Mitch:
Isang linggo matapos ang IPriSA, at isang linggo na din ang nakakaraan nang maging kami ni Thunder. Medyo nakakapanibago nga lang yung pangaraw araw ko na buhay ee. I mean, medyo iba na kasi yung mga galaw at kilos ko. Yung pinagsasabay ko ang pagiging girlfriend/number one fangirl ni Thunder at syempre yung studies ko. Not to mention the pressure kasi alam mo naman, sobrang lielow kasi namin ni Thunder ee. Yung parang konting kilos lang ingat na ingat na kami. Ayaw kasi namin na maissue ee, kaya kahit medyo mahirap. Kailangang gawin.
Medyo natutuwa din ako kay Thunder kasi yun nga, balance na nya ang time nya sa studies at pagba basketball nya. Ay, feeling ko ako nakapag convert sa kanya. Lol. I mean, ngayon ko lang kasi sya nakita na nakauniform. Parang I beg to disagree bes, bat parang mas hot si Thunder kapag naka uniform? Polo with slocks and ID. Naks. School boy.
Naks. Nagbabagong buhay aa.
Text ko sa kanya. Nasa may hallway sya kausap yung mga classmate nya nung napadaan ako. See? Kung magiwasan kami strangers na strangers ee no? Wala ee. Okay na din yun kesa maissue.
Wala ee, kailangan ee. Bakit? Nagwapuhan ka ba?
Reply nya. Langya, kahit kailan talaga que yabang ni luko.
Pakyu hindi, mukha ka na ngang ibuburol ee. Hahahaha
Gusto mong prinoprovoke ako para asarin kita ee. Pwes, pagbibigyan kita. Nasa may pinto ako ng room ng makita ko yung reaksyon nya mula sa kabilang hallway. Magkaiba kasi kami ng section at magkalayo kami ng room.
Lumalaki yung ilong nya habang nagtetext sya at parang gigil na gigil sa pagty-type. Wait. Hinihintay ko yung reply nya. Feeling ko nga mahaba ee.
Till death do us part diba? Pero kahit mauna ka. Sunod na lang ako. Hahaha. Labyu
Tek. Kahit medyo patrashtalk yun? Kinilig ako dun ng very light. Langya talaga tong si luko. Kahit kailan hilig bumanat. Akala ko mapipikon.
Pumasok na ko sa classroom namin at medyo na destruct ako sa usapan nung mga kaklase ko. Si Thunder kasi topic nila.
"Ano kaya nangyare kay Thunder? Nabawasan yabang nya no? Wala ee. Natalo kasi nung IPriSA" sabi nung isang lalaking classmate ko. Medyo affected ako syempre.
"Eh jusko naman kasi, paano binalya yung kalaban. Sinadya nya kaya" sagot naman nung kaibigan nya.
"Eh paano pinagseselosan ata, puro yabang kasi. Karma nya yun" sabi nung isang lalaki na nakisawsaw sa usapan.
"Tignan mo ngayon, balik normal na estudyante, eh paano wala na kasikatan nya" sabi nung unang lalaki. Medyo na conscious sila nung napansin nila na nakatingin ako sa kanila kaya umalis na sila. Gusto ko nga silang awayin sa totoo lang. Pero hindi ko magawa, ayoko kasing lumaki yung sitwasyon.
I knew it, this will happen. Sabi na ee. Nangyare na nga yung kinatatakutan ko. Ayoko pa namang maipit sa ganitong sitwasyon. Para tuloy sinisisi ko na yung sarile ko kung bakit pa pumasok ako sa buhay ni Thunder. Parang feeling ko ako yung nakasira sa kanya. Nasa taas na sya ee, ngayon nabababa na sya ng dahil sakin.
Parang ang complicated. Gusto ko na ngang sana bawiin yung relasyon namin kaso parang ang pathetic ko. I mean, alam ko mas lalong masasaktan ko si Thunder kapag ginawa ko yun.
•••
Kaso nagbago ang lahat at nalaman ng buong school yung about samin ni Thunder.
[Fast forward]
Since may competition kami na sasalihan kasama si Jayson at nung taga Adrenaline. Napagdesisyonan ng bawat advisers namin na magkaron ng rotational na review. I mean, pupunta ako sa school nila and pupunta naman sila sa school namin ganun. At syempre, nung araw na yun. Nandun si Jayson.
Aaminin ko, sobrang awkward pa din ako kasama si Jayson. Halos si Lea (yung taga Adrenaline) nga yung kinakausap ko since parehas kaming babae at nakikipagkaibigan sya sakin. Gusto ko pansinin si Jayson kaso parang hindi ito yung tamang lugar para magusap kami.
"Hey kuya, join us" sabi ni Lea kay Jayson.
"Ha? Hindi na." Sagot naman ni Jayson. Baka kasi iba isipin ni Lea sabihin ko dinedeadma ko si Jayson kaya nakakahiya man, inapproach ko din sya.
"Oo nga Jayson" sabi ko.
"Wow, magkakilala pala kayo?" Sabi naman ni Lea
"Yea, were friends na din naman kasi" sagot ko kaso bigla syang tumayo at lumabas.
"Lei, wait lang aa?" Sabi ko sabay sinundan si Jayson. Alam kong ang mali nito kaso iba kasi yung aura nya nung lumabas sya. Parang may nasabi ko na mali or what.
"Jayson!" Tawag ko at naabutan ko sya dun sa may nirerenovate na kwarto.
"Jayson, look. Ano ba? Ano ba problema?" Tanong ko.
"Hindi ko lang kasi matanggap na hanggang magkaibigan lang tayo" sabi nya. Medyo nashock naman ako dun.
"Jayson, sorry talaga. Hindi ko talaga maibibigay yung hinihingi mo ee" sagot ko. Medyo naiiyak na ko. Ayoko kasi sya saktan kaso wala ee, sabihin ko man sa kanya o hindi yung totoo. Alam ko masasaktan sya.
"Makakapaghintay naman ako aa?" Sabi nya.
"Mapapagod ka lang." Sagot ko.
"Okay lang naman ee. Para mapatunayan ko sayo na seryoso talaga ko" sagot nya.
"Jayson, sorry. Pero kasi--" sabi ko kaso niyakap nya ko. Medyo nafreeze ata yung katawan ko kasi hindi ko nagawang itulak sya.
"Please? Ill wait for you until youre ready" sabi nya. Halata nga na naiiyak na yung tone ng boses nya.
"I cant, Im sorry. My heart belongs to someone else" sagot ko na lang. Hindi ko na minention si Thunder.
"With who?" Tanong nya.
Hindi ako makasagot.
"With who?" Tanong na naman nya.
"Sakin!" Out of nowhere nagulat ako kasi biglang nagsalita si Thunder sa likod ko at saka tinulak si Jayson at sinapak to sa mukha.
"Back off with my girlfriend Villanueva!" Sabi ni Thunder na dinuduro si Jayson.
Gusto ko syang pigilan kaso biglang gumati si Jayson. Sinapak nya din si Thunder sa mukha.
"Thunder! Jayson! Tama na!" Sabi ko trying to stop them kaso naging tuod lang ako sa tinatayuan ko at hinayaan silang magsapakan.
Dahil medyo napapalakas yung mga suntok at sapak nila. Umabot sila sa labas at gumawa ng eskandalo sa mga tao sa school.
"Ano!? Wala ka pala ee!" Sabi ni Thunder. Si Jayson lupaypay na sa sahig at dumudugo na yung labi at may pasa na sa mukha
"Fck you!" Sabi ni Jayson sabay nakaganti kay Thunder at tinulak ito kaya napunta sila sa may isang pader.
"Argh!" Daing ni Jayson kasi siniko sya ni Thunder sa likod kaya napahiga na ito sa lupa. Tatadyakan pa nga sana nya si Jayson kaso pinigilan ko na sya.
"Thunder! Tama na!" Sabi ko sabay yakap sa kanya para pigilan sya. Actually natatakot na ko sa ganung itsura nya.
"Hutaena ka! Wag na wag ka ng ulit lalapit sa girlfriend ko!" Sigaw ni Thunder.
At bilang nanunuod yung ilang mga estudyante. Ayun, alam na nila yung tungkol dun. Congrats to us. Trending na kami.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.