Mitch:
Nakahiga at natutulog sa hita ko si Thunder. Walangjo naman bes, pasalamat ka ang cute mo kapag tulog. Kungdi gugulong ka pababa ng benches ee.
Bwisit. Bwisit. Bwisit.
Bakit ba kasi may pa ganitong dare/rules pa tong si luko ee. Andaming arte daig pa babae ampota. Okay, tama din naman. Masyado na kong, ugh ano ba tawag dun? Basta. Parang medyo nagfe feeling close na kasi ko kay Thunder. Kung murahin ko at saktan ko naman eh parang magkakilalang magkakilala na kami. Tss, wala pa nga atang one week kaming magkakilala ginaganun ko na sya? Youre so bad Mitch.
Okay, okay na. Pinagsisisihan ko na yung mga ginagawa kong kawalanghiyaan sa kanya. Hindi ko na sya aasarin, hindi ko na sya kukulitin. Hindi ko na sya guguluhin. If Im not mistaken, sa pagkakatanda ko. 5 days lang naman yung validity ng kabaliwang to. For lifetime daw ee? Tadyakan ko sya sa bayag nya ee.
Fck. Pati bayag nya nadamay pa. And yea, no physical abuse na nga daw diba? Hays.
Nilalaro laro ko yung buhok nya habang natutulog. Pinapaikot ikot, kunwari kinukulot ganun. Tas hinahawak hawakan ko yung ilong nya. Ang tangos naman kasi bes, nainsecure ako bigla. Charot
Naramdaman ko na basang basa sya ng pawis kaya pinupunas punasan ko sya ng panyo ko. Wow, senyoritong senyorito peg ni luko. Napansin ko nga din na may konting gasgas sya sa may tuhod nya at braso. Tas may lupa lupa yung jersey at yung braso nya nung pinunasan ko sya. Jusmeo, nag dive ba to? Naglupa? Basketball ba talaga sports mo koya? Lol. Joke lang.
Pinagmamasdan ko lang yung mukha nya. One fine specimen mga mamang. Kung baga, nabaligtad na ata yung fairy tale. Si prince charming na yung natutulog at yung prinsesa ang hahalik. Nye, ang corny. Bat ko naman hahalikan si Thunder? Duh.
"Ang gwapo mo pala talaga bes, pakshet. Crush na ata kitang hayuf ka ee" Akala ko bulong ko lang, napalakas ata. Nagising kasi si luko. Narinig nya kaya? Patay tayo dyan.
Nagiinat inat na sya at saka nag streching nung tumayo sya. Wow, buti pa sya sarap ng gising nya. Eh ako? Sumakit ata hita ko bes. Namanhid ampota.
"Anong oras na?" Tanong nya. Pipilosopohin ko sana na umaga na kaso hindi ko na tinuloy ee, magbiro ka na sa lasing mamang. Wag lang sa bagong gising.
"3:30pm" sagot ko nung tinignan ko sa phone ko.
"Ha?" Gulat pa nya at inagaw sakin phone ko para i confirm.
"Napasarap pala tulog ko" sabi nya at nagpapapogi pa sya. At ginawa talagang salamin yung front camera ng phone ko. At nagpa cute. Tek, nag selfie pa.
"Picture nga tayo" sabi naman nya so nagtake kami ng mga pictures. Lahat ata ng pagpapacute sa camera ginawa na namin. Wala ee, nagpapicture sa dyosa.
Nung medyo okay okay na sya. Inaya na nya kong umalis kasi nagaalisan na din yung mga tao. Like seriously, hindi ko magalaw yung binti ko. Namanhid talaga sya.
"Wait lang!" Sabi ko at nagmamakaawang hintayin ako. Hutaena, iiwan na naman ako?
Tas nagulat ako kasi bigla syang lumuhod sa harap ko.
"Pasan" utos nya.
"Ha!?" Tanong ko. Like, seryoso ba sya?
"Papasan ka ba o iiwan kita dito?" Tanong nya. Edi go. Papabebe pa ba ko? Papasan ka ni Thunder Torres aayaw ka pa ba?
Nakapasan lang ako habang papunta sa malaking parking lot ng school. Awkward nga kasi pinagtitinginan talaga kami. Masyado atang PDA kami masyado. Pero wapakels bes, sobrang manhid ng binti ko. Saka kasalanan nya din naman kung bakit hindi ako makapaglakad. So Im just returning the favor.
BINABASA MO ANG
That Twisted Pagibig
Hayran KurguIn A Relationship With My Bestfriend by Ezragram. Edited and Revised version.