Mitch:
Its almost 8:30pm nung nakauwe kami sa bahay. Kaya kung kumabog na lang ang dibdib ko eh ganun na lang. For the first time kasi ngayon lang talaga ko uuwe ng bahay na sobrang late. Late na uwe ko ata yung may interview ko kay Thunder, eh eto? Wala naman akong curfew kay Mama. Sadyang ayaw nya lang akong lumalabas at umuuwe ng malalim na ang gabe. Only child lang kasi mga bes, kaya sobrang protective ni mudra.
Nilagay ko yung Piggy stuff toy sa bag nyang halos walang laman. Pag nakita kasi ni Mama yun alam kong iba na agad iisipin nun. Bago kami pumasok, nire rehearse ko na si Thunder sa mga sasabihin nya kapag ininterogate na sya ni Mama.
"May group project tayo, bumili tayo ng materials at gumawa sa bahay ng kaklase mo" sagot nya. Wait, redundant. Hindi kami magkaklase ni Thunder.
"Okay na yan. Hindi naman mahahalata ni Mama eh, unless sasabihin mo diba?" Sabi ko at saka kumatok sa gate. Pinagbuksan naman ako agad ni Mama.
"Ma, ano. Sorry kung nalate ako ng uwe" bungad ko. Nakatingin lang si Mama. Hindi sakin, kay Thunder.
"Ay good evening po" kunwari patay malisya tong si luko tas biglang nagmano kay Mama.
"Bat ka naman ginabeng bata ka aa? Saka sino yang kasama mo?" Tanong nya. Okay, kalma.
"Ano po, Ako po si Thunder tita. Schoolmate po ako ni Mitch, pasensya na po at ngayon lang kami umuwe. Nag mall po kasi kami sandali ee" swabeng sagot ni Thunder. Binigyan ko sya ng masamang tingin pero tuloy pa din sya sa pagpapaliwanag. Walangya, anyare sa usapan namin diba?
"Sorry po, kung gusto nyo po ako na lang pagalitan nyo. Wag na po si Mitch" sabi nya.
"Mall!?" Ayan na. Naprovoke na si Mama
"Mitch!?" Jusko, grounded na ko. Luko ka talaga Thunder!
"May dala ka bang extra? Pupunta punta kayong mall eh baka naman nagpalibre ka pa kay Pogi. Ano?" Sabi nya. Wait, what? Whats happening?
"Tara na nga, pumasok muna tayo. Pasok ka pogi" sabi ni Mama. So pumasok na nga kami. Goodvibes ba si Mama?
"Oh dali kwento mo pa Pogi. Ano naman ginawa nyo ni Mitch?" Sabi ni Mama na parang chismosa na nakikisagap ng balita.
"Ah kumain lang naman po kami. Yun lang po, tas bumili po ng school materials. May project po kami ee" sagot naman ni Thunder. I hope valid na yun kay Mama.
"Sus, okay lang naman. Ay iho, thank you sa paghatid kay Mitch ko aa? Ano nga ulet pangalan mo? Ikaw din yung kagabe diba?" Sabi ni Mama. So it seems that nadaan ba ni Thunder sa charms nya si Mama? Wow Thunder. Ang tinde mo. Iba Pogi problems mo
"Thunder po" sagot nya.
"Ah Thunder, thanks pogi. Paano? Hindi ka pa ba hinahanap sa inyo?" Sabi ni Mama. Good. About time ma, its about time.
"Ay opo. Hinatid ko lang po si Mitch para alam kong safe syang makakauwe" sagot nya.
"Sweet mo naman pogi. Salamat aa? Magiingat ka" sabi ni Mama. I decided na samahan na si Thunder palabas.
Nung nasa gate na kami, dun ko na sya tinulak at kinumpronta.
"Huy! Ano yun? Bat mo sinabi? Luko ka talaga" sabi ko na medyo naasar.
"Hindi naman nagalit Mama mo aa? OA ka lang" sagot nya.
"Sabi ko sabihin mo yung prinaktis mong linya kanina" sabi ko. Hindi kasi ko mapakali ee, baka mamaya pagalitan ako ni Mama pagalis nya.
"Hindi kasi ko sanay magsinungaleng" sagot nya. Oh great.
"Pag ako napagalitan, humanda ka talaga sakin!" Sabi ko saka inaamba yung kamao ko.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.