Mitch:
Kasalukuyan akong nasa library para magreview nang magulat ako kasi biglang may tumawag saking unregistered number. Yung kapatid ni Thunder. Si Spice
"Hello?" Bati ko.
"Ate Mitch?" Medyo naiiyak yung tone ng boses nya.
"Yes, bakit Spice? Bakit ka umiiyak?" Tanong ko. Clueless kasi talaga ko kung bakit sya tatawag sakin at umiiyak, inaway siguro ng kuya nya.
"Si Kuya" sabi nya. Nagconclude lang ako, binully siguro. Pero hindi.
"Ano? Nasan kuya mo?" Tanong ko.
"Si Kuya, naaksidente sya" sagot nya.
Naaksidente sya.
Naaksidente sya.
Naaksidente sya.
Paulet ulet na nagfla flashback sakin yung huling sinabi ni Spice. Naramdaman ko na lang na may tumutulo ng maiinit na tubig mula sa mata ko. Naiiyak na pala ko. Muntik ko ng mabitawan yung phone ko sa sobrang gulat at lungkot ko.
"Nasan sya? Nasan kayo?" Tanong ko
"Sa may Monasterio Medical. Malapit sa clinic nila kuya" sagot nya kaya out of my whim, dali dali akong pumunta na nasabing hospital.
Patakbo kong hinanap yung kwarto ni Thunder pero naabutan ko sila Spice dun sa may labas ng emergency room.
"Ate Mitch!" Sabi nung dalawang bata at saka yumakap sakin. Si kuya Zander naman nakaupo dun sa isang sulok at nakahawak sa noo nya na parang sobrang lalim ng iniisip.
"Kuya," sabi ko na lang at biglang napayakap kay Doctor pogi. I dont care about the awkwardness. He needs comfort din. Alam kong nagaalala din sya ng todo.
"Bat ba kasi pinabayaan ko pa syang umalis ee" sinisisi ni kuya Zander yung sarile nya.
"Ano po ba nangyare?" Tanong ko.
"Nasnatchan sya ng phone. Hinabol nya kaya nasagasaan sya" sagot ni Kuya Zander na kinatakip ko ng bibig ko at saka napahagulgol sa iyak.
"Hey, he'll be alright." Sabi ni kuya Zander.
"Malalagpasan din ni Thunder to, as of now kailangan lang nating maghintay" sabi nya saka nya ko clining sa balikat nya. Pati yung dalawang bata nakayakap kay Kuya Zander kaya kung titignan, para kaming isang buong pamilya.
Medyo na destruct lang kami sa pagmomoment ng may biglang lumabas na Doctor at dalawang nurse.
"Doc, Im Alexzander Torres. Kapatid ko po yung pasyente. How is he?" Tanong ni kuya Zander.
"As of now, hes stable. But hes under observation." Sabi nung doctor. Medyo kinakabahan ako.
"Malubha po ba si kuya?" Naiiyak na tanong ni Spice
"Thats why were observing him. Were monitoring kung may internal hemorrage ba or blood clotting sa ulo nya" sagot nung Doctor.
"As a doctor, Im sure your aware of it" sabi nung Doctor kay Kuya Zander.
"Yes Doc, thank you" sagot nya.
"Ill leave you. Excuse us" sabi nung doctor kaya umalis na sya kasama yung dalawang nurse.
Mga 3 oras ata kaming naghintay sa emergency room habang hinihintay yung update kay Thunder. Napapaikot ikot na kami at hindi alam yung gagawin. Napapadasal na lang din ako na sana iligtas si Thunder sa kapahamakan.
"Pwede nyo na pong makita yung pasyente" sabi nung lumabas na nurse.
Pumasok kami at nagsuot muna ng laboratory gown at face mask bago pumasok. Hindi ko alam kung ano yung nararamdaman ko pero bigla talaga kong napahagulgol nung nakita ko si Thunder na may sugat sa ulo at may nakasaksak na kung ano ano mang aparato at oxygen lang ng makina yung nagbibigay ng hangin sa kanya.
"Thu-Thunder?" Sabi ko at naghy hysterical na lumapit sa hospital bed.
"Thunder. Please. Kung naririnig mo ko ngayon? Wag kang susuko. Please? Please? Lumaban ka. Lumaban ka Thunder" sabi ko na hinahawakan pa yung kamay nya at hinahalikan.
"Diba? Diba sabi mo walang iwanan? Walang bibitaw? Diba? Hindi kita iiwanan Thunder. Hindi. Please? Lumaban ka please. Ayokong mawala ka sakin. I love you Thunder. Please. Wag kang mawawala sakin. Hindi ko alam kung paano magpapatuloy kapag nawala ka sakin" sabi ko na sobrang hagulgol ko na. Sobrang OA ko na nga ata kasi parang nagaagaw buhay na yung dating ni Thunder. Pero ayoko lang talagang mawala sya sakin. Realtalk. Hindi ko alam kung paano mabubuhay kapag nawala sya sakin. Exaggerating man. Pero totoo yun.
"Mitch" awat ni Kuya Zander kasi naghy hysterical na talaga ko at halos hihimatayin na ko sa sobrang sama ng loob.
"He'll be alright. Trust me, Thunder is a survivor. Malalagpasan nya yan. Magigising din sya" sabi nya saka niyakap na naman ako para mapalakas yung loob ko.
Yes, Mitch. Magtiwala ka kay Thunder. Hindi sya mawawala. Well, sana nga lang. Sana.
•••
Kinabukasan.
Hindi ko alam kung paano ko namanage isurvive tong araw na to. Sobrang pagju judge ng mga schoolmates ko ang naririnig ko. Dagdagan mo pa yung sobrang pagaalala ko kay Thunder kaya feeling ko sobrang down na down ko na. Gusto ngang sisihin yung sarile ko sa mga nangyayare. Siguro kung hindi naging kami ni Thunder, hindi mangyayare to.
Nasa may CR ako at dun ako umiiyak ng may pumasok na dalawang babae at pinaguusapan ako. Nagtago ako sa cubicle kaya hindi nila ko napansin.
"Be, kawawa si Thunder no? Nabalitaan mo na ba yung nangyare?" Tanong nung isang boses babae.
"Oo, nakakalungkot nga ee. Hay naku, kasalanan nung nerd na yun no? Akalain mo, dahil sa kanya nakipag away si Thunder. Natalo sila sa championship, tas ngayon nasagasaan naman? Ano naman kaya sunod? Jusko. May kamalasan nga ata talaga yung Mitch na yun ee. Kaya nilalayuan ng mga tao" sagot nung isang babae.
"Kaya nga ee, ano kaya nakita sa kanya ni Thunder? Wait, crush mo si Thunder diba?" Sabi nung babaeng isa.
"Before, pero ngayon, ewan ko. Nakamove on na ko ee" sagot nung babae. Crush lang move on agad? Bwisit din to ee.
Seryoso. Gusto ko silang labasin at awayin kasi sobrang affected ako sa sinabi nila. Though parang gusto kong maniwala sa sinabi nila na ako yung 'malas' kay Thunder. Pero jusko, sobrang below the belt naman kung pati pagka aksidente nya sakin pa din isisi diba?
Pagkatapos ng klase ko, dumerecho agad ako sa hospital para dalawin at kamustahin ang lagay ni Thunder. Its a relief nung nalaman ko na may malay na sya.
Chinecheck pa sya nung doctor, yung parang tinututukan ng ilaw yung mata nya ganun. Its good to see Thunder awake again. Namiss ko syang asarin at kausapin.
"Sino ka? Asan ako?" Sabi ni Thunder nung lumapit si kuya Zander.
May pagtatakang tumingin kami dun sa doctor na nagcheck kay Thunder. Wait, dont tell me? May amnesia si Thunder?
"Doc, whats going on?" Tanong nya
"Well, maybe its the effect nung pagkabagok nya. As of now, we need to observe him pa and make some test to him. Hindi natin alam kung partially or permanently yung amnesia nya" sagot nung Doctor.
"Makakabuti siguro na hayaan muna natin syang magpahinga, and dalhin nyo sya sa mga lugar na maaring makapagbalik ng alaala nya. Take note lang, take it step by step. He need it. Para hindi sya mahirapang magadjust" sabi nung doctor.
"Ikaw si Thunder. Thunder, kapatid mo ko. Ako si Kuya Zander" sabi ni Kuya Zander
"Parang- parang familiar ka sakin" sagot ni Thunder.
"Well, its a good sign. Maaring permanently lang ang amnesia nya" sabi nung doctor.
"Thunder, ako to. Si Mitch? Tanda mo ko? Ako yung girlfriend mo" sabi ko.
"Hindi kita kilala" sagot nya. Parang may bala yung bawat salitang binitawan nya. Ang sakit lang.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
FanfictionIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.