Chapter 50

39 0 0
                                    

Jayson:

Staying in China is truly a blast. Knowing na nasa iisang bubong lang kami ni Mitch in the entire stay ko dito. Unexpected though, for the first time nameet ko ang Dad nya. Akala ko may pagka terror. Mabait din naman pala.

He gave us, I mean me and Coach Robin and his wife the rights para sa bahay nila mag stay habang nasa China kami. Like wow, sobrang laki ng bahay nila Mitch. Seriously, walang place yung simplicity ni Mitch na nakilala ko sa Pilipinas. Dito sobrang prinsesang prinsesa ang itsura nya.

Walang halong biro aa, pero Mitch look so charming and mature na nya. Halos hindi ko na nga sya nakilala ee. She look so perfect in my eyes. Ayan na naman, feeling ko yung feelings kong akala ko binura ko na biglang nagressurect. Damn. I guess this will be a good catch, eto na ee. Wala ng Thunder na panira ng moment.

But I was wrong.

Si Thunder pa din pala yung nasa isip ni Mitch kahit na nasa China na sya. Akala ko pwede na, hindi pa pala. Nangingibabaw pa din pala si Haring Kulog sa puso ni Mitch. Hutaena dis.

"Ano ba kasi te'. Sino ba yung vavavoom na nandun?" Tanong nung kapatid ata ni Mitch.

"Si Jayson." Sagot nya. Alam kong mali pero sorry, hindi ko naman kasalanan kung marinig ko usapan nila nung nasa may labas sila at nasa likod lang nila ko.

"Boyfriend mo?" Tanong nung babae. Kinabahan ako sa isasagot nya.

"Hindi" sagot ni Mitch. Okay, medyo nahurt ako. Fck. Bakit? May karapatan ba?

"Hindi daw, jusko. Ano? Dahil na naman dun sa boyfriend mong iniwan ka?" Intriga nung babae.

"Si Thunder, duh. Hindi nya ko iniwan, alam mo naman yung nangyare diba?" Sagot ni Mitch.

"Eh bakit hindi mo pa din hinahayaan yung sarile mo na sumaya dahil magpapaka stuck ka pa dun sa lalaking yun. Ay Mitch, jusko. Bakit ba naman ba kasi nagpapakatanga ka pa. Andyan naman si kuyang vavavoom ee" sabi nung babae. Nadistract sila nung napansin nila na nakikinig ako sa usapan nila.

"Sorry. Hindi ko sinasadyang marinig yung usapan nyo" sabi ko na lang at patay malisyang pumasok. I knew it, Thunder Torres. Youre still the champion.

•••

Mabilis lang din dumating yung isang linggong bakasyon namin sa China. In two days, balik Pilipinas na din kami. Enrollment na kasi at pasukan na next week.

Lumipas yung mga araw na awkward lang ako kay Mitch, nahihiya pa din kasi ko. Parang wala naman kasi atang sense yung pagpunta ko dito. Oo, ginusto ko to. Pero akala ko kasi pag nasa China na si Mitch makakalimutan nya na si Thunder. I just give time to her to rebuild herself para ready na sya kung sakali na ako naman yung manligaw sa kanya, for the second time. Pero wala, Im still a loser.

Martyr? Oo. Wala naman sigurong bibilang kung ilang beses ka nagpakatanga diba? Tanga? Oo. Ganun naman kasi talaga kapag mahal mo yung tao. Kung san ka tanga, dun ka masaya. Wow, masaya. Masayang masaktan? Thats the Jayson Villanueva way.

Sometimes I ask myself. Is this really worth it? Nah. Kapag kasi nagmamahal ka minsan wala ka ng pakialam kung worth it pa ba o hindi na ee. Wow, ang tatapang naman natin. Risk lang risk. Bat kaya hindi pa ko nag sundalo no?

Nakaupo lang ako sa kama at iniinom yung Red wine na sabi kong pangpasalubong ko. Hutaena. Ayaw kasi ko tamaan ng antok kahit madaling araw na, pati nananahimik na wine ininom ko na. Antukin sana.

Maya maya, nagulat ako kasi may biglang kumatok sa pinto ko. Syempre kinabahan ako.

"Sino yan?" Tanong ko. Papa ba to ni Mitch? Wag naman sana.

That Twisted PagibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon