Chapter 36

40 0 0
                                    

Mitch:

"So aalis ka na nga?" Tanong ni Jayson. Shet. Bakit ganun, parang bigla akong nanghina sa tanong nya na yun. Parang bigla akong nagdalawang isip or what. Basta

"Oo. Seryoso na ko. Ugh. Salamat sa paghatid, salamat sa fishball. Salamat sa lahat. Matutulog na ko" sabi ko na lang saka humiga at nagtalukbong ng kumot.

"Pasensya na Jayson. Pero hayaan mo muna ko magisip. Gusto ko kasing magisa muna. Salamat" sabi ko. Hindi ko magawang tignan sya kasi naiiyak na naman ako. My ghad, ayoko ng makita na nya kong umiiyak. Nakakahiya na kasi baka mamaya iba na iniisip nya.

"Okay lang. Basta. Tandaan mo, kung ano man magiging desisyon mo. Dun ako, hindi kita pipigilan. Kung san ka mas sasaya. Kahit masakit, okay lang. Ang mahalaga ikaw yung maging masaya" sabi ni Jayson at lumabas na.

Hahabulin ko sana sya kaso late na ko. Nakalabas na nga sya at nasa labas na papasok sa kotse nya. Pinanuod ko sya habang sa paalis ng kotse nya saka ko bumalik sa pagkakahiga ko.

Seryoso. Hindi ko kasi alam kung tama ba tong ginagawa ko. Para kasing mali na ewan. Basta, masyado lang ba kong loner or outcast kaya pati si Jayson nagagawa ko ng rebound? Ugh. Ano ba? To be fair, hindi naman daw nagtatake advantage or something si Jayson. Hes just doing it to make me feel safe. As his friend. Pero bat parang mas higit sa friends yung nafe feel ko? Saka ampanget kasing tignan kasi nga wala naman kaming definite closure ni Thunder.

Fck. Bigla na namang pumasok sa isip ko si Thunder. As of now, I made a decision to walk away from his life. Kaya nga ako pupunta ng China ee. I need some space for myself. Hindi ko naman sya masisisi kung yun yung naging tingin nya sakin. Sana nga lang I made the right decision na hindi na sya ipaglaban. Bahala na. Kung ano man ang mangyare, basta ang iniisip ko kung paano ko irerebuild yung sarile ko after experiencing this such heartbreaks and humiliation.

•••

Pumasok ako sa school kinabukasan na parang normal lang. Medyo masakit pa yung paa ko kaya medyo mabagal akong maglakad. Binubunggo bunggo na nga ako ng mga tao sa hallway kasi nga harang daw ako sa daan.

Nung nasa may hallway na ko papunta sa room namin. Bigla na naman akong hinarang ni Jenna at ng mga kaibigan nya.

"Oh ano? Bat ganyan ka? Ano? Nagpapaawa ka kay Thunder ganun?" Sabi ni Jenna in her most bitchesa tone.

"Jenna. Pwede ba!? Konting bullshits lang ang kayang i absorb ng katawan ko ngayon kaya pwede? Tigilan mo na ko. May sprain ako. Saka hindi ako nagpapawa kay Thunder" matapang tapang na sagot ko tas iniwan na sila kaso hinawakan nila yung magkabilang braso ko saka ako kinaladkad.

"Sprain pala aa!?" Sabi nya at hinihila nila ko papunta sa may olympic pool.

"Pwes tignan natin kung--" magsasalita pa sana si Jenna kaso may biglang sumigaw kaya nadistract sila Jenna.

"Hoy babaeng Impakta. Tuod. Linta. Lawin!" Sigaw ng boses beki. Si Sean.

"Sino tinatawag mong Impakta aa!?" Maarteng tanong ni Jenna.

"Ikaw! Saka sya, sya, at sya" sagot nya sabay turo sa mga kaibigan ni Jenna. Infer, may commercial ang drama ng squad goals ni Jenna. Thanks Sean. My knight in a shining, shimmering and splendid armor. Oh diba? Pang beking pang beki. Para syang si Darna at sila Jenna yung mga kaaway nya. Hutaena. Naging comedy pa ngayon.

"Ah ganun?" Sabi nya sabay tulak sakin sa pool. Lanya. Balik sa drama. Naging action naman.

"Ayyyyyyyy!!" Sigaw ni Sean.

"Tulong! Tulong!" Sigaw nya. Akala ko sasagipin ako. Hihingi din pala ng backup at hindi din daw sya marunong lumangoy. Pota. Sirena sya diba? Eme.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon