Chapter 39

29 0 0
                                    

Thunder:

Dinala namin si Mitch sa clinic. Labag man sa loob ko yun, ginawa ko pa din. Alam kong magagalit sakin si Jenna kung sakali pero wala akong pakialam. Ewan. Bahala na. Ako na lang magpapaliwanag.

Hindi ko alam kung bakit bigla ko syang tinulungan. Supposed to be galit nga dapat ako sa kanya pero wala ee. Hindi naman kasi  talaga ko siguro ganung kasama.

May nag urge sakin na puntahan sya sa clinic nung nakapagpalit na ko ng damit. Badtrip nga kasi wala akong dalang extranf uniform sa locker kaya yung PE uniform ko na lang. Bumalik ako sa clinic na may malay na sya.

"Ikaw yung dahilan kung bakit ako naaksidente!" Puro panunumbat lang yung sinabi ko. Ewan ko, ngayon lang ako nagka guts na kumprontahin sya.

Shes still claiming na sya daw yung girlfriend ko. Nababaliw na nga ata tong babaeng to. Seriously, I dont even remember dating her tapos girlfriend ko pa? Thats gross.

Sinabi ko na lang sa kanya na lumayo na sya samin ni Jenna. At ayoko na din syang makita. Realtalk. The more na nandito pa sya baka kasi hindi ko din mapigilan yung sarile ko at baka ako hindi ko din alam ang magawa ko sa kanya sa galit ko. Padabog akong lumabas ng clinic. Pasalamat nga sya babae sya kungdi, ugh nevermind. Hindi talaga ko pumapatol sa babae.

Dumerecho ko sa basketball court at saka nag drills magisa. Badtrip nga kasi sobrang fail ng mga ginagawa ko. Hindi kasi ko makashoot kasi kung ano ano yung pumapasok sa isip ko. Dati naman lagi akong nakakashoot aa? Tss. Theres something nga ata talaga dun sa babaeng yun. Malas? Ugh. Whatever it is. Basta

Napahiga na lang ako sa court sa sobrang inis ko at sinasabunutan yung sarile ko. Damnit. Bat ba kasi nagka amnesia pa ko?

"Thunder" tawag nung familiar na boses. Si Mitch

Sinundan na naman nya ko. Badtrip. Ano ba problema nya? Tanga ba sya o ano? Sinabi na nga na ayaw ko na syang makita sya pa tong lumalapit. Baliw na nga ata talaga to. Naturingang matalino ee. Tsss

"Ano na naman ba drama mo?" Tanong ko.

Kinausap nya ko at sinabi na aalis na nga daw sya at pupunta na ng China. Wow, good thing. Nakakaintindi naman pala sya.

"Kung aalis ka, umalis ka na. Wala namang pipigil sayo ee" sabi ko. Harsh ba?

Niyakap nya pa nga ako bago sya lumayo sakin. Naitulak ko pa nga ee. Like seriously? Bakit kailangan nya pa kong yakapin? Nakakadiri.

•••

Its been a week since hindi na nga ako nilalapitan o ginugulo ni Mitch. Kapag kasi nakikita nya kami ni Jenna sya na din mismo yung lumalayo o umiiwas. Ang alam ko hindi na nga din sya pumapasok sa klase nila gawa ng nagrereview lang sya sa library para sa contest daw na sasalihan nya.

Hindi ko alam kung bakit pero may nakita kasi kong lalaking kasama nya, taga ibang school ee. Familiar sakin yung lalaki at parang nakita ko na before. Hindi ko lang maaalala. Parang natandaan ko lang na kalaban ko lang ata sa basketball. Pero hanggang dun lang.

Hanggang sa dumating yung araw ng biernes. Wala daw si Mitch kasi nga may Math quiz daw sa ibang school. Hindi ko naman talaga alam yun kaso narinig ko lang sa usapan nila Jenna.

"Girls, balita ko nananalo daw sila Mitch" sabi nya.

"And?" Tanong nung isang kaibigan nya.

"Im planning a surprise party for her" sabi nya na natatawa.

"Surprise party? Seriously? Akala ko ba galit ka sa kanya girl?" Tanong nung isang kaibigan nya.

"Yes. But this one is a disaster party. Im gonna make her life a taste of hell. Making it her most embarassing moment. Baka nga yun pa dahilan para magdrop at umalis na sya sa Mckinley ee" sagot ni Jenna. Hindi na lang ako kumikibo.

"As I said girls. You know it right?" Sabi ni Jenna at nagaappear sila ng mga kaibigan nya. Whatever. Hindi ko na lang sila pinansin. Girls talk. Hayaan mo na sila.

Mga hapon nun, papunta ko ng locker room ng mga varsity ng nakita ko si Mitch kasama na naman yung lalaking taga ibang school. Familiar talaga sya sakin ee. Kaibigan ko ba sya o kaaway? Basta.

Nung nakapagpalit na ko ng jersey at handa ng mag training. May narinig akong tawanan at sigawan ng mga tao dun sa may basketball court. Nung pagdating ko, nakita ko dun si Mitch na nakatali at binabato ng bola, basura, pagkain at binabasa ng tubig. Eto ba yung suprise party na sinasabi ni Jenna?

Seeing her in pain makes me numb. I dunno, gusto ko syang tulungan pero hindi ko kasi alam yung feeling ee. Nakakaawa na yung itsura nya, para syang may nakakahawang sakit at binabato hanggang sa mamatay. Ganun yung napipicture ko. Pero may bigla kasi kong naalala.

(Flashback ng Chapter 1. Nung sinangga ni Thunder yung bola kay Mitch)

Yun. Teka, bat ko naman sasanggain yung bola nun kay Mitch?

Tapos nakita ko yung lalaking kasama ni Mitch kanina na tinutulungan sya at inaalis yung mga tali kay Mitch.

"Girls! Attack!" Utos ni Jenna kaya pati yung lalaki binato din nila ng bola.

Kung saan saan na natatamaan yung lalaki. Nung natamaan ito sa ulo, hindi ko alam kung bakit pero feeling ko. Parang ako yung tinamaan nun.

(Flashback nung sinangga ni Thunder yung Encyclopedia for Mitch)

Napahawak ako sa noo ko.At unti unting nagfla flashback sakin yung mga nangyare, hanggang sa naging magkaibigan kami. Hanggang sa, nagtapat ako ng feelings ko sa kanya.

Teka. Si Mitch? Sya nga yung girlfriend ko.

Nung pagtingin ko ulet. Wala na si Mitch at yung lalaki. May guards na sumasaway at may teacher na nagagalit nung pagtingin ko. Ako naman, ewan. Para kong binatukan ng napaka lakas. Hindi ko kasi alam ee, kung girlfriend ko si Mitch? Edi all this time ako yung gumagawa ng mga bagay na nakakapagpasakit sa kanya?

Hindi ko alam kung ano at sino yung paniniwalaan ko. Parang sobrang tanga ko na ewan, basta. Bat ba kasi nagka amnesia ko ee? Pilit kong inaalala yung mga nangyare pero sumasakit lang yung ulo ko sa kakaisip.

Pauwe na ko ng bahay at nung pagkapark ko ng kotse ko, may mga pulis na naghihintay sakin sa bahay. Thinking na akala ko yung about sa nangyare sa school, nagpaliwanag ako na wala akong kasalanan. Eh kaso hindi naman pala yun yung agenda nila, napahiya pa ko.

"Mr. King Thunder Torres?" Tanong nung pulis.

"Yes, sir" sagot ko.

"Narecover po namin sa mga snatcher yung cellphone nyo. Eto na po" sabay abot sakin ng isang plastic at nandun yung cellphone ko. Sa case nun na pa wallet style, nandun yung ID ko.

"Salamat po" sagot ko na lang. Wait. Snatch? Na snatchan pala ko ng phone? Bat hindi ko maalala?

Pumasok ako sa kwarto ko at saka ko binuksan yung plastic at kinalikot yung phone ko. Buti na nga lang wala yung security code kungdi pahirapan din sa pagalala.

Una kong tinignan yung mga messages ko. At unang una sa inbox ko. Si Mitch, binasa ko yung mga text ko sa kanya at yung conversation namin.

Goodmorning siopao. Kahit na tumaba ka, mahal na mahal pa din kita. Kahit na mukha ng siopao yung mukha mo dahil ang lakas mong kumain. Hahahaha

Kaya pala lately, may bigla akong naalala sa siopao. Yun pala yun

Ako nga pala si Superman. At ako yung superman mo na laging magliligtas at proprotekta sayo. Promise.

Wag kang bibitaw aa? Mahal na mahal kita. Kapit ka lang. Ako bahala sayo, walang mangaaway sayo habang nasa tabi mo ko.

Hindi ko na nagawang tapusin yung pagbabasa ko kasi naiiyak na ko. Sunod kong tinignan yung gallery ko at nakita ko yung mga stolen pictures ni Mitch. Halos ilan nga lang yung selfie ko ee, halos puro kay Mitch lahat. At yung grinab kong pictures naming dalawa.

Halos naibato ko yung phone ko sa sobrang sakit na nararamdaman ko. What have I done? Iyak lang ako ng iyak ng bumalik na yung buong alaala ko. Lalo na ngayon na may gap na samin ni Mitch. Ayokong mawala sya sakin. Kailangan ko syang balikan.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon