Chapter 8

37 0 0
                                    

Thunder:

Expectations vs Reality.

I guess that is the exact phrase to describe Mitch. I dunno, spending my whole day with her was like. Damn. I guess Im starting to like her. I mean, seriously. I think Im falling inlove with her.

Sounds weird, but yea. I like her. Its kinda awkward though. A campus hearthrob will fall inlove with a nerd. Just like a typical stories I read or watched in a movie. So cliche but love means no boundary. No limits, and no difference. Yes, siguro magkaiba kami ng mundong ginagalawan. Ako sanay ako sa kasikatan sa school samantalang sya outcast lang ganun. Pero doesnt mean I should forget my so called affection to her right?

This day is so epic. From morning hanggang matapos tong araw na to. Parang ang daming nangyare. Nung pagsali sakin para sa history quiz bee, hanggang sa nagkausap kami ni Mitch. Nung training, nung uwian, nung pumunta kami at kumain sa mall, nag arcade, hinatid sya pauwe, hanggang bago matulog magkausap kami. Ibang klase. Paano ba nagsimula to? Parang ang bilis? Kagabe lang interview lang ang dahilan kung bakit kami magkausap. Ngayon, bestfriend ko na sya.

No, I dont feel any awkwardness na naging kaibigan ko sya. Ang cool nga ee, maybe shes a nerd. But trust me, shes not. Sa likod ng salamin na yun, isang Mitch na simple at masayahin ang nakilala ko. At first, given na puro books lang talaga nasa isip nya and studies ganun. Pero when you got to know her? Prepare for her madness.

Actually, nung interview pa lang sobrang natuwa na ko sa kanya. Sinong magaakalang sobrang cool nyang manamit? Naka loose tshirt kasi sya tas her hair is like Ariana Grande style mga ganun. Iniimagine ko nga ee, para syang si Taylor Swift sa music video ng You Belong with Me. Ah yun, oo. Parang ganun nga. Pero sa school sobrang tahimik nya lang, but not when you talk to her in random. Takas sa mental ang makakausap mo. Lol. Just kidding

Though, I discovered that she has a trust issues when it comes to her friends. And honestly, I know the feeling. Andaming ganun sa school. Realtalk. Yung lalapit at makikipag kaibigan lang sayo kasi may kailangan or basta, yung alam mong ginagamit ka lang. Especially in my case, makikipagkaibigan sakin to brag to the school that he/she is my friend. So iisipin ng iba sikat na din sya, so wrong. Kaya bukod sa mga ka team ko sa basketball. Si Mitch lang yung tinuturing ko ng kaibigan. I know this will be a hot issue to everyone in our school but who cares? I dont care. I have the right to choose who will be my friends or not.

I honestly dont know how I like her quirkiness. Her crazy side is just, ewan. One thing I love in a girl is yung may sense of humor. Sobrang ma trashtalk din pala nitong babaeng to. I dunno, for the first time. Sya lang ang nakakapagpa annoyed sakin ng ganito. Never may gumawa sakin nun. As far as I remember, it takes 3-4 months bago ko ma annoyed ng babae. At dapat, girlfriend ko na sya. But Mitch? In just one day with her is like a one week long argument with my ex. Oh nevermind, thats another story again. Iba talaga yung babaeng yun. Damn, ibang klase.

Imagine, sya lang ang may guts na tuksuhin na 'bakla' ako. See? How cool was that? Medyo nakakababa ng ego, yes. Pero bat ganun? Hindi ko magawang magalit sa kanya na halos papatulan ko sya, like. Ugh, bat sinasakyan ko pa sya sa trip nya? Youre must be a special kind of stupid Thunder. Hinahayaan mong ma depride ka ng isang babae.

Its almost 9:30pm nung nakauwe ako ng bahay. Yea, commute lang kasi tas nilakad ko pa mula sa gate ng subdivision hanggang sa bahay. Dagdagan mo pa ng traffic kaya medyo nakakabadtrip. Pinagbuksan ako ng katulong namin saka dumerecho ko sa kusina. Umaasa kong may kakainin ako paguwe ko kaso sa kasamaang palad, naubos daw ni kuya sabi ni Manang Fenny, yung katulong namin. Galing

"Sila Spice?" Tanong ko

"Tulog na po sir, hinihintay ko lang po kayo para mapagbuksan ng pinto" sagot nya. Wow, Manang Fenny is the sweetest.

"Thanks manang, I can manage. Pahinga na din po kayo" sabi ko na lang kaya iniwan na ko ni Manang Fenny.

Mabuti na lang may naabutan ako na isang box ng cake sa ref. May note pa nga ee, "Zander's property. Kumuha paslang" Who cares? Kumuha ko ng half ng cake saka ko dinala sa kwarto ko para kainin. Tulog na din yung mga kapatid kong babae kaya hindi na nila makikita ang pagtirador ko ng pagkain sa ref. And kuya, Im sorry. Im just returning the favor. Night shift siguro sa hospital. By the way, Hes a doctor. So kaya nya palitan yung cake na yun. No worries

"Kuya?" Medyo kinabahan ako dun, bat gising pa tong batang to?

"Spice?" Gulat ko. Aatakihin pa ko sa puso nito ee.

"Bat mo kinuha yung cake ni kuya Zander? Lagot ka!" Sabi nya. Nagbabanta pa sya.

"Gutom ako ee, wala ng pagkain. Eto nakita ko sa ref. Okay na to" sagot ko habang kinukuha yung susi ng kwarto ko.

"Bigay sa kanya ni ---" Hindi ko na sya pinatapos magsalita kasi pumasok na ko sa kwarto ko.

"Galing kay Ate Aisa yan!" Sigaw ni Spice mula sa pinto.

"Wala akong pake! Nagugutom ako, goodnight!" Sigaw ko at nakahiga sa kama habang kinakain yung cake.

Paikot ikot lang ako sa kama ko pagkatapos kong kumain. Hindi kasi ko makatulog ee, yung katawan ko pagod. Pero yung isip ko, si Mitch ang laman.

Erase. Erase. Erase

Ano meron dun sa babaeng yun at sya yung iniisip ko bago matulog? I suppose to think about our game, the championship ganun. But why Mitch?

I just distract myself by listening to music on my iPod. The playlist is just, ewan. Hindi naman kasi ko nagdownload ng mga kanta dito. Sila Spice at Sugar lang din. Eversince kasi na binigay sakin to ni kuya silang dalawa lang ang gumagamit nito. Halos ngayon ko lang to gagamitin ee.

Nagdri-drible ako ng bola habang nakaupo, since malakas yung earphones. Akala ko wala ng sounds yung pag bounce ng bola. Damn, nagising yung dalawang bata.

Nagulat pa ko ng sinipa ni Spice yung pinto ko para mabukas.

"Uso kumatok" iritableng sabi ko. Sabay tanggal ng earpods sa tenga ko.

"Eh yung pinto mo ee, di daw uso malock" sarcastic na sagot nya. Paker, kahit kailan talaga may pagka kontrabida tong batang to.

"Kuya, ang ingay mo. Kung ayaw mo matulog. Magpatulog ka naman!" Sabi ni Sugar na halatang nastorbo ko sa pagkakahimbing.

"Sorry" dispensa ko.

"Saka sino bang Mitch kuya? Kanina ka pa Mitch ng Mitch dyan ee! Mababanas mo pa ko ee!" Sabi ni Spice. What the actual fck. Seryoso?

"Kung nagaaway kayo ng girlfriend mo kuya, wag mo kami idamay. Itulog mo na lang yan. Bwisit ka din ee" sabi ni Sugar. Pinagtulungan na ko ng kapatid ko. Totoo ngang magbiro ka na sa lasing, wag lang sa bagong gising.

"Kuya, ipakilala mo samin yan aa. Gusto naming makilala" sabi ni Spice bago lumabas.

"Kailangan naming makausap yung babaeng yan aa! Para malaman namin kung bakit nababaliw ka ng ganyan. Malala ka na kuya! Ge!" Sabi naman ni Sugar.

"Oo, oo. Sige na. Goodnight na. Sensya na sa abala" sagot ko na lang saka sinara yung pinto ko saka nilock.

Mitch Lim. Ano ginawa mo sakin? Bakit nababaliw ako sayo ng ganito? Pakyu ka talaga.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon