Mitch:
Sinama ko nila Spice dun sa likod bahay nila Thunder. May mini basketball court nga dun at may 'Mitch' na nakalagay dun sa may headboard. Langya naman pala. Masyadong famous pangalan ko.
Tinignan ko naman si Thunder. Ayun, hindi alam kung paano sya magpapaliwanag.
"Ano, para makakashoot ako" sabi nya.
"Sa presinto ka na magpaliwanag kuya" sabi nung isang batang babae. Hindi ko kilala ee.
"Nga pala Ate, sya si Sugar." Pakilala ni Spice. Ah, Sugar pala. Wow, Sugar and Spice. Ugh. May Everything nice pa kaya? Lol. Ang corny ko.
"Pero mas maganda ko sa kanya" bulong ni Spice. Ang batang bitchesa nito. Iba ee, bida kontrabida ang datingan. Eme
"Tara Ate. Tour ka namin dito sa bahay" sabi ni Spice at magkahawak kami ng kamay na nililibot yung bahay. Nandun kami sa may Sala sa may second floor. Que laki din. Yung TV parang pang sinehan sa laki tas nandun nakadisplay yung mga trophies and medals ni Thunder sa pagbabasketball.
"Eto yung kwarto ni Kuya" turo nya dun sa may isang pinto. Halata ngang kay Thunder ee. May nakalagay kasi na 'No Entry' na sticker sa may pinto at may bungo pang warning. Jusko, ang baduy. Joke lang.
"Tas dito yung kwarto namin ni Sugar" sabi naman nya at pumasok kami. Wow, just wow. Room goals mga bes. Para kasi kong pumasok sa Toy store sa dami ng mga laruan. Andaming Barbie at Hello Kitty stuffs at organize lahat. Wow. Nainsecure naman ako. Realtalk. Sobrang fan ako ng Hello Kitty ee.
"Ay ate. Eto nga pala oh?" Sabi nya saka may kinuhang photo album.
"Sayo na lang to. Baby picture yan ni Kuya. Para kapag inaway ka nya. May pang blackmail ka sa kanya" sabi nya at may inabot na picture. Maldita mode on. Magkakasundo kami ni bagets. Seryoso. May pandagdag na ko sa sleeping selfie nya. Evil laugh. Subukan mong pumalag Thunder.
Tinignan ko yung mga pictures dun sa photo album. Usually mga pictures lang nila. Yung mga out of town and out of the country trip nilang pamilya. Mga celebrations at mga random lang.
"Asan nga pala parents nyo?" Tanong ko. Kinakabahan kasi ko. Hindi ko pa kasi sila namemeet. Nandito ba sila?
"Ah, eh. Wala sila dito Ate. Nasa States kasi sila nakatira. Nandun kasi yung business namin. Kaya si Kuya Zander na yung tumatayong magulang namin ngayon. Bilang sya naman ang panganay" sagot nya.
"Ah, okay." Sabi ko na lang at binalik ang atensyon ko dun sa mga photo album.
Medyo na shock lang ako kasi paglipat ko ng isang page. Nakita ko yung pictures nila Thunder kasama si Jenna. Aaminin ko, medyo nasaktan ako nung nakita ko na sobrang saya ni Thunder sa picture nya na yun at sobrang sweet nila ni Jenna. Though given na na past yun. Pero may something kasi na nagpasakit sa puso ko.
"Tama na nga yan" nagulat ako kasi biglang kinuha ni Thunder yung photo album.
"Spice. Diba sabi ko, ugh. Nevermind. Can you leave us for a while?" Sabi ni Thunder at pinalabas si Spice.
"Hey," sabi nya. Medyo naluha ako dun. Shet. Ang OA ko ba kung nainsecure ako kay Jenna? Parang feeling ko kasi walang wala ako kumpara sa kanya.
"Okay lang naman ako. Ex mo na lang naman sya diba?" Sabi ko na lang. Okay Mitch. Magpakaplastic ka.
"Nope. I know youre not." Sabi ni Thunder
"Ex ko na lang sya. Oo. Pero dont worry, ikaw na lang mahal ko. Ikaw lang. Tapos na yun" sagot nya saka nya ko niyakap.
"Okay. Promise?" Sabi ko na lang.
"Promise" sabi nya saka nya ko kiniss sa noo ko. Seal with a kiss on the forehead. Okay, at least alam kong secured ako kay Thunder.
"Oh? Ano pa problema?" Tanong nya.
"Ano kasi ee. Paano na sa school? Paano kapag nalaman nila? Ayoko kasing makasira sayo ee. Feeling ko kasi ako sisisihin nila kung bakit hindi kayo ang nagchampion this year. Ako yung may kasalanan diba?" Morbid na sabi ko.
"Hey, of course not. Hindi ganun yun. Its my fault. Not yours" sabi nya at niyayakap na naman ako.
"Look. Ayoko ng magpakaplastic sayo pero aaminin ko. Kinakabahan talaga ko sa kung ano mang mangyayare sa mga susunod na araw. Pwede ba lielow muna tayo?" Tanong ko.
"Kung yun ang gusto mo. Okay. Okay lang naman ee. Naiintindihan ko din naman, at least walang masyadong makikialam" sagot nya.
So yun, clear na kami both sides.
Bumaba na kami ni Thunder at dumerecho sa dining area.
"Kain na tayo" aya ni Kuya Zander
"Dito ka na Ate Mitch" sabi ni Spice at pinaghain pa ko at pinagurong pa ko ng upuan.
"Thanks sweetie" sabi ko na lang. Wow, medyo FC naman ako.
Kumain kami ng almusal. Pancakes with choco and maple syrups. Wow. Sossy much.
"So tell me Mitch, kamusta naman yung kapatid ko?" Tanong ni kuya Zander.
"Ugh. Ayos naman kuya" sagot ko. Wow, kuya. Feeling close talaga.
"Siguro naman ikaw na makakapag convert dyan sa luko na yan para magaral. Hindi yung puro pagbabasketball lang inaatupag nya" sabi ni Kuya Zander.
"Ako na po bahala dyan. Maliit na bagay kuya" sagot ko.
Medyo nadestruct lang kami sa paguusap ni Kuya Zander nung biglang nahulog ni Thunder yung pancake na kinakain nya. Naconscious siguro.
"Madumi na yan." Sabi ni Sugar
"Wala pang 5 mins" sabi naman ni Spice sa 5mins rule.
"Malinis pa yan." Sabi naman ni kuya Zander
"May 1% pa lang ng germs yan kuya, kainin mo pa. Sayang naman" sabi ni Spice
"Wow, bakit? Na scan mo?" Tanong ni Thunder
"Wala. Kasi sa safeguard, may 1% ng germs ang hindi pa namamatay. Kaya yun yun" sagot naman ni Spice
"Gaano ba katibay yang 1% ng germs na yan at hindi mapatay patay ng safeguard at kahit na anong sabon?" Pa abnormal na tanong ni Thunder. Baka gusto pang gawan ng thesis.
"Kasi inevitable ng nobodys perfect" patay malisyang sagot ko sabay subo ng pancake. Nagtaka pa nga ako sa reaksyon nilang magkakapatid ee. Natahimik yung dalawa. Si Kuya Zander naman tawa na ng tawa.
"Thunder. I like her na talaga. Marry this girl" sabi ni Kuya Zander. Mama lang? Kasal agad?
"Ay ate, tanong ko lang" nagsalita si Sugar. Ngayon na lang ulet sya nagsalita.
"Fangirl ka din ba ni Kuya?" Tanong nya
"Ano ba Sugar? Hindi no. Halata naman. Hindi nya nga tayo kilala ee" sagot ni Spice
"Bakit? Required bang kakilala kayo?" Tanong ni Thunder.
"Oo kaya Kuya, yung mga fangirls mo kaya kilalang kilala kami. Famous ka kaya diba?" Sabi ni Spice. Wow, iba talaga tong si Thunder.
"Kasi si Ate Mitch hindi kami kilala. Eh yung iba nga dyan makita pa lang kami kilala na agad kung sino si Sugar at sino ko. Ganun kaya ka stalker mga fangirls mo" sagot ni Spice.
"Oo nga. Sabagay, andami ngang pumunta minsan sa clinic ee. Akala ko naman magpapatingin. Hinahanap ka lang pala." Sabi naman ni Kuya Zander. Grabe, ganun ba katinde mga fangirls ni Thunder sa school?
Parang mas nagtanda sakin na kailangan ko nga talagang mag lielow kay Thunder. Parang feeling ko talaga mapapasama ako kapag nalaman nila na kami nga ni Thunder. We have to keep our relationship lielow from the public's eye. Bahala na.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.