Chapter 29

28 0 0
                                    

Mitch:

"What!? No way!"

"Seriously?"

"Omagad!? Seryoso?"

"Haba ng buhok nya aa?"

"Omaygad. Si Thunder nakipag away? Omaygad talaga"

Ilan lang yan sa mga line na naririnig ko sa commotion ng mga tao na nakasaksi sa nangyare.

"Jayson! Okay ka lang ba?" Tanong ko. Saka ko sya inalalayang tumayo. Si Thunder kasi, ayun badtrip na umalis. Galit din yun sakin. My god. Ganito pala kasamang magselos yung lalaking yun. Makakapatay talaga.

"Go ahead, talk to him" sabi ni Jayson.

"Ha?" Tanong ko. Syempre hindi muna, kailangan ko syang gamutin.

"Go ahead, okay lang ako Mitch. Talk to him. Im sorry" sabi nya. Lukong to, sya na nabugbog sya pa nagsorry.

Sinamahan ko sya hanggang sa clinic para gamutin yung sugat nya. Nagtetext nga sakin si Thunder kung nasan ako kaso hindi ko sinasagot. I just want to cool off muna. Nakakahiya pa din kasing lumabas gawa sa commotion ng mga tao kanina. Lagot ako neto.

Kinabukasan, nabalitaan ko na lang na suspended daw si Thunder ng dalawang araw dahil nga dun sa nangyare. Medyo napaginitan din ako ng school administration kasi nga ako yung dahilan kung bakit nagaway yung dalawa. Pero syempre, wala naman akong kinalaman dun. Labas na ko sa away lalaki nung dalawa kaya hindi ako nadamay. Pero ang isang malaking pagsubok lang sakin ang pumasok ngayong araw kahit na nakamamatay ang tinginan ng mga tao sa school.

Naglalakad ako papunta ng classroom namin ng magulat ako kasi may biglang sumampal sakin.

"How dare you!? Walanghiya ka? Ano ginawa mo kay Thunder at ikaw ang naging girlfriend nya!? Sinasabi ko na nga ba ee! Nagmamaang maangan ka pa aa!?" Sabi nya sabay sampal nya na naman. Kanina sa kaliwa ngayon naman sa kanan. Para balance nga naman daw. Langya

"Bakit!? Ano karapatan mo aa!? Ex ka na lang naman nya aa!?" Sagot ko pero hindi ko sya sinampal. Below the belt ba ang laban. Go ahead

"Youre so pathetic. Ano karapatan mong makipagbalikan sa kanya kung ikaw mismo eh iniwan mo sya? Ano karapatan mong hingin ang isang bagay na ikaw mismo hindi mo pinanindigan!?" Sabi ko. Syempre magpapaka kontrabida din ako.

Wala akong pakialam sa mga naririnig kong mga masasakit na salita sa commotion ng mga tao. As of now kailangan kong maging malakas. Kailangang hindi ako magpakita ng weakness ko.

"Jenna. As far as I know. Wala na kayo ni Thunder. Kaya pwede ba!? Tantanan mo na sya!" Sabi ko na kinatahimik naman nya. Wow, ganito pala feeling ng napapatameme mo yung kaaway mo no?

"How dare you!?" Sabi nya sabay sabunot sakin.

Buti na lang at inawat kami ng isang teacher. Syempre bilang alam nila na wala akong kasalanan. Hindi ako ang napagalitan at kungdi si Jenna.

Nung pagpasok ko naman sa room namin. Hindi ko alam kung masakit pa ba yung sampal ni Jenna o yung mga masasakit na salita na ng mga kaklase ko.

"Kaya naman pala nakatingin satin nung isang araw, girlfriend pala ni Torres si Mitch"

"Sya siguro dahilan kung bakit natalo sila Thunder"

"Paanong naging sila ni Thunder!? Ginayuma ata ee!"

"Ganda neto ee!"

"How to be you po!?"

Hindi ko na lang pinapansin pero deep inside nasasaktan na ko. Sabi ko na nga ba ee, may kapalit ang bawat kasiyahan mo. Nangyare na nga yung kinatatakutan ko. Yung araw na mawawala na sakin si Thunder.

Thunder:

Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag yung kasiyahan ko this past few days. Finally kasi, kami na ni Mitch. Akala ko pati sya mawawala pa sakin. I dont want to lose on both ways. Kay Mitch and sa basketball. Pero wala ee, naagaw sakin ni Jayson ang championship this year pero hindi si Mitch.

Aaminin ko, sobrang laki ng pinagbago matapos yung pagkatalo namin last IPriSA. Nawala na kasi yung limelight sakin. Parang useless na ko, ganun. Yung iba kasi parang nawalan na ng interest sakin. But who cares? Yung iba sinisisi ko or syempre buti nga hindi nila alam yung tungkol samin ni Mitch. Kungdi patay na, ayokong madamay sya sa issue na to. Shes to fragile para masaktan sa mga maririnig nyang pangbabackstub sakin. True enough, tama sya.  Now I really understand her trust issues. Madami nga talaga na ginagamit ka lang.

But still, thanks to my friends and teammates na hanggang ngayon nandyan pa din sa tabi ko at hindi ako iniiwan kahit na yung iba eh wala ng ano ba tawag dun, basta. Unti unti ng nawawala yung popularity ko dito sa school. Pero okay lang naman, I deserved to be free sometimes.

"Basta, ikaw wag kang mawawala aa?" Sabi ko kay Mitch. I mean, lagi kong sinasabi kay Mitch. Unti unti na kasing nawawala sakin yung mga bagay na mahalaga sakin. Ayokong pati sya mawala din. Minsan nga parang ang morbid ko na ee.

"Hindi kita iiwanan, promise. Dito lang ako. Ipaglalaban kita" sabi ko nung magkayakap kami nung isang gabe. That night kasi naiiyak na sya at gusto nya na din daw na putulin na namin yung relasyon namin. Nasaktan ako, oo. Pero syempre. Handa ko syang ipaglaban. Mamatay man ako.

"Ako yung Superman mo. Ako lagi magliligtas sayo kapag kailangan mo ko" ang corny no? Wala ee. Gusto ko kasi ako yung knight in a shining armor nya. Ako lang yung lalaking may karapatang lumapit at magalaga sa kanya. Ako lang, selfish na kung selfish.

Kaya ultimo si Jayson nabugbog ko nung pumunta sya sa school. Hindi ko kasi alam kung bakit sya nandun at kausap nya si Mitch. Nung una, hindi ko pa pinapansin kasi may tiwala naman ako kay Mitch. Alam ko naman na akin lang sya, eh nung nakita ko na yumakap si Jayson sa kanya. Eh ibang usapan na yun. Lumapit talaga ko at saka sya sinapak at binigyan ng leksyon.

Oo, aminado ko na nasaktan ko si Jayson. Wala ee, as I said. Masama talaga kong magselos. Minsan talaga kapag hindi ko napipigilan yung pagiging aggresive ko napapasama talaga ko ee. At nadadamay ko na yung iba at nasisira yung sarili ko. Suspended kasi ko ng dalawang araw sa school. House discipline. Ngayon lang to aa? Ngayon lang talaga in my student life.

Magkausap nga kami ni Mitch that night. Nagsorry naman ako. Kasi alam ko nabroadcast na sa buong Mckinley yung tungkol sa relasyon namin. Alam kong mapapasama sya kaya sobrang kinakabahan din ako. What have you done Thunder? Sobrang tanga mo.

"Basta wag ka na ulet makikipag basag ulo aa? Dont worry. Kapag may nakipag away sakin hindi ko papatulan" sagot nya sakin.

"Oo na. Hindi na ko makikipag basag ulo. Sorry na ulet" sagot ko.

"Walang iwanan diba? Walang sukuan. Ipaglalaban din kita Thunder." Sabi nya. Medyo naiyak nga ako ee. Thats my girl.

"Oo. Walang iwanan to aa?" Sabi ko.

"Promise?" Pagaassure nya.

"Promise" sagot ko.

•••

But yea, promises are meant to be broken.

Kinabukasan, sobrang paranoid ko talaga sa sobrang pagaalala kay Mitch. Kaya tumakas ako sa bahay para puntahan sya sa school. Alam ko violation na naman to kaya wala na kong pakialam, garapalan na to. Lubos lubusin ko na kung kinakailangan.

Palihim akong umalis ng bahay at bilang hindi ko dala yung kotse ko. Napilitan akong mag commute. Medyo traffic dun sa may paliko papuntang school kaya napilitan na kong lakarin ko na. Nung pagbaba ko hawak ko kasi yung phone ko para itext sya para kuntsabahin kaso sa kasamaang palad, nasnatchan ako.

Hinabol ko yung snatcher, kung phone lang okay lang ee. Eh kaso yung mga memories ko kasi with Mitch. Nandun, kaya hinabol ko talaga.

Nung maabutan ko na yung nagsnatch. Lumiko kasi sya sa isang eskinita at yung paglabas ko naman sa eskinitang yun, eh highway na yung nalabasan ko.

Nasagasaan ako ng mabilis na SUV. Tumalsik ako. Nawalan ng malay

~>
Heavy drama parts coming. Lol 😂
Hi alexxzanana

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon