Chapter 17

50 0 0
                                        

Mitch:

"Omagad! Ano nangyare kay fafa Thunder ko!?"

"Shocks! Si Thunder!"

"Shet! Naninjured yung baby ko!"

Ilan lang yun sa mga lines na naririnig ko sa crowd. Ako naman, ewan ko ba. Naging estatwa ko sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Hindi ko alam kung sino ang una kong lalapitan. Hindi ko alam kung sino ang una kong kakamustahin. Parehas kasi silang matimbang sa puso ko. Shet. Ano ba tong pinasok ko?

Okay. Mas matimbang si Thunder. Oo, tama yun. Mas matimbang si Thunder sakin kesa kay Jayson. Hindi na bago yun. Pero kasi, bakit ganun? Para kasing mali na magkagusto ko kay Thunder? Dahil ba sa hindi na naging maganda yung pinagsamahan namin, or dahil lang sa sobrang pabebe ko. Shet. Ano ba talaga Mitch? Ikaw ang gumagawa ng sarile mong problema at stress. Aru jusko, bakit naman kasi kailangan pa na dalawa silang nagustuhan ko.

"Foul yun! Pero si Thunder yung nangbunggo" sabi nung isang taga Mckinley. Teka, bat parang ang against kay Thunder? Eh sya nga yung namimilipit sa sakit?

"Saka nagkakainitan talaga sila nung Villanueva ee. Halata naman" sabi naman nung isang boses. Wait, feeling ko parang may mali.

"Parang sinadya ni Thunder yung pagsangga nya kay Villanueva ee. Pansin ko lang" sabi nung isang babae. Hindi ko alam kung sino paniniwalaan ko. May kanya kanya silang opinyon, pero bilang Bestfriend ni Thunder. Parang feeling ko mali na pagusapan nila yung ganung bagay. Medyo affected pa din naman ako. Pero seeing Jayson kasi, parang halata ngang sya nga yung napagbuntungan ng kung ano mang inis ni Thunder. Nakahawak kasi sya sa balikat nya ee. Napilayan ata.

Nung nilabas na nila si Thunder sa court at pinagpatuloy yung game. I dunno whats gone in me at pumunta ko sa baba para tignan si Jayson. I mean, to be fair. Gusto kong puntahan si Thunder muna kaso natatakot ako. Hindi ko kasi alam yung magiging reaksyon nya kung sakali.

"Jayson" tawag ko.

"Mi-Mitch?" Gulat nya. Pero sya naman, ayun. Nakita nya ko pero tinalikuran nya din ako.

Hinabol ko sya pero sa kasamaang palad, hinarang ako nung isang ka team nya.

"Bakit? Ano kailangan mo kay Jayson?" Tanong nung lalaki

"Gusto ko lang syang kausapin" sagot ko.

"Taga Mckinley ka diba?" Tanong nya. Iniisip nya ata na nageespiya ko or what.

"Oo. Pero kuya, please. Kailangan ko lang makausap si Jayson" pakiusap ko.

"Sige na, okay na. Iwan mo na kami" biglang bumalik si Jayson at pinaalis yung humarang sakin.

"Jayson" hindi ko alam kung paano ko sisimulan

"Anong nangyare?" Tanong ko at hahawakan ko sana yung balikat nya kaso pinigilan nya ko. Siguro kako baka masakit kung sakaling hawakan ko pero parang mas masakit pala yung pakikitungo nya sakin ngayon.

"Diba dapat yung bestfriend mo yung una mong nilalapitan?" Tanong nya. Hindi ako makasagot. Parang iba kasi yung tone ng pagkakasabi nya.

"Ano ba nangyare?" Tanong ko.

"Hindi dapat ako yung tinatanong mo nyan. Si Thunder. Sya mas makakasagot para malinawan ka" sagot nya.

Teka, bat ganun? Parang iba yung pumapasok sa isip ko. Ewan, morbid lang ba ko?

Naputol yung usapan namin nung biglang dumating si Coach Robin at naabutan na naguusap kami ni Jayson.

"Mitch? What are you doing here?" Tanong nya

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon