Chapter 12

33 0 0
                                    

Mitch:

Hindi ko alam kung ano nangyare kay Thunder. Iniwan nya kasi ko out of nowhere paglabas namin nung cafe. May mood swings ba sya? My god, ano ba nangyare sa lukong yun? Basta basta na lang mangiiwan, di bale. Sanay na naman akong maiwan.

Bumalik na din ako sa school dahil alam kong cutting na tong ginagawa ko. Bumalik ako sa library sa pagaakalang bumalik din dun si Thunder kaso wala, syempre given na yun. Nasa basketball court na naman siguro. Hayaan ko na nga lang, at least safe ako kahit papano kung sakaling magpatuloy yung mga dares nya. Hays, sana makalimutan nya na yun.

Lunch break.

Pumunta ko sa cafeteria para bumili ng makakain ko. Since hindi naman ako nakakain sa dessert cafe kanina, badtrip kasi. Bumibili ko ng rice meal ng may biglang humarang sakin. Yung isa kasi familiar kaya nakilala ko agad. Sila yung mga kateam ni Thunder.

"Si Captain?" Tanong nung isa.

"Ha? Hindi nyo ba kasama? Wala sya ee. Hindi ko na kasama" sagot ko. Akala ko naman magkakasama sila.

"San naman kaya pupunta yun?" Tanong naman nung isa na may pagtataka.

"Nandyan lang yun" sabi ko na lang at iniwan na sila.

Weird, asan naman kaya tong si Thunder? Yung lukong yun nagiinarte pa ee. Pabebe ampota.

Nagdalawang isip pa ko kung ite-text ko ba sya or what. Medyo nagaalala din kasi ko. Para kasing iba yung kinikilos nya kanina. Weird, just weird. Akala ko mga babae lang ang nagaabnormal kapag may period. Tsss, bakla talaga.

Umabot yung hapon na hindi ko pa din sya nakikita. Since friday, shortened period kami ngayon kaya maaga uwian namin. Next week na yung IPriSA kaya medyo pressured- pressured na ko. Tek, asan na ba si Thunder?

Wait nga, fck. Bat ba hinahanap ko pa sya? Wag hanapin ang wala diba? Bahala sya.

•••

Monday na nung nakita ko ulet si Thunder. IPriSA Day 1.

Maaga kaming pumunta sa school para sa assembly tapos may konting orientation about sa schedule and activities mga ganun. May konting prayer vigil din para at least may blessing bago kami pumunta sa Adrenaline High School. Dun kasi gaganapin yung school competition.

Paakyat na sana ko ng bus ng nagkasalubong ang landas namin ni Thunder. Nagkagulatan pa nga kami ee.

"Tabi na tayo" sabi nya so magkatabi kami sa bus.

Awkward as in awkward akong tumabi kay Thunder sa bus. Hindi ko alam, this time kasi hindi nya ko kinakausap. As in, nakayuko lang kasi sya tas nakapikit pa. May mga time na tinitignan ko sya habang natutulog, nye. Natutulog? Eh, basta. Ang amo ng mukha nya bes. Naconscious nga ako kasi ang kinis ng balat nya ee. Immune ata sa pimples to. Saka ang haba ng pilikmata nya, tinalo ko. At ang kilay bes, uhmmm. Ang kapal. Nakakaturn on talaga.

I dunno. Something urges me para picture-an sya. So bilang nasa dulo kami, walang masyadong nakakakita kaya may guts ako kahit papano. Eh walangya naman yung shutter ng camera bes. May sounds na, may flash pa. Mapapa hutaena ka na lang. Edi syempre nagising si koya.

Napapikit na ko sa sobrang pagka awkward. Hutaena talaga. Tek, nakatingin sya sakin. Feel ko, feel ko talaga.

"Pinipicturan mo ba ko?" Tanong nya

"Ha? Hindi. Napindot ko lang, nag gho-ghost touch kasi talaga minsan tong phone ko ee"  medyo nagsstummer na boses ko. Oo Mitch, halatang guilty ka.

"Sus. Akin na nga" sabi nya sabay nag selfie sa phone ko. Gising na ata ee, lakas na ng confidence ee. Bumalik na yung yabang. Mukhang wala ng PMS.

"Gawin mong wallpaper aa?" Sabi nya saka binalik sakin yung phone. Wow, iwa wallpaper ko mukha nya? Bakit? Boyfriend kita? Boyfriend kita?

Nung nakadating kami sa mismong venue. Sabay din kaming bumaba ni Thunder at nakahawak sya sa kamay ko. Take note, sa kamay ko. HHWW kami bes. Wait lang, nung huling pagkikita namin iniwan nya ko. Ngayon? May pa holding hands pa tong si luko? Abnormal ba to?

Hanggang sa quarters magkatabi kami. Magkaholding hands at nakaakbay sya sakin. Hindi ako sanay na umaakbay sya sakin pero I dunno, I feel safer in his arms.

"Wag mo silang pansinin" sabi ni Thunder. Wow, nabasa nya ata isip ko. Sobrang awkward na talaga ko. Realtalk.

Pati sa assembly ng mga schools magkatabi kami. Nasa dulo kami tapos hawak na naman nya yung kamay ko. This time naka cross hands talaga at nakapatong pa sa hita nya. My god, bat biglang naging clingy to? Oy, hindi ko sya boyfriend aa. Pero bat may ganito bes?

Sa welcoming remarks, nagbigay lang ng mga rules and tips sa contest. Yung schedule and yung directory. So naka schedule yung Math quiz ko sa may building sa likod ng Activity area.

And unexpectedly, si Thunder yung naging escort ko papunta sa nasabing classroom para sa Math quiz. Naka holding hands while walking pa din kami. Dala nya bag ko at prenteng naglalakad na parang nilalakad nya lang yung aso nya sa park.

"Ui, Pogi alert"

"Mckinley High? Omagad, ang gwapo"

"Jawdropping. Wow, ang pogi nya"

"Sex god. Shet. Akin ka na lang babe"

Some of the lines na naririnig ko sa mga malalandeng babae from other schools. Si Thunder? Ayun, cool lang na naglalakad. Nginingitian nya pa nga yung mga babaeng nakakasalubong namin ee. Tek, nagseselos naman ako. Ugh. Negative, bat naman ako magseselos? Kami ba?

"Thank you, ugh. Goodluck sa basketball game nyo mamaya" sabi ko nung nakarating na kami sa mismong room. Medyo early bird ako kaya wala pa masyadong tao bukod samin ni Thunder

"Thank you, ikaw din. Goodluck." Sabi nya sabay hawak sa buhok ko at saka ginulo. Nagmukha tuloy akong bata.

"Ugh, wala bang pangpa bwenas dyan?" Sabi nya.

"Ha?" Naguguluhang tanong ko.

Sumenyas naman ng kiss sa cheeks si luko.

"Ayan oh, ikiss-kiss mo dyan sa pader" asar ko. Aba, pabebe ampota.

"Damot naman. Isa lang" sabi nya.

"Eh! Ayoko nga" sabi ko. Ayun, nabadtrip na naman sya. Ayan na naman sya, nagkasalubong na naman yung kilay nya. Mukha na naman syang angry birds.

Tumalikod na sya para umalis nung hinawakan ko yung likod nya at saka pasimpleng humalik sa pisngi nya.

"Happy?" Tanong ko

Nanigas naman ang luko. Kinilig ata. Halikan ba naman ng dyosa ee?

"Isa pa nga" request pa nya.

"Eto" sabi ko sabay amba ng kamao ko.

"Hahaha. Thank you. Hahahahahaha" tuwang tuwa sya oh?

"Wait. Sandali" sabi nya sabay lumapit ulet sakin.

"Lucky charm" sabi nya saka sya nagsuot ng isang bracelet sa kamay ko.

"Ang cute, thank you" sabi ko. Syempre kinikilig ako. Nuba?

Iniwan na din ako ni Thunder nung nagsimulang magsidatingan yung mga makakalaban ko.

At nagsimula na nga yung Math quiz.  150 items. 1 hour lang yung alloted time. Mukhang masunget nga yung nagbabantay ee. So yun, start na.

Let the battle, begins! Thanks sa pakilig effect ni Thunder. At least, inspired kahit papano.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon