Chapter 18

49 0 0
                                    

Jayson:

Have you ever fall inlove sa isang babaeng kahit hindi mo naman kilala, pero lagi mong nakikita? I mean, Im falling inlove with this random girl. I dont even know her name, pero alam ko kung san syang school nagaaral.

Cute sya. Her face is like an angel. Lagi syang nandun sa spot ng cafe malapit sa may bintana. Lagi syang magisa, gusto ko nga sana syang lapitan para kausapin kaso nahihiya ako. As a boss of this cafe. It would be awkward kung kausapin ko sya at makipagkilala ko sa kanya. I mean, minsan nagkakasalubong yung mga tingin namin at nagngingitian kami. Damn. Im falling inlove with a stranger. Isnt it cool? Nah. So awkward.

"Sino ba yang tinitignan mo dyan?" Tanong ni Mama. Naguusap kasi kami about dito sa cafe. Ako kasi yung nagbabantay dito pag wala sila. Well, this cafe is our property kaya syempre may concern ako dito.

"Pambihira. Nagsasalita ako eh hindi ka naman nakikinig" medyo pagalit na sabi nya.

"Sorry Mom. Where are we?" Sabi ko na lang at hindi na muna ko nagpadistract dun sa random girl.

"Hindi. Tinitignan mo yung babaeng yun. Kilala mo ba sya? Girlfriend mo ba yan?" Tanong nya. Patay, girlfriend daw. Hindi nga kami magkakilala.

"Nope. Shes our customer. I mean, lagi syang nasa cafe natin" sagot ko na lang.

"Ah, I guess we should give her something reward. Discount? Gift check?" Sabi ni Mama. Wow, galante.

"Wag na Ma" sagot ko na lang. My god, ano ba pumapasok sa isip ni Mama?

"Why bother? Shes our customer. At sabi mo nga suki na natin. She deserve something as a reward" sagot nya.

"Fine" sagot ko na lang. Bat ba umaayaw pa ko?

Lumapit si Mama at saka kinausap si random girl. I dunno, I found it cute when I saw her reaction. I remember how giddy she was nung binigyan sya ni Mama ng gift check.

"See? Shes nice" sabi ni Mama

"Tinanong nyo pangalan?" Tanong ko. Like Im too interested to know her.

"I dunno. Hindi ko naitanong ee, wait. Crush mo ba sya?" Tanong ni Mama. Awkward yun

"Oh c'mon Jayson. Dont you dare hide it to me" sabi ni Mama. Shet. Kilala nya talaga ko.

"Fine. Nacu-cute-an ako sa kanya" sagot ko. Si Mama naman parang kinikilig na ewan.

"Hays. Binata na talaga ang anak ko" sabi nya pa. I found it too awkward. Ewan, para kong nagiging mama's boy na ewan.

"What? Youre mature enough na. Youre falling inlove with that girl. I can see it in your eyes" sabi ni Mama at hawak yung pisngi ko. Tek, ang awkward talaga.

"MA!?" Medyo nahihiya na ko.

"Hahaha. Oh, dont be mad at me. Im just pushing you. Sorry for being pushy, but Ill support you if ever." Sabi ni Mama. Wow, thats why I love you Ma'.

"Anyway, you go. You have your basketball training right? Goodluck. Keep safe" sabi ni Mama at humalik sa pisngi ko.

Umalis na ko pero bago yun, nakasabay ko pa palabas ng pinto si random girl. I dont know, why she look so perfect? Her eyeglasses really makes her more stunning. Mukha nga syang masunget pero she looks like a goddess. Seriously

"Thank you" sabi nya bago sya naunang umalis. Medyo napatigil pa ko ng ilang minuto nung ngumiti sya sakin. Fck. Ang OA ko pa naman kapag kinikilig.

By the way, Im Jayson Villanueva. Team Captain of the Dalton Basketball team.

Papasok na ko ng school for our training sa Basketball. Medyo pressured pa nga kasi kailangan naming bumawe ng this year. So sobrang intense ng training. And I dunno, hanggang ngayon kasi sya yung pumapasok sa isip ko. Si Random girl. Ano kaya pangalan nya?

And so it just happened.

This time were friends na. I dont know how its started. Basta ang alam ko ang epic ng first meeting namin. So yea, I was on our cafe ng nakita ko na naman sya, this time nagiba na yung itsura nya. Kaso yun nga lang, mukhang badtrip sya.

Shes chanting something ee. So inalam ko, baka kako may problema dito sa cafe or sa staff.

"Excuse me miss, are you enjoying your--" sabi ko pero bigla nya kong sinapak.

Realtalk. Sinapak nya ko. Shock was an understatement of what she did to me. Is she crazy or something?

"Fck. Fck. Fck" daing ko. Ang sakit kasi ng ilong kong sinapak nya. Damnit. I cant believe na babae pa talaga ang unang makakasapak sakin sa mukha. Wala pang nakakasakit sakin in my entire life. Wala pang nagka guts na suntukin ako or sampalin ako. But this girl? Wow.

Nagaapologize sya. I dunno, bat hindi ko magawang magalet sa kanya? Mas parang na inlove pa nga ako sa kanya. Stupid isnt it? But seriously. What kind of girl are you? I like your angst. Youre so damn hot.

"Anong karapatan mong saktan ang anak ng may ari ng cafe na tinatayuan mo?" Tanong ni Grazilda. Yung baklang manager namin dito sa cafe.

So syempre, gumawa na lang ako ng way para maisalba sya sa. Wow, pinagtanggol ko pa talaga sya? Tinde pala. Ako na yung nasaktan ako pa yung gumawa ng way para ipagtanggol sya? Love is really stupid isnt it?

Now I have the chance to talk to her. Her name is Mitch. But what the actual fck? Shes the girlfriend of my basketball rival. Thunder Torres of Mckinley High. Damnit.

After that incident, okay. I tried to stop thinking about her. Wala na ee, alam kong end game na. Talo na ko. Poor me

And then unexpectedly. One in a million chances, nagulat ako kasi isa sya sa mga participants ng Math quiz. Kasali din kasi ko dun bago yung basketball game ko after. Tumili pa nga sya na mukhang ewan ee. I dunno, ang weird nya din ee.

And the epic moment happened. Dumugo ilong ko. Pakshet.

"Mam, dumudugo po yung ilong ni kuya" sabi nung katabi ko. Shet. Nakakahiya. Ang gwapo ko para mapahiya ng ganito. Lol

Sya pa nga yung nagabot ng tissue ee. Okay. Humanda ka sakin after. So pagkatapos ng quiz. Hinintay ko talaga sya sa labas at inabangan ko sya. I have failed my attempt to forget her. I dunno, biglang bumalik yung feelings ko sa kanya. We can be friends right?But then, Thunder came. Ang dakilang panira ng moment.

The next day, nakita ko na naman sya sa cafeteria ng Adrenaline. Okay. Shes all alone. I have the chance. May game kami after sa school nila. But who cares, I want to talk to her.

We talked about some stuffs. And then, dun ko narealize na bestfriend lang pala nya yung Thunder. Kunwari hindi ako natutuwa pero deep inside. Shet. May chance pa pala ko. Akala ko mawawalan na ko ng pagasa. Gusto ko na sanang itanong sa kanya kung pwede ko syang ligawan ee. Kaso masyadong mabilis. Kaya okay, Ill keep my cool.

Basketball game namin nun and si Thunder yung nagbabantay sakin. Nakakabadtrip. Para syang pathetic na ewan. Halata kasing sobrang aggresive nya. Gusto ko syang sapakin sa totoo lang. Sobra kasi kung maka foul. Seryoso, okay lang naman ee. Pero shet kasi. Personalan na ata to. Pero syempre, hindi ko sya pinapatulan.

"Hoy, nilalagawan mo ba si Mitch?" Tanong nya nung kami na naman yung nagaagawan sa bola.

"Oo" sagot ko. Masyado namang possessive to. Bestfriend lang naman.

Pinamukha ko sa kanya yung lugar nya sa buhay ni Mitch. Bestfriend lang sya. Wala syang karapatang diktahan ako kung pwede kong lumapit sa kanya or what. Gusto nya ng away, pwes pagbibigyan ko sya. Pero wag dito sa court. Pero sya? Ayun. Binalya ko. So unprofessional, bro.

Parehas kaming napahandusay out of court. Ako medyo masama lang ang pagkakabagsak ko. Napilayan nga ata braso ko. Pero karma na nya yung magka ACL ata sya. Badtrip kasi sya. Kung angkinin si Mitch kala nya pagaari na nya. Bestfriend lang naman sya. 'Lang'. He doesnt have the authority to possess her.

Mark this words King Thunder Torres. If you want a fight, Ill give you one. Ill do everything to win Mitch. Especially ngayon na alam kong may pagasa ko sa kanya. May the best man wins.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon