Mitch:
"Mahal na mahal pa din kita Mitch, ikaw lang. Ikaw lang iniisip ko gabe gabe. Ikaw lang babaeng nasa puso ko. Wala akong ibang inisip kung di ikaw, kung paano ko makikipagbalikan sayo" sabi ni Thunder habang mahigpit na nakayakap sakin.
"Patawarin mo ko. Sa mga nasabi ko, sa mga nagawa ko. Patawarin mo ko" sabi nya at umiiyak talaga sya sa harapan ko.
Naiiyak na din ako.
Parang bigla kasing nagshift yung feelings ko real quick.
"Mahal pa din naman kita ee" sabi ko. Naiiyak ako kasi totoo yun.
Pagkasabi ko nun, nagulat ako kasi bigla nya kong hinalikan sa labi. As in, kissing in the rain ang peg namin. And I dont know whats gone in me at gumanti ko sa halik nyang yun. Just when I realize it was wrong. Agad agad kong tinulak sya at bumitaw sa pagkakayakap nya.
"Mali. Mali, mali to" sabi ko at pinupunasan ko pa yung labi ko, wow. Para namang mabubura at may magbabago, nahalikan ko na si Thunder.
"Anong mali dun? Mahal mo pa ko diba? Ano mali dun?" Tanong nya.
"Oo, mahal pa kita Thunder. Pero Im with Jayson and masaya na ko ngayon. Im sorry" sabi ko at naglakad pabalik. Mga dalawang hakbang pa lang nagagawa ko kaso natigilan ako kasi nagsalita sya.
"Okay, sorry. Sana maging masaya kayo" sabi nya at naglakad na paalis. Wala na kong guts na habulin sya, wala na. As in hinayaan ko na lang na mawala sya sa paningin ko habang naglalakad palayo.
So yea, its a closure though. Goodbye Thunder Torres
•••
Kinabukasan.
Kinakabahan akong pumasok sa school. And honestly, hindi ko alam kung paano ko haharapin si Thunder. At syempre, paano ko sasabihin kay Jayson yung nangyare?
"May problema ba?" Tanong ni Jayson nung nakatulala lang ako sa kanya. Magkasama kasi kami sa canteen ee. Pero hindi naman ako kumakain, iniisip ko lang yung nangyare kagabe.
I should be open kay Jayson. Diba ganun naman dapat? I love him, kaya dapat, ano ba? Sasabihin ko ba?
Tinignan nya lang ako habang naka cross arms sya. Alam ko yung mga tingin nyang yun, ibig sabihin lang nun sabihin ko na yung gusto kong sabihin.
"Open dapat ako sayo diba? Pero hindi ko kasi alam kung paano ko sayo sasabihin, alam kong masasaktan ka lang ee" sabi ko.
"Kaya wag mo na lang pansinin" dagdag ko at nagsimula ng kumain. I hope it will divert the topic pero hindi.
"Is this about Thunder?" Tanong nya. Nabitawan ko yung kutsara at tinidor.
"Yes" sagot ko. Alam ko galit na sya or what.
"Pinuntahan nya ko kagabe sa bahay" panimula ko ng kwento
"And?" Tanong nya. Fck. Paano ko ba sasabihin?
"Wala, forget it" sabi ko na lang.
"Hes still trying to win me back." Ayun, hindi ko din napigilang hindi sabihin sa kanya.
"Okay. Ano sagot mo?" Tanong nya.
"No. Kasi sayo na ko. May Jayson Villanueva na ko" sabi ko at hawak ko yung pisngi nya.
"You still love him, right?" Tanong nya.
Natigilan ako.
Eto na naman tayo sa ganitong feeling.
"Do yourself a favor Mitch." Sabi ni Jayson at hawak yung kamay ko.
"Choose to be happy" sabi nya at tinignan ko ng mata sa mata.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanficIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.