Chapter 6

56 0 0
                                    

Mitch:

Matapos naming kumain, nagpahinga muna kami dahil halos hindi na kami makatayo sa sobrang kabusugan. Walanghiya, I just found another food buddy. Jk. Kidding.

So ginawa na lang naming panghimagas yung pagkwekwentuhan muna habang nagpapababa ng kinain namin. Halos umikot lang naman yung usapan namin sa school stuffs. Nagkwento ko ng mga school activities ko, nagkwento sya ng sa basketball career nya. About sa family, interest, hobbies mga ganun. And then napunta na sa medyo deep topics.

"Nagka boyfriend ka na ba?" Tanong nya.

"Wow, walang preno koya?" Medyo pajoke na sabi ko.

"Hahaha. Sorry na, pero seryoso. May boyfriend ka na nga ba?"  Tanong nya ulet. Nangiinsulto ata to ee.

"Mukha bang may magkakagusto sakin? Look at me, sa tingin mo may magbabalak?" Sabi ko at talagang may pa kunwari mirror effect pa.

"Bakit? Maganda ka naman aa?" Sabi nya. Halos maibuga sa kanya yung iniinom kong natirang coke.

"Fck. Seryoso ka ba talaga?" Natatawang tanong ko.

"Oo kaya, konting ayos lang Mitch. Maganda ka." Sabi nya sabay ayos ng buhok ko. Yung inayos yung sa may tenga ko saka sya derechong tumingin sakin.

"Lakas ng tama mo ee no? Ganito ka ba kapag busog?" Tanong ko ulet. Joker din pala tong si Thunder no?

"Seryoso Mitch. Wag mong idown sarile mo, maganda ka nga." Sabi nya saka biglang tumabi sakin.

"Oh?" Medyo nagpanic ako, bat naman may paglipat talaga ng pwesto bes?

"Saka tanggalin mo na tong salamin mo. Kung si supergirl nga tinatanggal na yung salamin nya kapag nakikipag laban na ee" Sagot nya. Omagad beshie.

"Bakla ka ba?" Awkward na tanong ko.

"Gago mo!" Sagot nya so medyo napasampal ako sa pisngi nya.

"Sorry!" Sabi nya. Napa sorry din ako sa kanya. Pinagtinginan kami ng mga kalapit na table namin ee.

"Mukha ba kong bakla?" Tanong nya. Uy, na offend.

"Eh bat may supergirl ka pang nalalaman? Saka sa lahat ng lalaki ikaw lang nagsabing maganda ko. Gosh Thunder aa, kinakabahan ako sayo" Sabi ko na lang.

"Seryoso ka? Eh kung sabihin ko bang bakla ako? Tanggap mo pa ba ko?" Tanong nya. So, truelajen nga? Aww. Sayang na sayang bes.

"Oo naman, pero seryoso? Bakla ka nga? Omagad" sabi ko sa kanya.

"Joke lang! Naniwala ka naman!" Sagot nya.

"Defensive, wag kang magaalala. Tanggap naman kita ee. Okay lang yan, ang cool kaya ng may bestfriend na beki." Sagot ko.

"Bakit, sino ba bakla?" Sabi nya sabay hawak sa baba ko. At saktong palapit yung mukha nya sa mukha ko.

Nasa dulo kasi ko kaya medyo na corner nya ko sa pader. Napapikit na ko sa sobrang nerbyos. First kiss ko to if ever, tas sa beki pa?

"Huy!" Nagulat ako kasi nabalik na sya sa pwesto nya.

"Akala ko talaga hahalikan mo na ko. Shet" sabi ko sabay ayos ng sarile ko. Nakakahiya din kahit papano mga mamang.

"Sus, gusto mo din naman ee" sagot nya.

"Hoy! Dalagang Pilipina kaya ako." Sagot ko. Sya nga ee, whatever.

"Lalaki ko. Okay, lalaki. Gusto mo tayo na para patunayan ko sayo na lalaki ko ee" sagot nya at parang naghahamon pa.

"Okay na, lalaki ka na. Pero dont worry, safe sakin secret mo na ano ka." Sabi ko na lang.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon