halata namang walang halong showbiz or echos yung pagkakasabi nya. Realtalk nga talaga.
May mga guest room kasi sa bahay nila Papa at dun nag stay sila Mam. Gascabell at isang kwarto naman kay Jayson.
"Michie, why dont you treat your guest? Why dont you give them a quick tour?" Sabi ni Papa at saka pinaready yung sasakyan para makapag tour kami. Seriously, ang yaman talaga nila Papa no? Travelling agency ba business nya? Sobra maka accomodate ee.
Nagtour kami sa ilang tourist spot dito sa China. Medyo may kalapitan din samin yung isang part ng Great Wall of China kaya pumunta din kami dun.
Bago kami magtour sa Great Wall. Kumain muna kami sa isang Chinese restaurant at kumain ng mga Chinese cuisines. Usually Pancit Shanghai, Dimsums at Soups lang yung kinain namin at roasted chicken. Its funny na sila Mam. Gascabell nga nagaaway pa sila ni Coach Robin kung sino mas magaling mag chopstick sa kanila ee. Kami naman ni Jayson, ayun. Nago- one on one kami kasi hirap syang gumamit ng chopstick. Hindi kasi uso ang spoon and fork dito.
Nung matapos kaming kumain. Napansin ko kasi na nakatingin sakin si Jayson nung nagaayos ako ng buhok ko. I dunno, natuwal lang ako since medyo humaba na din buhok nya.
"Bakit?" Nagtatakang tanong nya. Iba kasi yung ngiti ko kasi may iniisip akong ikakatutuwa nya.
"Oy!" Saway nya kasi ginugulo ko yung buhok nya at pinupusod ko sya. I mean, nilalagyan ko sya ng maliit na bun.
"Ayan! Bagay sayo!" Tuwang tuwang sabi ko kasi success ang plano. Napusodan ko si Jayson. Ang cute nya nga ee. Tinignan nya sa gamit ang front cam ng phone nya yung ginawa ko. Wala kasing tiwala ee.
"Oo na, bagay na. Salamat" sabi nya. See? Nagpasalamat pa. Its been a pleasure Jayson. Lol
Pagkatapos naming kumain, pumunta naman kami sa isang maliit na tindahan at namili ng mga souveneirs. Si Mam. Gascabell nga namamakyaw kasi ibibigay nya daw sa mga co-teachers nya. Si Jayson naman, pumipili ng mga kwintas.
"Ang cute oh?" Sabi nya sakin at pinakita yung kwintas na Yin Yang.
"Magkano?" Tanong ni Jayson sa tindera. Kunwari nasa Pilipinas ee no?
Ayun. Sinagot sya nung tindera. Mabuti naman medyo light lang ang Mandarin nya at keri pa namang intindihin. Ang sabi, yung kwintas daw na yun is parang couple necklace or whatsoever. Kasi kapag suot daw nila yun, hindi na daw sila maghihiwalay or chuva chenes. Yun kasi yung pagkakaintindi ko.
"Ill get this one" sabi ni Jayson at binili yung necklace. Sinuot ko yung part na puti at sya naman yung may suot ng itim.
"Perfect" sabi nung tindera at may slight palakpak pa. Langya, nakakapag english naman pala ee.
Nagpicture kami na suot namin yung necklace at nakaakbay ako kay Jayson at nakaakbay din sya sakin. Wala namang malisya yun sakin.
Nung ready na kami, naglakad na kami sa may Great Wall. Ang dami talagang pamahiin ng mga Chinese sa totoo lang. Ang sabi kasi, kung sino man yung kasama mo at narating nyo yung dulo ng Great Wall. Kayo na daw ang magkakatuluyan habang buhay. Wow diba?
Halos ginabe na kami sa paglalakad pero wala ee, napagpasyahan na lang namin nila Mam. Gascabell na wag ng paniwalaan yung kung ano mang paniniwala ng mga Chinese sa Great Wall.
"Uwe na tayo" aya ni Mam kaya umuwe na din kami.
Since gabi na, medyo malamig lamig na din kasi kaya hinubad ni Jayson yung jacket nya saka nya sinuot sakin. Luko talaga, edi sya naman ang nilamig. Ang nipis pa naman ng suot ng Vneck na shirt.
"Nakakapagod" sabi ko kasi sobrang sakit na ng paa ko kakalakad. Nagulat naman ako kasi biglang huminto si Jayson at saka nagbend.
"Pasan" utos nya. Syempre hindi na ko nagpabebe. Pumasan na ko. Tatanggihan ko pa ba yun?
Naenjoy naman namin ang pagtour sa China. Halata sa tawa nila Mam. Gascabell at Coach Robin yung saya nila sa paglilibot sa Great Wall.
"Nagenjoy ka ba?" Tanong ko kay Jayson.
"Oo naman" sagot nya.
"Kahit na Pasan mo ko?" Tanong ko. Nakakaconscious din kasi, tas suot ko pa jacket nya. Sobrang alaga naman ako ni bebe boy.
"Okay lang yun" sabi nya. Medyo natouch ako sa effort nya kaya dinikit ko na yung mukha ko sa buhok nya. Unconsciously, nakatulog na pala ko.
"I-I love you Jayson. Goodnight" bulong ko. Hala. Sleeptalker pala ko.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanficIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.